KABANATA 8

7.8K 204 14
                                    



Chapter 8



Gia's POV



Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Nahirapan akong idilat ang mga mata ko. Pakiramdam ko'y sobrang kapal ng mga talukap nito. Hinawakan ko ang kabuuan ng mukha ko at tama nga ang hinala ko. Namamaga ito. Bukod sa namamaga kong mukha ay wala na naman akong ibang nararamdamang masakit o kakaiba sa katawan ko. Napansin ko rin ang dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay ko.



Inilibot ko sa buong paligid ang paningin ko. Nasa isang kwarto ako. Magandang kwarto. May malaking tv sa harapan ng hinihigaan ko. Nakadikit ito sa pader. Sa kaliwa ko naman ay maraming ibat-ibang mamahaling palamuti. Sa kanan ay isang malaking bintana kung saan tanaw ko ang mga nagagandahang ilaw mula sa labas.


Andito na ba ako sa Spain? Nakarating na ba kami ng di ko namamalayan?


Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Villaver na may kausap sa cellphone pero agad niya itong ibinaba ng makita ako. Mabilis siyang lumapit sakin. "How do you feel right now? Tanong niya.


Nag-aalala ba siya sakin? Nakatingin lang ako sa kanya at di kaagad nakapagsalita. Tumango nalang ako bilang tugon.
Bumuga siya ng hangin bago naupo sa gilid ng kama. Unti-unting gumuhit sa mukha niya ang pagkainis.


"Why do you have to eat those eh may allergy ka naman pala?!" Napakurap nalang ako ng bigla siyang nagtaas ng boses sakin.


"May allergy ako?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Nasuklay niya ang buhok sa sobrang pagkairita.


May allergy ako sa alin? Iba-ibang pagkain ang nakain ko kaya di ko alam kung saan ako allergic doon.

"Allergic ka sa hipon. Tsk. Kain kasi ng kain allergic naman pala. You should've told me you can't eat those." Pagsesermon niya sa akin.


Bakit? Tinanong niya ba ko kung anong gusto kong kainin? Basta nalang kaya siyang pumitik at yun ang inihanda para sakin. Di ko naman ugaling magreklamo sa harap ng hapag.

"Hindi ko naman alam na may allergy ako dun. Unang beses kong kumain ng ganun." Nakatungo kong paliwanag sa kanya.


Natahimik siya sandali bago tumikhim.

"Be careful of what you eat next time."

"Huh?" Tanong ko. Hindi ko kasi narinig ng maayos ang sinabi niya.


"Nothing. Just rest. Okay kana naman. Antayin mo nalang na mawala ang pamamaga ng mukha mo." Sabi niya sakin bago nagmartsa palabas ng kwarto.

Kahit pilitin ko ang sarili ay di ko na magawang makatulog pa. Nakapagpahinga na naman ako at nakakabagot din mahiga ng mahiga kaya nilibang ko nalang ang sarili sa panonood ng mga magagandang tanawin mula sa bintana. Napalingon nalang ako ng marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.


Si Villaver, may dalang tray ng pagkain.

"Buong araw kang tulog kahapon. Eat up."

Pansin kong nagiging maalaga siya ngayon ah. May hihilingin na naman ba siya o may ipapagawa?


"Why do you keep on staring at me?" Nabalik ako sa ulirat at lumapit nalang sa kanya habang nilalapag niya ang pagkain sa kama.


Nagulat nalang ako ng bigla niyang sapuhin ang magkabilang pisngi ko saka mataman akong tinitigan. "Ba--bakit?"

Ilang sandali niya rin iyong ginawa. "Medyo okay na pamamaga ng mukha mo." Wika niya. Mabilis ko namang inalis ang mga kamay niya na nakahawak sakin. Nagulat naman siya sa ginawa ko at umatras palayo sakin. Bakit ba kailangan hawakan pako eh mahahalata naman ng mata yun.


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon