KABANATA 36

3.1K 79 0
                                    

Chapter 36

Gia’s POV


“Gia anak?” Mabilis akong bumaba nang hagdan matapos marinig ang boses ni mama.


Sa wakas ay nakauwi narin siya. Day-off niya kasi kada linggo sa trabaho. Ganoon rin si papa kaya halos sabay silang nawawala at umuuwi sa bahay. Tanging ako lang at ang kapatid ni mama na si Auntie Lydia ang naiiwan sa bahay.



“Ma!!!” Tumakbo ako patungo sa kanya sa may pintuan at mahigpit siyang niyakap.



“Namiss po kita!” Tuwang-tuwa kong sabi nang hindi humihiwalay sa kanya. Lumuhod siya sa harapan ko para magpantay kami at hinalikan ako sa noo.



“Namiss rin kita baby ko. Teka! May surpresa pala kami ng papa mo para sayo.” Lumingon siya sa labas na siya namang pagsulpot ni papa.


“Charan!!!”


Napatili ako habang kumikislap ang mga mata nang makita ang dala-dala ni papa. Isang napakalaking manika. Sa sobrang saya ko ay niyakap ko silang dalawa at pinaulanan ng mga halik sa kanilang mga pisnge.


“Maraming salamat po!”


Napapikit ako ng mariin nang bigla nalamang may lumitaw na liwanag. Sobrang liwanag na nawala sa paningin ko sila mama. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay napunta na naman ako sa ibang lugar.


Nasan ako? Bakit biglang nawala ang bahay namin? Anong nangyayari? Totoo bato o nananaginip lang ako?


Habang naglalakad ako, nakakita ako ng kabaong sa harapan ko. Napakapamilyar ng lugar na ito sakin. Bigla nalamang may isang batang dumaan sa gilid ko. Umiiyak siya habang tumatakbo patungo sa kabaong.


“Papa, sabi mo uuwi si mama, bakit andyan siya?” Hikbi niya at lumingon sa papa niya. Nanlaki ang mata ko ng makilala ang batang iyon. Ako ang batang iyon. Napaiyak ako ng maalala ang pangyayaring ito.


Ang pinakamasakit na araw ng buhay ko.



“Hindi na uuwi ang mama mo anak. Iniwan na niya tayo.” Sagot ni papa sa malamig na tono.



“Bakit? Paano? Diba okay naman si mama, wala naman siyang sakit?” Sunod-sunod kong tanong.
Niyakap siya ng papa niya at pinatahan.



“Na-hit and run siya habang pauwi Gia.”


Parang pinipiga ang puso ko habang lumalapit sa kabaong. Dinungaw ko ‘yon at nakita ang babaeng kamukhang-kamukha ko. Sa gulat ko ay napaatras ako.


Nababaliw naba ako? Bakit sarili ko ang nakikita ko? Nalilito akong lumingon at halos manlumo ako sa sunod kong nakita.



Si papa na hawak ng dalawang lalaki, bugbog sarado at naliligo sa sarili niyang dugo. Lumapit sa kanya ang isang matipunong lalaking may dalang baril. Nakatutok ito sa papa ko at sa isang iglap lang ay bigla niya itong ipinutok sa pinakasentro ng ulo ni papa.



Napasigaw ako sa sobrang takot sa nakita. Lumingon ang lalaking bumaril sa papa ko at nilapitan ako. Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makilala ang lalaking iyon…








“Love? Holy shit…”



“Miss Gia!”


“I think she’s awake now. Call my brother.”


Dinig kong mga boses habang dahan-dahan kong binubuksan ang mga mata ko. Nagulat ako nang biglang bumungad sa mga mata ko ang mukha ng lalaking huling nakita ko sa panaginip. Si Ziro…


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon