KABANATA 7

7.6K 176 3
                                    


Chapter 7

Gia's POV



"Prepare yourself. We'll fly to Spain."

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Ziro. Sa Espanya?! Sa ibang bansa?! Bakit ngayon ko lang ata nalaman to?

"Spain? Anong gagawin natin dun? Bakit tayo aalis?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ano ba yan, hindi na nga ako nakapunta sa reception area dahil pagkatapos ng ceremony ay kinulong na niya ako dito sa isang hotel room. Bawal daw akong pumunta sa reception. Ewan ko kung bakit. Kanina nga noong may naghanap sakin para pumunta sa baba ay pinaalis niya lang at sinabihang masama ang pakiramdam ko. Tapos ngayon ililipad na naman niya ko sa kung saan.

"Honeymoon." Tipid niyang sagot habang abala sa pagtanggal ng necktie niya pagkuwa'y inilagay ito sa kama.


Napaiwas agad ako ng tingin nung kinalas na niya ang mga butones ng suot niya. "Honey--moon? Kailangan pa ba talaga yun? Diba nagpapanggap lang naman tayo?"


Napansin kong tumigil siya sa ginagawa at naramdaman kong nakatingin siya sakin.

"Just do what I told you. Wag kang matanong." Malamig niyang tugon.


Napaangat ako ng mukha sa kanya. "Wala sa usapan natin na pupunta tayo sa ibang bansa para lang mag-honeymoon."

"Rule no. 4. You have to be my wife. It's part of your agenda MRS. VILLAVER." Nilakasan niya pa talaga ang pagtawag sakin sa apelyido niya.


Okay sana kung totoong asawa niya ko. Pero hindi naman. Kasunduan lang naman namin 'to.


Napairap nalang ako. Di na naman nakikipagcooperate tong sarili ko! Bakit natutuwa akong matawag na MRS. niya? Di ko na siya pinansin at inabala nalang ang sarili ko sa pagmumuni-muni.

Di ko maipagkakailang, may parte saking excited at masaya dahil sa pagpunta namin ng Spain. Syempre unang beses ko iyong makapunta sa ibang lugar. Ano kayang itsura ng Spain?  Kami lang bang dalawa ang pupunta doon? Katulad ba ito ng mga napapanood ko sa tv? Pupunta sa ibang bansa para enjoyin ang piling ng isat-isa?


Nagising ang ulirat ko ng biglang may pumitik sa may mukha ko. Napakurap ako at nabalik sa katawan ang nakalutang na utak.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Villaver. Ang mga tingin niyang tagos kaluluwa ay parang binabasa ang isipan ko.


Nagkatitigan kami. Nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi na para bang pinipigilan niya ang panggigigil niya dahilan para bawiin ko ang mga tingin ko.

Hindi ko na naisipang sagutin ang tinanong niya baka masabi kong siya ang laman ng isip ko.

"You looked preoccupied." Kaswal niyang wika bago naupo sa tabi ko. "Are you okay?"

Napalunok ako ng dalawang beses saka tumikhim. Ngayon ko lang ata napansin na tinanong niya kung okay ba ako.

"Uhm.. Ano kasi. Pagod lang siguro ako."  Pagsisinungaling ko saka tipid na ngumiti.


Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya.

"Gusto mo tanggalin natin yang pagod mo bago tayo umalis?" Aniya sa nang-aakit na boses kasabay ng pagdapo ng mga kamay niya sa balikat ko para haplusin ito pababa.


Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

Pinaglihi ba tong si Villaver sa pinakamanyak na tao sa buong mundo? Bakit sa tuwing nagkakalapit kami, namamanyak siya?

Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon