KABANATA 16

6.1K 154 7
                                    



Chapter 16


Gia's POV




Para akong nakakita ng multo habang nakatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Magkamukhang-magkamukha sila ni Ziro. Para silang pinagbiyak na mansanas. Ang kaibahan nga lang ay medyo masayahin ang aura nitong isa kaysa kay Ziro na palaging masungit. Pero sa mukha, parehong-pareho sila na may mahahabang pilik-mata, makapal na kilay, matangos na ilong, perpektong hugis ng mukha at makinis na balat.


Kakambal niya ba to? Nakakagulat kasi ngayon ko lang nalaman. Nahiya tuloy ako sa ginawa ko kanina. Napagkamalan ko pa siyang si Ziro.


"Hoy. Tapos ka ng tumitig sa kakambal ko?" Nabalik ako sa ulirat nang may biglang nagsalita. Ang masungit na Ziro. Tama nga ang hula ko na kambal silang dalawa. Ang astig naman...



Nakita ko tuloy kung paano natawa yung kapatid ni Ziro. Ang natural na mapula niyang pisngi ay lalong pumula dahil sa pagtawa niya. Binagsak niya ang mga palad sa balikat ng kakambal na nakaupo na ngayon sa gilid niya.




"So rude of you bruh. You still haven't change." Aniya sa kapatid bago bumaling sakin. Nakita kong bumusangot lang ang mukha ni Ziro dahil sa sinabi niya.



"Hi. I'm Hiro, his twin brother. Ikaw? Anong pangalan mo? Bago ka lang ba dito?" Sabi niya saka inilahad ang palad para makipagkamay. Sa dami ng tinanong niya ay parang natameme ako at di ko siya magawang sagutin kaagad.


"Uhh... " Nakagat ko ang ibabang labi ng dumapo ang mga mata ko sa nakangusong mukha ni Ziro na nakatingin sakin. Agad naman siyang bumaling sa ibang direksyon ng makita akong nakatingin sa kanya.


"Uhm, Hiro I wanna be comfortable. Sa office na tayo magkwentuhan. I have a lot of things to ask so come on!" Tumayo na si Ziro saka nag-unat unat habang masungit parin na nakatingin sakin.




Edi galit ka na sakin. Panigurado dahil to sa inaakala niyang ginawa ko. Di mo pa naman alam totoong nangyari kanina. Yumuko nalang ako para iwasan ang mga tingin niya. Mamaya ang kakausapin ko siya pagkatapos nilang mag-usap ni Hiro.


"Susunod nako. Mauna ka na." Ani nung Hiro saka tinaboy siya.


"What? Sabay na tayo. Bilis na." Naiiritang pagmamaktol ni Ziro habang nasa hagdan na siya pero hindi siya pinansin ni Hiro at bumaling ulit sakin para magsalita kaso hindi na niya iyon nasabi pa ng hilahin siya ni Ziro paakyat.



"She's Gina okay. GINA!"



"You're so stubborn." Pagrereklamo nung Hiro habang paakyat sila at nagbabatukan sa isat-isa.


Teka... Kailan pa naging Gina yung pangalan ko? Pati ba naman yun nakalimutan ni Ziro? Grabe talaga siya.






---




3rd Person's POV




"Himala at umuwi ka rito. I thought you wouldn't after what have happened." Sabi ni Ziro habang inilalapag niya ang dalawang tasa ng kape sa center table na pinapagitnaan nila ng kapatid. Nakadekwatro siyang nakaupo sa tapat nito at ang kanyang likuran at mga braso ay komportableng nakasandal sa kanyang malambot na inuupuan.



"I'm over it dude. After staying half of my life abroad, I've realized that I can face my fears here." Hiro sighed as he reminisce everything in the past. Bata palang kasi sila nun ng sabay na namatay ang mga magulang nila. Let me correct the term, pinatay sila.


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon