KABANATA 14

5.3K 144 2
                                    



Chapter 14

3rd Person's POV




Di matanggal ang ngiti ni Nadia habang tinutungo niya ang daan papunta sa kwarto ni Ziro. Marami siyang balak sa araw na iyon para sa kanila at isa pa ay may gusto rin siyang ianunsyo dito. Kinatok niya ng makailang ulit ang pintuan nito pero walang nagbubukas sa kanya. Nabagot siya kaya naman ay pinihit na niya ang pinto para makapasok.



Ginalugad niya ang paligid pati ang kama, wala doon si Ziro. Saan naman kaya iyon nagpunta ng ganon ka aga? Wala rin naman ito sa banyo. Napagdesisyunan niyang bumaba nalang muna at magtanong sa mga tauhang naiwan sa bahay. Pero pagbalik niya sa kusina ay si Gia lamang ang kanyang naabutan.


"Nasan si Ziro?" Tinanong niya ito kaagad pagkalapit niya rito. Gulat namang napalingon ang dalaga sa kanya.


"Hindi ko po alam." Mahinang tugon nito saka muling bumalik sa ginagawa. Inis na nasuklay ni Nadia ang buhok saka mataray na tinignan si Gia na abala sa paghuhugas ng pinggan.


"Paanong hindi mo alam? Di ba palagi ka namang nakabuntot sa kanya? Slave." She said with a smirk.


"Mali po kayo. Hindi po yan totoo." Magalang na depensa naman ni Gia.


"Talaga lang ha." Matalas na tinitigan ni Nadia ang likod ni Gia saka marahas itong hinigit paharap sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga dahil sa kanyang ginawa.


"Siguraduhin mo lang na mali ang mga hinala ko Gia. If ever na malaman kong nilalandi mo si Ziro, I'll make your life a living hell here." Pagbabanta niya dito. Her eyes turned a shade darker.



Nakita niya ang pamumutla ng mga labi ng kausap kaya napangiti siya sa kanyang isipan. Guess that'll serve as a threat to her greatest rival. Ni minsan ay wala siyang tinuring na karibal dahil para sa kanya siya ang nakakalamang sa lahat ng bagay pero nang dumating si Gia ay natuto siyang ikumpara ang sarili sa kanya. Naiinis siya na nachachallenge at the same time.




How come she's he's type? Kung pagandahan naman at pasexyhan ng katawan ay alam niyang mas lamang siya. Yaman? 10 folds higher! Kung tutuusin ay walang mahihita ang binata rito. She's just a rat for her.




Isa lang ang nakikita niyang posibleng nagustuhan ni Ziro sa kanya. Innocence? Dahil ba inosente ito at madali lang utuin? Maybe Ziro enjoyed playing with her that's why. Or maybe dahil virgin ito that's why he's very lustful towards her. Last guess, maybe she's a bitch in bed at nagpapanggap lamang ito na mahinhin para hindi lantad ang kanyang kalandian.



That fake innocence! Damn her.



Those last two guesses was really a bad idea!  It sent fire to her veins, creating much anger towards the girl her holding tight. Nakita niya ang pagngiwi ng babae dahil sa pag-inda nito ng kuko niyang bumaon sa braso nito. Kaya naman ay marahas niya itong binitiwan at iniwan doon. Mabuti pa ay hanapin nalamang niya ang taong sadya niya sa bahay na iyon.




She's on the parking lot and ready to get inside her car while trying to call Ziro's phone when she heard a conversation that really grabs her attention. Hindi niya natuloy ang planong pag-alis ng marinig niya ang pag-uusap na iyon ng dalawang bantay ni Ziro na nakatayo lamang malapit sa kanya. She also cut her dial for Ziro and tried to listen to the conversation very eagerly lalo pa't patungkol iyon kay Ziro.




Naikuyom niya ang mga palad at agad na nag-init ang kanyang ulo dahil sa kanyang narinig.



"Tangina pre, pati ako nag-init habang pinapanood ko yung halikan nila sa pool." Pagkukwento ng isa sa kanila habang may hawak pa itong yosi.



Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon