6.2: Filled with Overcoming Temptations

63.1K 2.1K 256
                                    

CHAPTER SIX (PART 2)

Filled with Overcoming Temptations - A Strong Love in a Weak Heart

HUMUGOT muna nang malalim na hininga si Bari bago tuluyang komprontahin si Czarina. Hindi pa siya lubos maisip kung paanong sisimulang kausapin at pagsabihan ito. Hindi siya nakatulog kagabi ng maayos dahil sa maraming dahilan. Tumanda na nga ang dalaga. Ngunit hindi papahuli ang kapilyahan nito. If she gained age, her mischievousness leveled up, too!

Natanaw niya si Czarina nang lumabas ito mula sa bahay. Bari tried to be calm and be wise on this. Lumabas siya ng bahay kapagkuwan, tuloy-tuloy hanggang sa gate.

Bago pa niya tawagin ang pansin nito, ay nauna na si Czarina sa pagbati sa kanya.

Napakalawak ng mga ngiti nito. "Hi, Bari!" kaway nito sa kanya, masiglang-masigla.

Lovely kiss stealer. Umangat ang isang sulok ng labi niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito.. "Good afternoon, Maria Clara."

"Look, o!" sabay turo nito sa taas ng gate ng bahay nito kung saan may kinakabit.

Oh. A CCTV camera. Gustong mapangisi ni Bari ngunit pinigilan niya. Would you look at that? How timely.

"May ganyan ka rin ba sa gate mo?" tanong nito. "You should have one if you don't! Maganda para sa security mo lalo na't ikaw lang mag-isa sa bahay mo."

May gumuhit na ngisi sa mga labi niya nang tuluyang mapagtanto na kaya ito naging matapang sa paghalik sa kanya kahapon ay dahil akala nito ay walang makakaalam. Nais matawa ni Bari. Tila biglang pumutok ang inis niya o ano.

Czarina's guilty about stealing a kiss but very naive about the CCTV camera in his library.

Tiningala niya ang mga camera. "Yes. I know CCTVs. Sa bahay ng mga magulang ko ay maraming ganyan. Actually, I already have security cameras."

"Ang galing!" namamanghang usal nito. "Pero wala naman akong napansing CCTV sa gate mo, ah?"

"I'm still going to install one this month. Pero sa garahe at sa loob ng bahay mayroon na 'ko. Since two months ago, I think."

"Wow, that's cool! Pero hindi ko rin iyon napansin sa loob ng bahay mo, ha!"

Alam na ni Bari ang mga susunod na sasabihin. Ngayon pa lang ay siya na ang nahihiya para sa dalaga. But she needs to learn her lesson. Or else, she might do it again!

"It's installed in the kitchen, dining room, entertainment room, terrace..." Sumulyap siya rito. "And in the library."

Kitang-kita ni Bari kung paano itong napahinto bigla at nabato sa kinatatayuan. Tila hindi ito makagalaw at nagsimula nang mamula ang buong mukha.

The lovely kiss stealer is guilty.

"Magandang magkaroon ng security cameras sa loob ng bahay. Para kapag may magnanakaw habang natutulog ka, makikita mo kung sinong nagnakaw at kung anong ninakaw sa'yo pagkagising mo," mariin at seryosong wika ni Bari.

Czarina's jaws dropped. Hindi makapagsalita. She knows what he's talking about.

Humalukipkip siya at sinalubong ang mga tingin nito. Ayaw ni Bari na mapahiya si Czarina sa sarili nito pero kung hindi nito mararamdaman ang ganoon ay hindi ito matuto.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon