KABANATA 12

6.1K 149 0
                                    



Chapter 12

Gia's POV



Di ko na alam kung ilang minuto na akong nakatayo dito habang pinapanood sila. Naramdaman ko nalang bigla ang pagbigat ng dibdib ko at ang mumunting kirot na unti-unting lumulukob dito. Umatras ang mga paa ko. Gusto kong tumakbo palayo pero di ko magawa. Sa halip, ay kusang bumitaw ang mga kamay ko sa tray na hawak-hawak ko at pinanood nalang ang pagkabasag ng mga ito. Nakatulala lang ako habang tinitignan ang mga pagkaing natapon sa sahig.


"Oh my God!" Dinig kong bulalas ng babaeng kasama ni Ziro. May tono ito ng pagkairita.



Dahan-dahan akong napa-angat ng tingin para tignan ang parehas nilang gulat na ekspresyon habang nakatingin sa akin. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko magawang makapagsalita.




Anong ibig sabihin nito? Sino yang babaeng nakikita ko? Naguguluhan ako. Natataranta. Nakatayo lang ako at di alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Masyado akong nabigla. Di ko alam kung tama o dapat ko bang maramdaman tong nararamdaman ko ngayon. Tanging mata ko lang ang repleksyon ng aking emosyon. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bakit masakit?


Pinaglipat-lipat ko ang mga tingin sa kanilang dalawa na ngayon ay maayos ng nakatayo. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa.




"Baby, why is that woman still here?" Bumaling siya kay Ziro na nasa kanan niya gamit ang nagsususpetsang mga mata.




"Diba tapos na dapat ang trabaho niya? Why do I have to see her here? This early, at dito pa sa kwarto mo." Pinanliitan ako ng mata ng babae kaya napayuko ako. Sa tono niya ay parang kilala niya na ako.


Saka trabaho? Anong sinasabi niyang trabaho? May hindi pa ba ako alam tungkol sa kasunduan naming iyon ni Villaver. Yun ba ang tinutukoy niya? Yun lang naman ang unang pumasok sa isip ko eh.





Hindi kaagad nakasagot si Villaver sa tanong ng babae kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya para makita ang ekspresyon ng mukha niya. Nagtatanong ang mga mata ko. Pero, nakatingin lang siya sakin gamit ang blankong mukha at malamig na mga mata. Mga matang nakita ko noong unang araw na nakilala ko siya.


"Babe? Answer me." Umikot ang mata ng babae dahil sa labis na pagkainip sa tagal ng sagot ni Villaver.




Maging ako ay naghihintay ng sagot niya. Umaasang, gagaan ang loob ko sa mga salitang lalabas sa bibig niya kahit na alam ko namang imposible.



"She's my maid. She still have debts to pay for me so she needs to stay here." Sagot ni Villaver.



Napalunok ako dahil sa narinig mula sa kanya. So yun lang pala talaga ako para sa kanya? Matapos ang lahat ng nangyari? Lahat ng pinakita niya...



Matapos akong mahulog sa kanya. Matapos kong napagtantong sinisimulan ko na pala siyang mahalin?!

Gusto kong umiyak dahil sa bigat ng pakiramdam ko pero pinili kong itago iyon. Mas magmumukha akong kawawa kung gagawin ko yun. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi ng babaeng di ko kilala sabay hawi ng kanyang umaalon at kulay brown na buhok.

"You should learn how to knock next time, proxy girl." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pero nginitian lang niya ako.



"You looked quiet confused. Let me clear things for you." Aniya saka dahan-dahang lumapit sakin.



Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon