KABANATA 37

3K 68 1
                                    

Chapter 37

Gia's POV


Nang magising ako, inaasahan kong si Ziro ang bubungad sa’kin pero si Johansen ang nakita ng mga mata ko.



“Miss Gia!” Gulat niyang bati. Nagulat ako nang makita siyang may hawak na aso. Napatitig ako sa asong natutulog sa nga bisig niya. Si Gio iyon na ibingay sa akin noon ni Hiro. Matagal ko na siyang di nakikita simula noong umalis kami para magbeach.


"Kinuha po siya ni Boss Hiro sa bahay para kahit papano malibang kayo." Aniya nang mahalatang nakatingin lang ako sa aso.

"Ipaampon mo nalang siya sa iba o ibalik mo nalang siya kay Hiro. Hindi ko siya maaalagaan ng maayos sa mga oras nato." Matamlay kong sabi sa kanya.


"Uh... sige po miss Gia kung yun ang gusto niyo. Ibabalik ko nalang po siya kay Boss Hiro. Kumusta na po ang pakiramdam niyo?” Tanong niya para ibahin ang usapan pero hindi ko muna iyon pinansin.



“Si Ziro?” Tanong ko. Pagbanggit ko palang ng pangalan niya agad nang nangilid ang mga luha ko.



May nakita akong pangangamba sa naging reaksyon ni Johansen ng itanong ko iyon kaya hindi siya nakasagot kaagad.


“Uhm, hindi ko po alam Miss Gia eh. Simula po nung nagising kayo, hindi ko na po siya nakita.” Bumagsak ang balikat ko dahil sa naging tugon niya. Biglang pumasok sa isip ko si Hiro. Malamang siya ay alam kung nasaan ang kapatid niya. Kasama si Johansen ay pinuntahan namin kung saan naroon si Hiro. Natagpuan namin siya sa opisina niya.



“Oh Gia? Anong ginagawa mo dito? Papunta narin sana ako sayo sa room mo eh.” Bungad niya pagkapasok namin ng opisina niya.


Naupo ako sa harap niya at kaagad na tinanong ang pakay ko pero gaya ni Johansen ay nag-iwas lang din siya ng tingin.



“I don’t know where he is.” Payak niyang sagot na lalong nagpabigat ng dibdib ko.




“Nagsisinungaling ka lang eh.” Pagbabaka-sakali ko pero pinakatitigan lang niya ko. “Panong di mo alam? Kapatid ka niya. Magsasabi sayo yun kung saan siya pupunta.” May tono ng pagka-inis ang boses ko.




“Believe it or not Gia, hindi ko alam. Nag-usap kami before your last talk with him. He just told me na aalis siya pero hindi niya sinabi kung saan. He told me not to bother finding him. He told me to take good care of you.” Paliwanag niya. Marahas akong napabuga ng hangin at mabilis na tumingala ng dahan-dahang magpatakan ang aking mga luha.




“Hinayaan mo nalang siyang umalis? Hindi mo siya pinigilan?” Umiiyak kong tanong sa kanya. Lumambot ang mukha niya ng makita ang mga luha ko.



“Miss Gia—“




“You’re the one who told him to get lost Gia. I tried to stop him but I know him, once he made a decision, then that’s final. No one can change it. And as for now, he needs it and I also know you need it more.” Mahaba niyang paliwanag bago makahulugang tumingin sa’min ni Johansen.




“Pinagsisihan ko lahat ng ‘yon Hiro. Nagpadalos-dalos ako at hinayaan kong tangayin ako ng galit ko. Nalilito ako non at hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam ang nangyayari sakin.” Nakatungo kong tugon.



Hindi kasi ako nag-iisip eh. Kasalanan ko ito. Halos panghinaan ako nang maisip ang posibilidad na hindi ko na siya muling makikita. Na hindi ko na masasabi pa sa kanya ang nilalaman ng puso ko. Ang bigat-bigat ng puso ko ngayon, parang sasabog sa sobrang sakit.


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon