KABANATA 24

4.5K 102 0
                                    


Chapter 24

Gia's POV

Nagising ako sa isang mausok na lugar. Malabo ang mata ko kaya hindi ko gaanong maaninag kung saang lugar ang kinapadparan ko ngayon. Kinurap-kurap ko ang mga mata upang mawala ang aking pagkahilo at kahit gusto kong bumangon ay hindi ko maigalaw ang aking katawan.

Paano ako napunta rito? Diba nasa bahay ako ng mga Villaver? Anong nangyari?

Habang dahan-dahang lumilinaw ang aking paningin ay unti-unti ko ring nakikilala kung saang lugar ako. Napaiyak ako ng makita ang bahay namin na wasak na wasak at tinutupok ng apoy. Noong maramdaman ko na sa sarili ko na kaya ko na ay pinilit kong bumangon at lumapit sa bahay namin.

Nanghihina ako at basang-basa ng dugo ang aking buong katawan. Anong nangyari? Bakit wala akong maalala?

Si papa!

Sumikip ng husto ang puso ko at napakalakas ng kalabog nito nang bigla ko siyang maalala. Nasaan ang papa ko?!

"Papa!" Humahagulgol kong iyak habang hinahanap siya. Inilibot ko ang paningin para makita siya. Mag-isa lang ako. Wala si papa at walang sino man ang nandito bukod sakin.

"Papa!!!" Sumigaw nako ng husto. Malakas na malakas para lang marinig niya ako. "Papa!!!"

Napaluhod ako dahil sa panghihina. Bigo akong hanapin ang papa ko kaya wala akong nagawa kundi umiyak sa harap ng nasusunog naming bahay. Nasunog kaya si papa kasama ng bahay namin? Hindi pwede! Hindi ko iyon matatanggap. Panginoon wag niyo pong hahayaang mangyari iyon. Iligtas niyo po ang papa ko pakiusap. Mataimtim akong nagdasal na kahit napaka imposible na ay umaasa parin akong didinggin ako.

Natigilan ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng mga kaluskos at kalabog sa paligid. Sinundan iyon ng isang malakas na sigaw at tatlong magkakasunod na putok ng baril.

Mabilis kong hinanap ang kinaroroonan ng ingay at may nakita akong isang kumpol ng mga lalaking pinapalibutan ang isang nakahandusay na katawan ng isang lalaking wala ng buhay. Nakataob ito kaya hindi ko makilala kung sino. Kinabahan ako sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko.

Laking gulat ko at halos manlumo ako nang biglang ipatihaya ng isa sa mga kalalakihan ang bangkay na nasa harapan nila. Halos hindi ako makahinga nang makita kung kaninong katawan ang nakikita kong naliligo sa dugo.

"PAPA!!!!!"

"Shhh Gia it's okay. It's okay... It's just a nightmare." Isang mahigpit na yakap ang biglang sumalubong sakin ng magising ako.

"Hiro...." Umiyak ako ng malakas at niyakap siya dahil sa sobrang takot.

"You're just dreaming." Hinaplos niya ang buhok ko pababa ng likod ko para pakalmahin ako.

Panaginip lang ba iyon? Ang sama ng panaginip ko. Humagulgol ako ng malakas sa dibdib ni Hiro habang hinahagod niya ang likuran ko. Umiyak ako sa lungkot ngunit kahit paano ay nagpapasalamat ako sa diyos na isang panaginip lang iyong madugong eksenang nasaksihan ko. Hindi ko kakayanin kung sakali mang mangyari iyon.

Basang-basa ang mukha ko sa magkahalong pawis at luha. Tinuyo iyon ni Hiro gamit ang kanyang mga kamay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Uminom ka muna ng tubig." Aniya saka inabutan ako ng tubig. Bumaba pa siya ng kusina para lang kunin iyon. Medyo kumalma nako ngayon. Ito ang unang beses na nanaginip ako ng ganoon ka nakakatakot. Parang totoo at hindi lang basta panaginip.

"Salamat Hiro." Sabi ko. Inabot ko ang tubig na binigay niya saka uminom. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Okay kana ba?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang tugon.

Owned by a Ruthless Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon