KABANATA 23

5.6K 147 31
                                    



Chapter 23

Gia's POV

"Anong gagawin natin dito sa park?" Takha kong tanong kay Hiro pagkababa namin ng kotse niya. Ipinalibot ko ang buong paningin sa paligid, playground at mga bata ang nakikita ko.  Lahat sila ay may kasamang mga yaya.


Napalingon ako sa likuran ko ng mapansing walang sumasagot sa mga tanong ko at laking gulat ko ng wala na si Hiro roon. Tanaw ko pa naman ang kotse niya sa di kalayuan. Saan naman kaya siya nagpunta? Baka may pinuntahan lang saglit. Babalikan naman siguro ako nun.

May natanaw akong bench sa malapit kaya doon ako naupo. Nakangiti ako habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro sa swing. Namiss ko tuloy yung kabataan ko.  Ganyan din ako kasaya nung buhay pa si mama.

Habang pinapanood ko ang masasaya at inosenteng ngiti ng mga bata sa playground ay may nagpatong ng kamay saking balikat. Nilingon ko siya kaagad pero napawi ang aking ngiti nang makitang hindi naman pala si Hiro iyon. Kinabahan ako nang makita ko siya ulit kaya napatayo ako sa gulat at pinilit na magmukhang di natatakot.

"Hi Gia! Saan kaba nagsususuot ha? Di na kita nakikita sa inyo." Masiglang bati sakin ni Gino. Malapad ang ngiti niya habang nakatitig sakin. Kasama niya ang dalawa niya pang pinsan na nakalimutan ko ang mga pangalan.

Kapitbahay ko sila Gino. Magkakalapit lang din ang bahay nila ng mga pinsan niya kaya naman ay palagi silang magkakasama. Ang bahay naman namin ay katapat ng bahay nila. Noong andun pako ay palagi rin siyang nakatambay sa labas ng bahay. Ilang taon na niya akong nililigawan at nakakatakot na siya. Huling pag-uusap namin ay nung binasted ko siya at halos saktan na niya ako dahil sa sobrang galit. Nagpupumilit kasi siya kahit ilang beses ko na siyang tinatanggihan. Kaya nga simula nun iwas na iwas nako sa kanya. Di ko inaasahan na magkikita ulit kami rito.

"Kumusta kana? Alam mo bang miss na miss na kita. Tagal na kitang di nakikita. Pinagtataguan mo bako?" Sunod-sunod niya pang tanong. Sabay na nagkantyawan ang mga kasama niya sa likuran. Umupo siya sa inuupuan ko kanina. Ang mga pinsan niya ay nanatiling nakatayo.

"Okay lang naman. Sige ha. Kailangan ko ng umalis." Nagmamadali kong tugon sa kanya saka pumihit para makaalis pero mabilis niya akong hinawakan sa kamay.

"Aalis kana agad? Mag-usap muna tayo sige na." Pakiusap niya sakin. Nakaramdam ako ng kaba habang hawak-hawak niya ko. "Halika sama ka muna samin." Pinisil niya ang kamay ko.


Pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nagtagumpay naman ako. "Pasensya na pero baka hinahanap nako ng kasama ko eh."

Kumunot ang noo niya. "Sino bang niloloko mo? Halata namang mag-isa ka lang." May pagkairita sa kanyang tono.

"Sino sila?" Anang pamilyar na boses sabay akbay sakin. Sabay naman na napadako ang mga tingin nina Gino sa katabi ko at parang namutla.

Tumingala ako kay Hiro at nakita ko kung paano niya matalim na tinitigan yung tatlo. Pagkalingon ko ulit kina Gino ay wala na sila.

"Ang bilis naman tumakbo ng mga yun." Nakangiting ani ni Hiro saka tinanggal ang pagkakaakbay sakin. "Ang init kaya bumili muna ako ng ice cream." Inabutan niya ko ng ice cream na nasa cup at naunang umupo. Tinanggap ko naman iyon at napangiti dahil paborito ko iyong flavor na binili niya.

"Pasensya na natagalan ata ako dun. May pila kasi." Paliwanag niya saka sumubo ng ice cream niya.

"Pumila ka?" Di makapaniwalang tanong ko. Mabilis naman siyang tumango.

Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon