KABANATA 4

8.9K 207 3
                                    


Chapter 4


Gia's POV



Nagising akong sobrang masakit ang katawan. Partikular sa ibabang parte ng pagkababae ko. Ganunpaman ay bumangon ako paupo saka sumandal sa headboard. Binalot ko ang kahubaran ko sa kumot na nagusot dahil sa ginawa namin kagabi ni Villaver.


Nasapo ko ang mukha habang naaalala ko kung paanong ang simpleng paghila niya sa kamay ko, ay nauwi sa halik at mainit na pagtatalik. Ang pagtatangka ko sa buhay niya ay nauwi sa pagkawala ng pagkabirhen ko. Siya ang una ko. Unang halik at ang unang lalaking hinayaan kong kumuha ng bagay na pinakaiingatan ko sa loob ng maraming taon. Bakit siya pa?



Pagod na pagod ang katawan ko. At hanggang ngayon ay nagsisisi parin ako pero kahit naman na anong gawin ko ay di magbabago ang katotohanang nakuha na niya ang gusto niya sa akin.



Nasan kaya siya? Nung magising kasi ako ay di ko siya nakita. Nasa banyo kaya siya? Napairap ako, bakit ko ba siya hinahanap?


Biglang nahuli ng paningin ko ang isang sticky note na nakadikit sa lampshade. Kinuha ko iyon ay binasa ang nakasulat na mensahe. Sa mesa naman katabi ng lampshade ay may nakatuping damit.



I have an urgent appointment. I'll be back later. Isuot mo muna pansamantala ang polo ko. I'll buy you clothes when I get back. Don't do something stupid okay. Wag kang lalabas sa kwarto kung ayaw mong masaktan. I'll repeat, wag na wag kang lalabas ng kwarto.




Yan ang nakasaad sa note na naroroon.



Bumuga ako ng malalim na hininga bago iyon ibinalik sa pagkakadikit sa lampshade saka nagtangkang bumangon. Napapikit nalang ako at napahawak sa may ibaba ng puson ko ng bigla akong makaramdam ng labis na kirot. Ako lang ba ang nagdurusa ng ganito? Hirap din bang gumalaw ngayon si Villaver?



Imposible. Umalis nga siya eh. Malamang ay ayos lamang siya. Bakit di patas ano? Dapat kung anong sakit ang meron ako ay dapat nararanasan din ng lalaki. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang mararanasan ko pagkatapos ng lahat ay sana ipinaglaban ko ng patayan ang aking sarili. Ni hindi pumasok sa isip ko na magagawa ko yun kasama ng kahit na sinong lalaki.




Hindi ko pa naranasan ang kahit na anong may kinalaman sa ganung bagay. Dahil mailap ako sa mga lalaki. Papa ko lang ang nag-iisang lalaking iginagalang at minahal ko. Kaya siguro ganito nalang ang panghihinayang ko na sa kanya pa napunta ang bagay na iyon, kay Villaver pa.




Sa kabilang banda naman ay napaisip ako,



That pleasure I've experienced last night is worth the pain.



Binatukan ko ang sarili sa inis. Gusto mong masaktan Gia?! Ano ba naman yang kababuyan na napasok diyan sa utak mo! May pa english english ka pa! Nahawa kana kay Villaver!




Imbis na mag-isip ng kahit na anong kahalayan ay tuluyan na talaga akong bumangon para magtungo sa banyo at maligo. Tiniis ko yung sakit habang paika-ika akong naglalakad. Matapos kong maligo at magbihis ay nagtungo ako sa terrace ng kwarto at doon nagpahangin habang dinadama ang munting init na nagmumula sa kakasikat na araw. Suot ko lamang bukod sa damit-panloob, ay ang polo ni Villaver na pinahiram niya sa akin kanina.


Nilanghap ko ang malamig na hangin at malakas na ibinuga ito. Gusto kong mag-relax kahit saglit at nakakatulong sa akin ang pagtanaw sa terrace na pinagkulungan sakin ni Villaver.  Ngayon lang ako nakatambay ng matagal doon sa terrace kaya naman ay pinasyal ko ang mga mata sa magagandang tanawin doon. Kita ko rin mula dito ang magandang hardin sa ibaba at kung gaano kataas ang kinalalagyan ko mula sa lupa. Ang sarap sigurong tumambay doon sa hardin niya at napapalibutan ng halimuyak ng mga nagagandahang bulaklak.




Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon