KABANATA 19

6.3K 124 1
                                    

Chapter 19



Gia's POV


Ang kaninang masayang umaga ko ay naging kabaliktaran ng ngayon. Balisa ako sa pag-iisip ng kung ano-ano at ang bigat ng loob ko. Nakatulala lang ako habang pinapanood si Johansen na naghahanda ng makakain nila ni Ziro doon sa may garden. Wala kasi si Jade kaya siya ang gumagawa. Aniya ay may nilakad daw itong importante. Linggo noon kaya wala silang trabaho at tingin ko ay magpapahinga lang sila sa araw na to.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Johansen na mukhang napansin ata ang pagkalutang ko. Halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. Walang buhay lang akong tumango sa kanya na pinagkunutan lamang niya ng noo. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nagseselos ka't nagdududa? Hindi ka mapakali at pagod. Kahit ang magsalita ay nakakapagod.


"May sakit ka ba? Gusto mo sabihin ko kay boss?" Pumanting yung tenga ko at naging alerto sa narinig mula sa kanya.


"Hoy wag!" Natataranta kong utas. Ngumiwi siya sa akin dahil sa pagkabigla. "Ayos lang naman ako eh." Nakayuko kong sabi.



"Ano bang iniisip mo? Kanina pako natatakot sayo eh. Baka sinapian kana o ano." Inilagay niya isa-isa ang mga pagkain sa tray.


"Wala." Tipid kong tugon.



Ayoko munang makita siya sa araw na to kahit pangalan niya ayoko munang marinig. Alam kong impossibleng mangyari yun kasi nasa bahay niya ako pero iiwasan ko nalang siya hangga't kaya ko.


"Gia? Pakihatid naman to kina bossing oh..." Pakiusap niya.


Ha?!  Ano?!  Ayoko hindi pwede! Ayokong magpakita sa kanya matapos yung nangyari kanina!


"Ha? Ahh.. Ehh...." Wala akong maisip na dahilan. "Bakit di nalang ikaw?"


"Sige na please. Ngayon lang to. Baka patayin ako ni bossing pag natagalan yan dun eh. Pakisabi nalang na.... "

"Na ano?" Tanong ko.


"Na tumae muna ako. Kanina pa talaga ako natatae eh. Ha! Sige na Gia please...." Nagmamakaawa niyang ani saka kumaripas ng takbo papuntang banyo. Napangiwi nalang ako ng makitang mukhang di nga maganda ang pakiramdam niya ngayon.


Napakamot nalang ako sa ulo ko saka bumuntong-hininga. Hays, sabing iiwasan ko siya eh..



Sobrang bigat ng mga paa ko habang binabagtas ko yung daan tungo sa garden nila. Kinabahan ako ng maaninag ko silang tatlo na masinsinang nag-uusap sa may mesa doon. Anong sasabihin ko sa kanila pag tinanong nila ako tungkol kay Johansen? Sasabihin ko ba yung excuse na sinabi niya? Wag nalang. Baka masuka sila ano.



Nakita ko ang paglingon nilang tatlo sa gawi ko habang naglalakad ako papunta sa kanila. Dumagdag iyon sa kaba ko at parang gusto ko nalang umatras. Napalunok ako ng makita ang nakakamatay na titig ni Nadia sakin kaya mabilis akong nag-iwas. Pinilit ko ring wag tignan si Ziro at baka himatayin nako sa bigat ng mga titig niya na ramdam ko habang inilalapag ko ang mga pagkain nila sa mesa.


"Hi Gia. Ba't ikaw gumagawa niyan? Asan si Johansen?" Nakangiting tanong ni Hiro sakin.



"Ah.. Eh... May kinuha muna siya saglit. Kaya ako yung naghatid dito." Ang boses ko ay parang nilalamon dahil di ko magawang lakasan.


"Ah ganon ba? Why don't you join us for a while? Upo ka rito sa tabi ko." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.



"Ah eh kasi may gagawin pako eh. Pupuntahan ko pa si Johansen kasi sumama yung pakiramdam niya." Kagat-labi kong palusot. Kumunot ang noo ni Hiro habang nakatingin sakin. Ramdam ko ang mga tingin sakin ni Ziro habang nasa likuran ko siya.


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon