CHAPTER FIFTEEN
Filled with a Love that's Better Shared
NATAGALAN sa pagbili ng inumin si Czarina dahil sa haba ng pila. Isang beverage stall lang ang nag-aalok ng mango juice. Nagtiyaga siyang pumila kahit laging may mga batang sumisingit. Natatawa na lang siya sa mga ito kaysa mainis.
Mas matagal pa ang pinila niya kaysa nang nakabili na siya ng inumin. Pagkabayad niya ay agad na nabigay sa kanya ang malaking cup ng juice at bottled water. Then, she bought a blue cotton candy for Elijah.
Hawak niya sa isang kamay ang cup ng mango juice habang nakasabit din sa kamay na iyon ang plastic bag kung saan nakalagay ang bottle water. Sa isang kamay naman niya ay hawak niya ang malaking ball ng cotton candy. Naka-plastic wrapped iyon para malinis. Sigurado at matutuwa ang anak niya. Hindi na nito mapapansin na sobra pa sa five minutes siyang nawala.
Natatanaw na ni Czarina ang puwesto kung saan niya iniwan sandali ang anak. Napakunot-noo nga lang siya dahil hindi ito mag-isa. May katabi na itong lalaki...
Kusang huminto sa paghakbang ang mga paa ni Czarina. Naibaba niya bigla ang mga dala sa isa pang upuan sa tabi.
Her heart started to lose its normal beat. Bumilis ang pagtibok niyon na tila gustong makawala ng puso niya mula sa ribcage at tumakbo ng matulin papunta sa pamilyar na pigura...
"Bari..." Her eyes started to water. Hindi...
Hindi siya puwedeng magkamali!
Dahan-dahang lumapit si Czarina sa dalawa. And before she can approach them first, he already felt her presence. Nilingon siya ni Bari.
Czarina's heart screamed in glee. He's back! Bari is here, again!
Tumayo ito. "Maria Clara."
Napalunok siya. The way she calls her has the same effect as before.
"Mommy, nakabalik na si Daddy!" narinig niyang sabi ni Elijah, masayang-masaya ang tono. "He knows we are here!"
Napako lang ang tingin niya kay Bari. Pinagmasdan niya ito nang maigi. Nothing really changed in him except his body weight, obviously. Simpleng white shirt, maong pants, at rubber shoes lang ang suot nito.
Pumayat ito nang husto. But that didn't distort his ever calm and handsome face, with a little bit of facial hair now. Bari used to look neat and very executive. Ngunit ngayon ay humaba ang buhok nito hanggang batok. There are stubbles all over his jaw, forming a slight moustache and beard. Hindi niya alam kung sadya iyon o hindi lang nito naisip mag-shave.
Unti-unti itong humakbang palapit sa kanya. Their eyes met, and... there's an obvious longing in his eyes and a lot more emotions she can't even name because it was all mixed up. But the way he looked at her stood out.
He painfully missed her, his eyes said.
Czarina started to panic on what to do. Naghalo-halo na ang nararamdaman sa buong sistema niya. Hindi rin siya makabuo kahit isang salita! Her body failed to coordinate with her brain!
That's Bari, Czarina! Your husband! Put up yourself!
Huminto sa tapat niya si Bari. Tiningala niya ito. "Ahm..." She cleared her throat. "K-Kumusta?"
What kind of question is that?! Bari is not fine! He just woke up from a coma and found out that his mother died. Stupid, Czarina!
Hindi ito sumagot bagkus ay tinitigan siya nito, tila sinusuri rin kung anong nagbago sa kanya sa mga nakalipas na panahon.
BINABASA MO ANG
Fill Me More (More Trilogy # 3)
RomanceMore Trilogy Book Three: Fill Me More (2018) Crisostomo Ibarra delos Santos wanted to be free from his father's claws. Lahat ay idinidikta nito sa buhay niya! Ultimo ang babaeng magugustuhan ay dapat rekomendado nito. Then, Maria Clara "Czarina" Flo...