KABANATA 18

5.7K 132 5
                                    




Chapter 18


Gia's POV





"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa lalaking nakahiga sa kama ko. Ang kanyang ulo ay nakasandal sa headboard ng kama at ang kanyang mapang-akit na mata ay diretsong nakatuon sa akin.


Imbes na sagutin niya ko ay itinuro niya ang relo sa ibabaw ng pinto.



"It's late. Saan ka galing at bakit basang basa ka?" Seryoso niyang tanong. Hindi niya binigyang pansin ang itinanong ko sa kanya.



"May ginawa pako." Tipid kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil sa sobrang pagkailang.



Inirapan niya lang ang naging sagot ko. "Oh really. Ang alam ko kasi mabilis kang natapos sa ginawa mo kanina. May iba ka pang ginawa?" Mapanghinala niyang tanong na hindi ko na sinagot. Ayokong magsalita at baka masabi ko pa ang totoo. Ayokong mas lalong lumala pa iyong away namin ni Nadia.


Kinabahan ako nang bumangon siya at lumapit sa akin.


"Answer me. Ba't ang tagal mo? I've been waiting here for hours." Masuyong sabi niya sakin habang humahakbang papalapit sa gawi ko.


"Ziro..." Gusto ko siyang tanungin pabalik kung bakit siya nagtatanong at anong pakialam niya pero wala akong lakas ng loob kaya tanging pangalan niya lang ang nasasambit ko.



Napasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas at malamig na dingding sa likuran ko. Wala na akong maatrasan pa. Itinukod niya ang kanang kamay sa pader na nasa gilid ng mukha ko. Ibinaba niya ang mukha niya para mapalapit ito sa akin. Naamoy ko ang amoy-alak niyang hininga.


"Ziro please---" Tinulak ko siya di man lang siya natinag. Nung sinubukan kong iwasan siya ay hinigit niya lang ako ulit at isinandal sa pader.



"You're with Hiro. I've seen you with him." Aniya at nakita ko ang pag higpit ng kanyang panga. Pumasok kaagad sa isip ko ang ibig niyang sabihin. Iyon bang pagkikita namin ni Hiro sa pool ang tinutukoy niya. Ibig sabihin nakita niya rin yung pag-aaway namin ni Nadia?


Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya dahil lang sa di sinasadyang pag-uusap naming iyon ng kapatid niya. Wala akong nakikitang dahilan para magalit siya.


"Oo kanina. Sa pool." Ani ko. Di siya nagsalita at tinitigan lang ako.


"Ahh..." Tumingala siya saka ngumisi. "Did you have fun?"




"Tsk. Ano bang sinasabi mo?" Muli kong sinubukang lumayo kasi nagsisimula nakong mairita. Pagod na pagod nako dadagdag pa siya? Napadaing nalang ako ng muli niya kong isinandal sa pader.

"Damn it Gia! Have you forgotten our fucking rules?! Walang ibang lalaki diba?!" Nanindig ang mga balahibo ko dahil sa pagtaas ng boses niya. Nababaliw na ba siya at kung ano ano na ang pumapasok sa utak niya?



"Hibang kaba? May asawa ka na diba? Parang ikaw ata yung nakalimot. Nagpakasal lang tayo para maikasal kayo ni Nadia? Siya ang asawa mo kaya para sa kanya dapat yung mga rules na yun. Anong kinalaman ko sayo? Alipin mo lang ako dito." Paghihimutok ko sa kanya sa kalmadong boses. Ganunpaman, ang pait sa damdamin ay di ko maitago saking mga mata.



Niloko nga niya ako para sa kanya. Umasa ako. Dahil dun nahulog ako sa kanya at yun ang pinagsisisihan ko. Nahihirapan ako sa nararamdaman ko para sa kanya.


Natigilan siya sa inasta ko.


"It's our agreement. You and me. It's your key to get out of here." Matigas niyang bigkas.


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon