8: Filled with What He's been Waiting For

87.2K 2.6K 823
                                    

CHAPTER EIGHT

Filled with What He's been Waiting For

MAAGANG tinapos ni Bari ang mga trabaho dahil may ipinangako siyang date kasama si Czarina. He was busy fixing some papers above his desk when his father arrived at his office. Walang katok na dire-diretso itong pumasok.

"Ibarra, I have a new potential investor. Malaki ang maitutulong niya para sa T.V. at Radio station. Date his daughter."

"Pardon me?" hindi makapaniwalang lingon niya sa ama. How can he say that too casually? Hindi naman iyon ang unang beses na nag-utos ng ganoon ito, ngunit kung mag-utos ito ngayon ay tila napakadali lamang nang sinasabi nito.

"I want you to date his daughter. Napag-alaman kong malapit si Mr. Becker sa kanyang unica hija. Once you've captured the heart of the woman, we can easily convince Mr. Becker to--"

"Papa, naririnig mo ba ang sarili mo?" putol agad ni Bari rito. "Beinte-singko na 'ko at hindi pa rin tapos ang pambubugaw mo?" Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit ng gamit sa kabila nang pagsasalubong ng kilay nito.

"Pambubugaw?" Mapakla itong natawa. "Ibarra, alam mo ang kalakaran mula pagkabata mo. I've taught you these things. This is an advantage. A strategy. Kasama sa pagiging Delos Santos ang makasungkit ng kahit sinong babaeng makakatulong para sa ikalalago ng mga kompanya!"

"I don't want to be that kind of Delos Santos, Papa. Lalago ang mga kompanya nang hindi natin kailangan magpabilog ng mga babaeng associate o sino pang babaeng kamag-anak ng target investor mo. Kung nagagawa mo iyon ay hindi ako."

Tinitigan siya nito nang matalim. "Hindi mo susundin ng utos ko?" mapanganib nitong tanong.

Umiling siya. "Mula nang umalis ako sa bahay ay hindi na 'ko sumusunod sa mga utos mo, Papa. You should know that by now. I'm done being your puppet. I am my own Delos Santos." Kinuha niya ang coat na nakasabit sa likod ng upuan. "And I'm currently seeing someone right now. Wala akong gugustuhing ilabas kundi siya lang."

Tumaas ang gilid ng labi ng ama. "And so, you think, you can decide for yourself, dahil lamang wala ka na sa pamamahay ko?"

"I just don't think, Papa. I believe so." Nilagpasan niya na ang ama upang hindi pa humaba ang usapan nila. Ayaw niyang dumating sa date nila ni Czarina na wala sa tamang timpla.

"You like this woman you're dating right now?"

Tumigil siya sa paghakbang palabas ng opisina. As a matter of fact, I love her. "It's none of your business, Papa. I've got to go. Tinapos ko lahat ng trabahong ipinagawa mo kaya hindi mo 'ko mapipigilan sa maaga 'kong pag-alis ngayon," pag-iiba niya ng usapan.

"Is she a tycoon's daughter?"

Why with all the sudden interest? Hindi ganito ang ama ngunit sumgot na lang rin siya. "She is."

"Last name?"

Napakunot-noo siya. "Flores. From Bukidnon."

Lalong nangunot ang noo nito. "A flower business tycoon?" sarkastikong banggit nito. "And this woman... is she in business, too?"

Saglit na natigilan si Bari. Hindi niya alam kung magsisinungaling o sasabihin ang totoo sa dominanteng ama. Ngunit naghihintay ng sagot ang isang Santino Delos Santos. Nagkrus ang mga braso nito at hindi siya nilubayan nang tingin.

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon