KABANATA 30

3.2K 81 1
                                    





Chapter 30





3rd Person's POV



Pagkalabas na pagkalabas pa lamang ni Jade sa elevator ay bumungad na sa kanya ang tumatakbong si Gia. Pulang-pula ang mukha nito at basing-basa ng luha. Namumugto narin ang mga mata nito dahil sa labis na pag-iyak. Tama ang naging desisyon niyang dumiretso sa mga mga cctv footage ng hotel para mapabilis ang paghahanap niya rito.



Nahinto si Gia sa pagtakbo ng makita siya nito. Hinihingal itong napatingin sa direksyon niya saka muling humagulgol. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa asawa ng among tinuring niyang isang matalik  na kaibigan. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at niyakap ito bago paman ito panghinaan ng tuhod at mapaluhod sa sahig.



“Miss Gia, tama na. Kabutihan niyo lang ng baby ang inaalala ni boss kaya niya napagdesisyunan to. Balang araw maiintindihan mo rin siya at pasasalamatan sa ginawa niya.” Pang-aalo niya dito. Wala itong naging sagot kundi puro iyak at hagulgol.



Mahigpit itong yumakap pabalik kay Jade at inilabas sa balikat nito ang lahat ng sakit na nararamdaman.



---



Isang ngisi ang lumutang sa mukha ng isang babaeng nanonood sa iyakan ng dalawa mula sa isang sulok. “Just exactly what I expected, Villaver. You never failed to amuse me. Sadyang napaka-mautak mo parin talaga pero this time, mas mauutakan na kita.” Bulong nito sa sarili bago tumalikod.

---



Matapos mahimasmasan ni Gia ay dinala na siya ni Jade sa silid kung saan naroon ang kanyang ama. Habang nasa loob sila ng elevator ay wala parin itong kibo at nakatingin lang sa kawalan kaya hindi na muna niya sinabi ang tungkol sa surpresang madadatnan nito mamaya. Pagtungtong nila sa palapag na pupuntahan ay nadatnan nila si Johansen na may kausap sa cellphone at tila ba may hinihintay.



Mabilis itong lumingon sa pagdating nila. “Okay na boss, andito na po sila ni Miss Gia, kasama niya si Jade. Sige po boss.” Pagkausap nito sa kabilang linya bago binaba ang tawag.



Isang mapaklang ngiti ang sinalubong ni Gia sa kay Johansen at dire-diretso nang pumasok sa kwarto. Sumunod naman kaagad si Johansen sa kanya pero napahinto rin ng biglang magsalita si Jade. “Hansen, pwede ba kitang makausap?” Humarap lamang si Johansen sa kanya habang nakabulsa ang dalawang kamay.


“Pwede naman kaso baka kanina pa naghihintay si boss sayo. Pupuntahan mo pa siya pagkatapos mong ihatid si Miss Gia, hindi ba?” Kaswal na tugon nito.



Dumoble ang lakas ng tibok ng puso ni Jade sa sinabing iyon ni Johansen. Mas lalong nadagdagan ang hinala at pagdududa niya rito.



“Paano mo nalaman ang tungkol dun?” Malamig na tanong ni Jade sa kanya. Pinigilan ni Jade ang sarili na komprontahin ang kausap dahil gusto niyang masigurado kung hindi lang ba siya tamang-hinala sa kasamahan kahit na gigil na siyang makumpirma ang lahat. May ginagawa ba siyang pwedeng ikapahamak nila?




Ang hirap paniwalaan na magagawa ni Hansen ang bagay na siyang laman ng isipan niya ngayon. “Sinabi sakin ni boss kanina.” Mabilis na sagot nito sa kanya.


“Sabi niya ipatawag ka raw pagkatapos mong ihatid si Miss Gia sa kwarto.” Dagdag pa ni Johansen ng hindi man lang makatingin ng diretso sa kanya.


Hindi mawala sa isipan ni Jade ang naganap na pag-uusap nila ni Hansen kanina. This past few days parang ibang tao ang kasama nila at hindi si Johansen. Ang mukha nito kanina at ang eskpresyong pilit nitong ikinukubli sa likod ng isang blankong maskara. Ang pamumutla nito at ang pagiging malikot ng mata nito na kahit kanino ay hindi makatingin ng diretso. She knows, there is something in it. Hindi niya mawari kung ano.



Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon