KABANATA 13

6.4K 150 10
                                    




Chapter 13




Gia's POV



Bigla nalang akong nagising at namalayang nakatulog pala ako dito sa sofa ng sala ni Villaver. Sobrang napagod nga siguro ako sa mga ginawa kong trabaho simula kaninang umaga kaya di ko namalayang nakaidlip ako noong naisipan kong maupo muna at magpahinga.



Tinignan ko ang wall clock na nakadikit sa ibabaw ng pinto at nakita kong alas 10 na pala ng gabi. Humikab ako sabay kusot ng mata kaya napansin kong may benda na ang kamay ko. Iyong nasugatan kanina. Bumangon ako sabay tingin sa paligid ko. Napansin ko rin ang isang manipis na kumot na nakabalot sakin. Pati yung hawak kong basahan nung naglilinis ako ay nakapatong na sa mesa na kalapit ng sofang tinutulugan ko.



Nakapagtataka naman. Siya kaya ang gumawa nun? Umiling ako. Ayan. Matutuwa kana naman? Nagpapaloko kana naman sa isipan mo? Sa sarili mong imahinasyon? Ayoko na mag-assume.




Hindi na ako nakaramdam ulit ng antok kaya naisipan ko nalang lumabas na muna at magpahangin. Baka sakaling antukin ako ulit. Nasa may balkonahe lang naman ako, kaharap ang isang malaking pool. Sobrang laki nito at hugis parihaba. Ang tubig nito ay kalmado at parang napakasarap magtampisaw doon. Ang buwan at ang liwanag nito ay maaaninag sa tubig ng pool.




Natukso akong pumunta doon at isawsaw ang dalawang mga paa ko. Parang nakapasarap kasi niyong gawin sa mga oras na ito. Pwede naman siguro akong magtungo doon. Sabi naman sakin ni Villaver pwede na akong maglibot sa bahay basta wag lang akong lalabas  ng gate at pupunta sa ikaapat na palapag ng walang permiso mula sa kanya.





Dama ko kaagad ang malamig na tubig na bumalot sa binti ko. Nilaro ko ang mga ito para tumalamsik ang tubig. Napatawa nalang ako sa ugali kong parang bata. Napaangat ang mga mata ko sa bintana ng isang kwarto na tanaw ko mula rito. Ang kwarto ni Ziro. Patay ang ilaw nito. Malamang ay tulog na siya o baka naman ay magkasama sila ngayon ni Nadia.





Bumuga ako ng malalim na hininga habang nakatingin parin doon. Simula ngayon ay sasanayin ko na ang sarili kong matulog sa sala ng bahay niya. Hindi na ako pwedeng pumasok pa doon.




"Konting tiis nalang Gia. Babalik na rin sa normal ang buhay mo." Kausap ko sa sarili ko. Matuturing nga bang normal? Simula kasi noong mamatay ang mama ko, hindi na naging normal ang buhay ko. Siguro kung di siya namatay, siguro wala ako sa puder ni Ziro ngayon. Sana kasama ko pa siya. Sana masayang pamilya pa kami. Di ko mapigilang maiyak habang inaalala ang pinaka-importanteng babae sa tanang buhay ko.





Miss na miss ko na ang mama ko. Hinayaan ko nalang na pumatak ang mga luha ko sa pool ng may mapansin akong maitim na bagay na gumagalaw sa pool. Tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag sa paligid kaya nahirapan akong aninagin ito.




Natakot ako kasi papalapit ito sa direksyon ko. Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa mga paa ko kaya napatili ako sa sobrang gulat. Umahon ang isang taong inakala kong tulog na sa kwarto niya. Kanina pa ba siya dito? Nanigas ako sa kinalalagyan ko habang bakas sa mukha ang labis na pagkabigla dahil sa pag-aakalang minulto ako.



Hindi ako makapaniwala ng sumilay sa mukha niya ang ngiti niya na nahulog naman sa mahinang pagtawa dahil sa naging reaksyon ko.



"Did I scared you?" Tanong niya na may halong pang-aasar. Sinuklay niya ang tumabong buhok sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga daliri. Ang tubig ay pumapatak mula sa kanyang buhok patungo sa kanyang mga balikat.



Napalunok ako dahil sa nakakaakit niyang dating. Bakit ba siya naliligo ng gantong oras? Kanina pa ba siya rito? Hindi ko man lang siya napansin kaagad.


Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon