KABANATA 6

8K 189 1
                                    




Chapter 6


Gia's POV



Hindi agad ako naniwala sa sinabi niya kaya naman ay binasa kong maigi ang nakasulat doon at nakita kong di siya nagbibiro.

"Nakapirma kana. Wala ka ng magagawa." Aniya saka binawi sakin ang kontrata.


Sandali akong natulala habang nakatitig sa kanya. Kailangan ko siyang pakasalan? Kaya pala ang bait-bait niya kanina dahil may balak siyang lokohin ako!

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya. May bakas ng inis sa mukha ko.


"Pakakasalan kita?" Inikutan ko siya ng mata. "Anong akala mo sakin bobo? Porket di ako nakapagcollege, di ibig sabihin nun ay mangmang nako. Alam kong pag pinakasalan kita, madidikit ako sa pangalan mo at mahihirapan akong makawala sayo. Sinong niloloko mo dito Villaver?" Pag-apila ko saka nakita kong mahina siyang natawa.

"Brilliant Gia. Pero di yun ang intensyon ko."

"Eh ano?"

"Pakakasalan mo ko di bilang Gia. You'll marry me as Nadia dela Vega."

Teka. Natigilan ako at sinubukang himay-himayin ang mga pinapagawa niya.

"Gusto mo kong magpanggap bilang Nadia at pakasalan ka?" Pagklaro ko.

"Oo." Mabilis niyang tugon. Gusto kong itanong kung bakit ganun at kung bakit ako eh hindi ko naman pala pangalan ang gagamitin ko. Ano bang binabalak niya?

"Handa na lahat ng papeles. Ang kailangan mo lang gawin ay dumalo sa wedding ceremony at pakasalan ako."

"At pagkatapos nun?"

Natigilan siya saglit saka nag-iwas ng tingin. "Pag okay na lahat, then you're free to go. Hindi na kita guguluhin pa."

May kakaiba akong naramdaman nang sinabi niya iyon. Hindi ko maintindihan bakit parang may mabigat sa akin. Ang alam ko lang, ito ang matagal ko ng pinagdarasal. Ang makaalis sa lugar nato.

Mapakla akong tumawa. "Sige payag nako. Papakasalan na kita Villaver."



---


Pagkatapos ng pag-uusap naming yun ay naghintay nalang ako kung may gagawin bako para sa kasal pero sabi naman ni Villaver na pirma ko lang ang kailangan at siya na ang bahala sa lahat.

Kasalukuyan akong nasa terrace at tinatanaw muli ang mga tanawin doon. Malapit ng gumabi kaya malamig na ulit ang hangin at presko pa. Mula umaga ay di ko na nakita si Villaver. Hindi rin siya sa kwarto natulog kagabi. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Mas mabuti na yun. Mas nakatulog ako ng maayos.

"Kelan ba ang kasal? Nakalimutan ko atang itanong sa kanya." Sabi ko sa sarili matapos ay bumuntong-hininga.

"Tomorrow morning wife."


Napatalon nalang ako ng may biglang nagpalibot ng kamay sa bewang ko at niyakap ako mula sa likuran kasabay ng isang malambing na boses saking tenga. Nanigas ako at agad na kinabahan.


"Zi--ziro. Bi--bitawan moko." Halos pabulong kong sabi.

"Bakit? Bawal ko bang yakapin ang magiging asawa ko?" Bulong niya at mas lalo pa akong idinikit sa dibdib niyang sobrang tigas.

Hindi ko na naman maintindihan bakit natutuwa ako sa mga sinasabi niya. Kaya sinubukan ko nalang umalis mula sa pagkakayakap niya.

"Rule number one." Bigkas niya na nagpatigil sakin.

Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon