KABANATA 1

11.1K 278 5
                                    


Chapter 1



Gia's POV




Pinilit kong nagpumiglas nung sinimulan nakong itulak ng isa sa mga tauhan niya papasok sa backseat ng kotse katabi si Villaver. Ginamit ko ang buong lakas ko para lang makatakas pero isang malakas na suntok sa sikmura ang nagpatahimik sakin. Bumagsak ako sa bisig ng lalaking sumuntok sakin at matagumpay na naipasok ako sa loob saka ako nawalan ng malay.



Nagising ako sa amoy ng pagkain sa paligid. Nakaramdam ako ng sakit ng tiyan at pagkalab nito. Pakiramdam ko gutom na gutom ako.  Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang malawak at napakagandang kwarto. Nakahiga ako sa isang malaki at malambot na kama. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng silid  hanggang sa may nakita akong tray ng pagkain sa isang mesa. Dali-dali akong bumangon at agad iyong sinunggaban. Wala nakong pakealam pa kung may makakita sakin dito. Kelangan kong lumakas. Tumutulo ang luha ko habang bumabalik sa ala-ala ko yung mga nangyari. Ginawa akong pambayad ng sarili kong ama sa isang masamang tao.



"Gising kana pala." Naistatwa ako nang may marinig akong baritonong boses mula sa aking likuran. Kahit di ako lumingon sa kanya sigurado ako kung kanino iyon. Nag-alab agad ang galit ko para sa kanya. Gusto ko siyang sugurin at patayin pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para gawin ko yun.




Tumigil ako sa pagkain at galit na hinarap siya. "Anong ginawa mo sa papa ko?" Kahit na ginawa yun ng papa ko, may parte saking naiintindihan siya. Siguro di niya iyon sinasadya. Hindi ko siya magawang kamuhian dahil ama ko parin siya.



Bahagya niyang itinaas ang tuwalyang nakabalot sa kanyang bewang at lumapit sa harapan ng kama. "Wag mo na siyang hanapin pa dahil di mo ka siya makikita. Ako na ang nagmamay-ari sayo ngayon."

Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang panginginig nito. "Nasan ang papa ko?!" Galit kong bulyaw sa kanya.

"Wag kang mag-alala, buhay pa siya." Sagot niya na parang wala lang sa kanya ang galit ko. Kahit papano ay gumaan ang loob ko nang malamang buhay pa ang papa ko.


May babalikan pa ako.


"Wag mo na aasahang magkikita pa ulit kayo. Pag nangyari yun, tutuluyan ko na siya." Kinilabutan ako sa tono ng pananalita niya at ang lamig na nasa kanyang mga mata. Alam kong lahat kaya niyang gawin kaya natatakot ako.



"Ang sama mo." Di ko na napigilan pa ang luha ko. Iyon ba ang kasunduan nila?



Yumukod siya sa kama. "Hindi ako masama." Aniya habang diretsong nakatingin sakin at dahan-dahang gumagapang sa may paanan ko hanggang sa isang dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isat-isa. Saka bumulong, "Ako ang pinakamasama."


Napalingon siya sa ibang direksyon nung binato ko sa kanya ang mga pagkain na nasa tray. "ANG SAMA SAMA MO TALAGA! PAALISIN MO NAKO DITO!  DEMONYO KA! AYOKO SAYO!" Saka walang tigil siyang pinaghahampas.



Mabilis niyang nahuli ang mga pulso ko at dinaganan ako. Natahimik ako ng makita ang galit sa kanyang mga mata. Matalim itong nakatitig sakin. Di ako nagpatinag at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Sinubukan ko ring makawala pero di ko man lang magalaw yung mga kamay ko na mahigpit niyang hinahawakan.



"Hindi mo pa lubusang nakikilala tong kinakalaban mo at para makilala mo ko..." Nanggagalaiti niyang sabi saka napasinghap nalang ako nung bigla niya kong hilahin paalis.



Marahas niya kong kinaladkad sa may terrace at pabagsak na tinapon sa sahig. Saktong malakas ang ulan kaya nabasa agad ako.


Mabilis siyang pumasok sa loob at may kinuhang kung ano. Pagbalik niya may dala na siyang posas.

Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon