4: Filled with a Heart that Trusts

85.9K 2.6K 343
                                    

CHAPTER FOUR

Filled with a Heart that Trusts

"CRISOSTOMO Ibarra Delos Santos!"

            Mula sa ginagawang final paper para sa isang course sa kanyang masteral degree ay nag-angat ng tingin si Bari. Hindi na siya nagulat nang makita ang amang nagpupuyos ang mga mata sa galit.

            "Yes, Papa?" walang ganang tugon niya. He saved his work and got off from his seat.

            Pabalibag na isinara ng ama ang pinto ng opisina niya. "Our biggest actor will leave the company because 'someone' just told him to follow his fucking heart!" gigil na gigil na bulalas nito habang dinuduro siya.

            A famous actor, Silver Hidalgo, in their company wanted a break from the show business. Gusto nitong maging malaya mula sa mata ng mga tao. The man wanted to live in peace with his wife. Pero dahil isang matinee idol, inutusan ng kompanya nilang itago sa madla ang pagkakaroon nito ng asawa. Silver endured keeping his marriage a secret. Ngunit nang asawa na nito ang nahihirapan, hindi na gusto ni Silver pa ang paglilihim. Kung ikababagsak daw nito ang pagkakaroon ng asawa, mas nanaiisin nito iyon kaysa ang asawa mismo nito ang mawala rito.

            Bari met Silver last week, during a luncheon meeting for Silver Hidalgo's new movie project. Napansin ni Bari na tila wala sa sarili ang aktor habang nasa meeting. He asked him if he's okay. At doon na siya nagulat nang magsimulang magsabi ito ng pinoproblema nito.

            "Papa, Silver wanted to be free from the limelight and build his own family. Tatlong taon nating itinago sa mga tao ang tungkol sa pagpapakasal niya. And his wife is going to leave him if the secrecy continues. He wanted to choose his marriage over fame, let's respect his decision."

            Nag-igting ang mga panga nito. "You have no say on this, Ibarra!"

            Humugot siya ng malalim na hininga at kinontrol ang sarili. "This company promised our artists that we'll take care of them, that we will manage them well, give projects that will make them grow as actors... at kasama sa binitiwan nating salita ang pagbibigay laya sa kanilang magdesisyon at pagrespeto doon. They trusted us, Papa." Matapang na sinalubong niya ng tingin ang ama. "Silver did give this company a fortune and a very wide audience. Pero hindi natin siya alila o tauhan lang. Same with our other artists. They are not robots. We can't control them. They are people, we can't own them."

            Lalong kumulo ang dugo ng ama sa kanya. Malakas na hinampas nito ang lamesa sa pagitan nila. "You just made this company lose a lot of money! Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang mawawala sa atin?"

            "Why do we only focus on one talent alone, Papa? Marami pang magagaling na artista at mga magagandang palabas sa istasyon natin ang kumikita. Let's give equal attention to our talents. Hindi iyong napaghahalataan na may paborito ang kompanya. If you don't want our company to go down the drain, change your mindset. You can't manipulate everything and everyone for your own convenience, Papa."

            "My own convenience?! I'm only thinking about the company's welfare and the fans!"

            "You're not! You're selfish!" sikmat na ni Bari nang hindi makapagpigil. He felt his chest hurt from the outburst.

            Tila nagulat ito sa pagtaas din niya ng tono. Ngunit hindi nawala ang galit sa mga mata nito.

            "Iniisip mo na malulugi ang kompanya habang ikaw ang namamahala at hindi mo matanggap iyon. Kaya gagawin mo ang lahat, para lang hindi sabihin ng iba na walang kuwenta ang ginawa mong pagpapatakbo sa Delos Santos," dahan-dahan ngunit mariing sabi niya rito. "You can't accept the fact that you may be the lousiest leader this company ever had."

Fill Me More (More Trilogy # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon