Kabanata XXV

4.3K 106 0
                                    

Chapter 25

Gia's POV

Matapos ang gabing nag-away kami ni Ziro ay hindi na niya ako kinibo pa. Galit na galit kasi talaga ako ng gabing yun tapos nakainom pa ako. Hindi ko iyon sinasadya. Pagkatapos nung ginawa kong pagsampal sa kanya ay isang salita lang ang narinig ko sa kanya,  'sorry'. Nakatulog ata ako sa kalasingan kasi umaga na ng magising ako sa kwarto ko. Ang sakit sakit pa ng ulo ko noon pero mas sumakit yung puso ko nang maalala ko yung away namin.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko sa isiping nasaktan ko siya sa mga nasabi ko. Pinagsisihan ko iyong ginawa kong pambibintang  sa kanya. Kahit na sinabi niyang may ginawa siya sa papa ko, parang may instincts na nagsasabi sakin na hindi magalit sa kanya.

Bakit ganito tayo? Pag galit tayo di bale ng makasakit tayo basta masabi natin lahat ng gusto nating sabihin pagkatapos magsisisi din naman sa huli. Oo gumaan yung loob ko noong nailabas ko yung galit ko pero ito, bumalik na naman yung bigat dahil sa guilt na nararamdaman ko ngayon para kay Ziro. Nagiguilty ako na parang hindi ko rin siya kayang kausapin para humingi ng tawad. Siguro hahayaan ko na muna siya sa ngayon.

Napasinghap ako ng matanaw ko si Ziro na tumatakbo papalabas ng gate mula dito sa terrace na kinatatayuan ko. Sa ayos niya, tingin ko ay lalabas siya para mag-jogging. Pangalawang araw na niya rito mula nung bumalik siya galing Spain. Dalawang araw narin na parang wala siyang Gia na nakikita sa bahay niya. Andito nga siya pero miss na miss ko parin siya.

"Aalis kana?" Tanong ko kay Hiro nang malaman ko mula kay Jade na aalis na siya rito sa bahay nila. Kaya naman ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya.

Tumango siya habang abala sa pagkuha ng mga damit niya mula sa kanyang malaking wardrobe.

"Yeah. I have to."

Bumuntong hininga ako saka yumuko nalang. Sa tagal ni Hiro rito ay naging malapit na kami bilang isang magkaibigan kaya naman ay nalulungkot ako sa pag-alis niya.

Nagulat ako ng bigla niyang sakupin ang mukha ko gamit ang mga kamay niya.

"Don't be like that Gia, baka mag-stay ako." Tumawa siya.

"Edi mag-stay ka nalang. Magsorry ka nalang kay Ziro para maging okay na kayo." Sabi ko. Tingin ko naman ako dapat gumawa nun. Di rin naman kami okay ni Ziro.

"Alam mong mainit pa dugo nun sakin. I'll let him be. Alam kong mawawala rin yung galit niya sakin." Confident niyang sabi.

"Paano mo naman nasabi?" Nabuhayan ako ng pag-asa na baka dumating din yung oras na mawala yung galit niya sakin.

"I'm his twin brother Gia and it's not the first time na nag-away kami. I know him very well." Aniya saka nagpatuloy na sa pag-iimpake. "Isa pa, kahit okay kami I still have to leave."

"Bakit naman?"

"I have to find a place near my hospital. Kailangan kong magfocus dun. Construction is already beginning and I have load of things to finish." Kinindatan niya ko.

"Ah ganon ba." Naupo ako sa kama niya habang pinapanood ko siya sa ginagawa. Bigla siyang sumulyap sakin gamit ang seryosong mukha.

"Gia." Nag-angat ako ng kilay ng tawagin niya ko. "Hmm? Bakit?"

"You want to come with me?"

Halos mabingi ako sa narinig mula sa kanya.

"Ano?" Tugon ko kahit klaro naman sa pandinig ko.

"I'm asking you to live with me." Diretso niyang ani. Natigilan ako at hindi makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang bigla siyang natawa.

Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon