18: Filled with the Unspoken Truth

64.5K 2.5K 357
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Filled with the Unspoken Truth

BIGLAANG nagising si Czarina. Nararamdaman niya ang paggalaw ng hinihigaan. Napabangon siya at natigilan nang makita si Bari na parang binabangungot.

"Bari..." She tapped his face over and over. "Bari..."

Nagsisimula na siyang mag-aalala na naman dito. Noong isang gabi ay naririnig niya na naman itong umiiyak nang mag-isa sa banyo. Hinayaan niya lang ang asawa ngunit nang sumunod na araw ay kinausap niya ito.

He just said,

"I'm alright. I just want to cry alone yesterday. Thank you for giving me the space I needed."

Hindi naman niya masisisi ang asawa kung hanggang sa ngayon ay hindi pa rin talaga ito maka-move on sa pagkamatay ni Mama Bella. Kahit siya naman ay iniiyakan pa din ang Papa niya sa tuwing naalala niya ito.

"Bari..." mas nilakasan niya pa ang pagtawag rito. She continued to tap his face and chin.

He gasped for air and got up. Nasapo ng mga palad nito ang buong mukha.

"Binabangungot ka..." Hinaplos niya ang buhok at likod nito.

Napabuntong-hininga ito at nilingon siya. "Sorry for waking you up." Napabaling ito sa anak nila na mahimbing pa rin naman sa pagkakatulog.

Mana si Elijah kay Bari. Kahit may bumagsak na bulalakaw sa likod ng bahay nila ay hindi ito magigising kung ayaw pa nitong gumising.

"Buti nga at nagising ako. You are having a nightmare. Nag-pray ka ba bago matulog?" tanong niya pa sa asawa.

Hinawi nito ang buhok patalikod. "Nakalimutan ko. Kaya siguro..." his voice trailed off. Inalis nito ang kumot at umalis sa kama. "Iinom lang ako ng tubig."

"Wait, I'll go with you." Agad din siyang umalis sa kama. Kinumutan niya ng maigi ang anak.

"Go back to sleep, Maria Clara. Masama sa buntis ang napupuyat."

Napatingin siya sa orasan. "Alas-singko na rin naman. One hour before I usually wake up. Let's say, mas maaga lang akong nagising today." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay nito. "I'll make you some hot coffee."

Pagkababa nila ay agad niyang isinaksak ang coffee maker. "What did you dream about?" pasimpleng tanong niya sa asawa.

Tumayo lang ito sa likod niya, pinapanood ang ginagawa niya. Hindi ito sumagot kaya baka ayaw pag-usapan.

"Gusto mo, magpatingin na tayo sa doktor?" marahang suhestisyon niya. She does not want to offend Bari that something must have been wrong with him. But he cannot be mentally healthy. Gusto lang rin naman niyang makasigurado dahil kahit si Czarina ay bumabalik pa rin sa doktor niya sa utak para masigurong maayos lang ang mental health niya. Hindi rin naman masama iyon.

"Sa tingin mo ay makakatulong sa'kin iyon?" he softly asked.

"Oo naman. Baka kasi hindi natin alam, depressed ka na pala dahil sa mga nangyari... Or baka may aftermath ang comatose mo. Baka nakaapekto sa mental health mo." She started to brew the coffee grains. Hinarap niya ang asawa. "I can go with you. Sasamahan kita sa lahat ng tests. Maninigurado lang naman tayo. And if you needed any therapy, I'll go with you, too. Katulad noon nang sinasamahan mo ko sa psychiatrist ko."

Bahagya ang pagngiti nito. Bari encircled his arms around her. "Hanggang saan mo 'ko kayang mahalin? Hanggang anong rason?" biglang tanong nito.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon