KABANATA 2

9.6K 217 7
                                    


Chapter 2




Gia's POV

Matapos kong isuot ang damit na binigay sakin ni Villaver ay lumabas nako ng banyo. Naabutan ko siyang prenteng nakaupo sa isang silyang naroroon sa mesa at diretsong nakatingin sakin. Medyo naaasiwa ako dahil sa paraan ng pagkakatitig niya. Hindi ko alam kung natural lang ba yun dahil sa mga mata niya o talagang manyakis siyang hayop siya.

Naiinis ako lalo pat hindi ako komportable sa suot ko sapagkat masyado itong maiksi sa akin. Sanay akong magsuot ng mga damit na hanggang tuhod at itong kulay itim na damit na binili niya sa akin ay masyadong maiksi dahilan para bumalandra ang aking mga hita at hapit na hapit saking balingkinitang katawan.

Di niya parin tinatanggal sakin ang mga mata niya kaya't dahan-dahan nakong lumapit doon at naupo sa tapat niya. Makalunok pa kaya ako nito gayong ni hindi ako makahinga ng maayos dahil sa presensya at mga tingin niya?

"What took you so long? Gutom nako." Sabi niya para basagin ang katahimikan habang nag-sasalin ng alak sa baso niya.

"Na--naligo pa kasi ako." Malay ko bang hinihintay niya pala akong matapos. Pwede naman siyang kumain nalang. Isa pa, ayoko siyang kasabay.

"Bakit ka nakatungo lang diyan? Eat up." Napalunok ako dahil sa intensidad na dala ng boses niya sa akin.

Agad naman akong napasubo dun sa pagkain sa harapan ko. Ni isang beses, hindi ko siya sinulyapan man lang habang kumakain kami. Pinapakiramdaman ko lang siya.

Nabalot kami ng katahimikan habang kumakain kami nang marinig ko siyang tumikhim.

"Anyway, how old are you?"

Di ako sumagot agad. Bakit niya naman ba tinatanong?

"Uhm... 18." Tipid kong tugon.

"Name?" Tanong niya pa ulit.

"Gia."

"Gia what?"


"Gia Hermosa."

"Hmm... Hermosa." Pabulong niyang sambit habang nakatitig sa akin.

Isang tanong isang sagot lang ang ginawa ko sa kanya. Wala kasi akong interes na kausapin siya. Ano yun? Matapos yung ginawa niya sakin, kakausapin niya ko na parang walang nangyari? Mabuti nalang at niligtas ako ng pagkain dahil sa pagdating nito.

Matapos niyang malaman ang pangalan ko ay di na siya nagsalita pa ulit.

"Ano bang gagawin ko dito sa bahay mo? Ikukulong mo lang ba ako dito?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Kanina pako binabagabag ng mga tanong na iyan saking isipan. Di ko kasi malaman-laman kung anong ginagawa ko dito. Bukod sa pinambayad ako, ano pa? Anong makukuha niya sakin? Wala akong alam sa mga illegal nilang galawan kaya kung gagawin niya kong isa sa mga tauhan niya ay wala siyang mahihita sa akin. Bakit siya pumayag na ako ang maging kabayaran ng malaking utang sa kanya ng papa ko?

Nakatingin nako sa kanya na seryoso lang na pinaglalaruan ang baso ng alak sa mga kamay niya. Pagkuwa'y nilagok niya ang alak at ibinaba ang baso.

"Ano bang ginagawa ng aso sa bahay ng amo niya? You'll do just the same, woman."

Aso? Ganun na ba siya kamapangmaliit sa kapwa niya para maging aso ako sa paningin niya? Kunsabagay, hindi  naman siya tao. Hindi rin siya hayop dahil mas masahol pa siya dito.

"Edi, masarap pala ang buhay ko dito. Matutulog at kakain lang ba ako, MASTER?" May bakas ng pagkainsulto sa mukha ko.

"Oo. Sobrang masasarapan ka." Sagot niya na naghudyat para kumalabog na naman ang puso ko dahil sa kaba. Parang kakaiba kasi ang ibig niyang sabihin doon sa sinabi niya.

Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon