KABANATA 11

6.8K 167 16
                                    




Chapter 11



3rd Person's POV




Isang matamis na ngiti ang lumutang sa labi ng babae habang iniikot sa mga daliri nito ang kanyang hawak na kopita. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair kaharap ang kanyang personal assistant. Ang kanyang kaputian ay tumitingkad dahil sa liwanag ng araw mula sa malaking bintana ng kanyang opisina.



"How's my fiancé doing?" She asked using her soft voice. Her eyes locked on the wine she's holding. Saka lamang gumalaw ang kanyang mga mata nang may inilapag na maliit na sobre ang kanyang kausap sa mesa. Ibinaba niya muna ang hawak na alak at saka dahan-dahang binuksan ang sobre upang makita ang nilalalaman nito.



Nanliit ang kanyang mga mata ng makita ang mga litrato ni Ziro kasama ng isang babae. Kuha ang mga ito mula sa kasal ng dalawa.


"Your wedding went well, young lady." Magalang na anunsyo ng kanyang assistant. Matamis na ngiti lamang ang kanyang naging tugon. Nakapokus ang kanyang atensyon sa babaeng dumalo ng kanyang kasal para sa kanya.



Kung hindi lamang dahil sa pag-atake ng kanyang sakit, sana ay silang dalawa ni Ziro ang nasa harapan ng altar noong kasal nila. Dahil doon ay naratay siya sa ospital ng isang buwan at di magawang dumalo sa kasal niya sa itinakdang panahon. Masyado naman ding komplikado kung ikakansela nila ang kasal. Tiyak na magagalit ang kanyang ama. Gayunpaman nangako naman din si Ziro sa kanya na siya na ang bahala sa lahat at wala na siyang dapat na ipag-alala pa.




Nakaramdam siya ng panghihinayang kahit na hindi naman sana dapat big deal iyon sa kanya. Gaya ng inaasahan niya ay nagawa ngang lusutan ni Ziro ang problema nilang iyon. Matalino. Konti nalang talaga at mamamangha na siya rito. Ngayon ay kasal na sila kahit na nasa ibang bansa siya at nagpapahinga.



"So, she's the proxy. She's beautiful." Komplemento niya sabay balik ng mga litrato sa sobre nito.




"I've met her inside her bridal car. Just like what you wanted, young lady. At mas maganda ho kayo sa kanya." Mahinang tumawa si Nadia dahil sa narinig niyang iyon.



"But they looked happy in their pictures, don't they Arissa?" She asked looking frustrated. "Making me jealous and curious about her." She said referring to Gia as she sip on her drinks.




"I'm sure, Mr. Villaver was just putting up a nice show on the ceremony. You're the only one he loves, young lady. You know that." Arissa replied trying to ease her young miss's frustration. Tingin niya naman ay nagtagumpay siya dahil sa kumislap muli ang mga mata nito.



"I missed my baby. I badly wanna see him." Nadia sighed.



"Shall we go back?"



"Of course." Mabilis ang kanyang naging tugon sa tanong ni Arissa. Bukod sa gusto niya ulit makasama si Ziro ay may iba pa siyang nais isakatuparan sa kanyang pagbabalik.




"Are you sure? Kaya niyo na po bang bumyahe? I'm sure your father will be very worried--"





"He won't mind Arissa." Pagputol niya sa sasabihin nito. "We have to go back as soon as possible. I know Ziro missed me too." Excitement filled her. "Plus, I wanna meet that girl and get rid of her." She said with an evil grin.




"Then, I'll fix everything right away." Bahagyang yumuko ang kanyang assistant bago lumabas ng kanyang opisina.





---



Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon