KABANATA 15

5.8K 140 15
                                    


Chapter 15




3rd Person's POV



"Are you okay, young lady?" Nag-aalalang bungad ni Arissa kay Nadia nang makapasok siya sa private room nito. Hingal na hingal pa siya dahil sa pagmamadali niyang makarating doon pero nakahinga agad siya ng maluwag ng makitang maaliwalas ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.



"Why are you here? I'm just fine." Nakangiting ani nito sa kanya. "Ziro took good care of me." Dagdag pa nito sa mas lalong malawak na ngiti.



"It's good to hear that you're very okay young lady. I was very worried when I heard about what happened kaya nagmadali agad akong pumunta dito. Magbabayad ang Gia na yan sa ginawa niya sa inyo." Pormal na tugon ni Arissa sa nakahigang si Nadia.


Bahagyang natawa lamang ito sa kanyang sinabi na para bang walang nangyaring di kaaya-aya sa kanya sa araw na iyon. Bahagyang kinabahan si Arissa sa inaaktong iyon ng kanyang boss.



Alam niya ang takbo ng utak nito kapagka ganoon ang timpla ng ugali nito. Bumalik na naman ba kaya ito? Bahagya siyang umiling para alisin ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Natigilan nalamang siya nang bumangon ito at nagsalita. Ang ekspresyon nito ay hindi parin nag-iiba.





"Don't worry too much Arissa.  I can handle that little Gia alone. And she wasn't a threat to me anyway. I have confirmed that wala naman talagang pakialam si Ziro sa kanya. Sana lang nakita mo yung nangyari kanina. It was perfect!" Pagkikwento niya sa kanyang assistant. Too much delight was visible in her eyes. Naupo nalamang si Arissa sa gilid ng kama ni Nadia para makinig.





"Nilalandi lang siya ng Gia na yun kaya lumalapit siya sa babaeng yun pero ako talaga ang mahal niya. You should have seen how concern he was earlier when he saw me bleeding! He carried me all the way to his car and brought me here. And he's mad at Gia thinking that she's the one who wounded my arm! Sabi ko naman sayo diba? Mahal niya talaga ako. Ziro loves me truly." Mahabang pagpapatuloy nito ng kanyang kwento tila ba kinukumbinsi siya nitong paniwalaan ang lahat ng kanyang sinasabi. Natigilan si Arissa saka kunot-noong nagtanong sa kausap.

"What do you mean, young lady?"


"Hmmm? Mean about what?" Balik-tanong naman nito sa kanya.



"That thing you've said a while ago. That, master Ziro is mad with Gia because he thinks she's the -----"


"I'm the one who did this to myself Arissa." She confessed with a smile, cutting Arissa's question.



"I did this and blame it on her. Wasn't it great?" She clarified raising her bandaged arm proudly.


"So pitiful dear Gia... Bakit di nalang niya tanggapin na ako lang talaga ang mahal ni Ziro and no one elses." Arissa remained silent as she watch Nadia laughed evilly like she had something interesting in her mind.




Nadia stilled for a moment when she heard the door open at iniluwa noon si Ziro. Agad na nagliwanag ang mukha niya ng makita ang binata. Si Arissa naman ay bahagyang yumuko sa kanya at binati siya.



"Hi Babe... " Masayang bati niya dito. "San kaba galing ha? Kanina pa kita hinihintay dito."



"Nasa labas lang naman ako." Tipid na sagot nito. Napalunok si Nadia dahil sa kanyang narinig. Kinakabahan siya at baka may narinig ito sa pag-uusap nila ni Arissa kanina.



"Ah.. Uhm. Talaga? Bakit, hindi ka pumasok dito?" Bahagya siyang tumungo para di nito mahalata na kinakabahan siya.



"Nothing. Ayaw lang kitang istorbohin. I want you to rest. Mukhang nasaktan ka kasi kanina eh." Muli siyang napalunok ng makita niya ang intensidad sa mga tingin nito sa kanya. Kakaiba ang tono nito sa kanyang pandinig at di niya magawang matuwa.


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon