KABANATA 3

9.2K 233 10
                                    


Chapter 3




Gia's POV



Nang maramdaman kong di na gumagalaw si Villaver sa tabi ko ay dahan-dahan kong tinanggal ang nakatakip na kumot saking mukha at maingat siyang sinilip. Tulog na nga siguro siya. Sinubukan kong gumalaw-galaw para tignan kung magigising siya pero mahimbing parin siyang natutulog. Kaya naman ay dahan-dahan na akong bumangon mula sa kama. Kabado ako sa gagawin ko, natatakot ako. Pero mas takot akong mabuhay dito ng kasama siya. Kaya mamatay nako ngayon o siya ang mamatay, ang diyos na ang bahala. Sana lang ay kahit kasalanan tong gagawin ko ay papaboran parin ako ng maykapal.




Walang ingay, bawat hakbang ko'y maingat habang naglalakad ako patungo sa drawer na nasa side niya. At nang mahawakan ko na ang hawakan ng drawer ay mas dumoble ang kaba ko. Mabilis ang mga hininga kong hinuhugot ang drawer. Natatakot akong baka maglikha ito ng ingay na gigising sa kanya. Basa ang noo ko pati ang palad ko ng pawis habang dahan-dahan kong kinukuha ang baril na naroroon.



Tumayo ako at tinignan ang baril. Napapalunok ako habang hinahawakan ito saking mga kamay. Ngayon lang ako nakahawak ng baril. Pakiramdam ko'y ang bigat nito dahil sa nanginginig ang kamay ko. Hindi ko alam kung paano itong gamitin pero base sa napapanood ko sa tv, kakalabitin mo lang naman to diba? Saka puputok at mamamatay na ang kung sino mang tatamaan. Nanghina ang tuhod ko habang iniisip kung ano ang susunod na mangyayari sakin dahil sa gagawin ko.



Kailangan mo tong gawin Gia. Kayanin mo. 



Nanginginig ang mga kamay ko habang tinututok ko ang baril sa sentro ng ulo ni Villaver na mahimbing na nakatihaya sa harapan ko. Hindi ako kriminal pero... wala nakong magagawa. Ito nalang ang naiisip kong paraan.


Di ko alam pero bigla nalang akong tinamaan ng konsensya dahil sa gagawin ko. Napakagat labi ako habang nag-uunahang umagos ang mga luha sa mata ko. Nanatili lang akong nakatayo, habang nakatutok ang baril sa kanya. Umiiyak habang nakatitig sa maamong mukha ni Villaver. Bakit hindi ko magawa? Sobrang sama niya. Hindi dapat ako maawa sa kanya. Dapat ay iputok ko ito para mamatay na siya. Para makawala nako mula sa kanya.


Isang kalabit lang Gia. Isang kalabit lang...



Isang kalabit lang pero di ko parin kaya. Humihikbi akong ibinaba ang baril na hawak ko saka yumuko. Hindi ako pinalaking kriminal kaya kahit gaano pa siya kasama, wala akong karapatan para patayin siya. Hindi ako masama para gawin yun.


"Bakit di mo tinuloy?"



Mabilis akong napaangat ng mukha nang marinig ko ang napapaos na boses ni Villaver. Nakaupo na siya ngayon sa kama at nakatingin sa akin. Mabilis kong tinuyo ang mga luhang naglandas sa mukha ko kanina saka naiilang na tumingin sa kanya. Alam niya pala ang balak ko, ni wala siyang ginawa? Muntik ko na siyang patayin kanina.



"Patawad. Di ko sinasadya... Gusto ko lang naman makaalis na dito." Bumuhos na naman ang mga luha ko. Ganito talaga siguro pag konsensya ang tumama sayo.



Nakayuko man ako. Alam kong nakatingin lang siya sakin habang nakikinig sa mga paliwanag ko. Nanginginig kong iniabot sa kanya ang baril niya. Kung paparusahan man niya ako dahil sa ginawa ko, siguro tama lang yun dahil sa pagtatangka ko sa buhay niya.



Imbis na baril yung kunin niya, ang pulsuhan ko ang hinigit niya. Malakas ang pagkakahila niya saka ng mayakap ako ay pumaibabaw siya sakin. Nanlaki lang ang mga mata ko dahil sa bilis ng pangyayari.


Mas lalo pakong natigilan nung siniil niya ko ng halik sa mga labi ko. Nablanko ang isip ko. Ito ang unang beses na nahalikan ako. Dahil wala pa akong nagiging nobyo.



Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon