DREAM
Ang ganda ng ulap. Masimoy ang hangin. At nakaupo lang din ako sa dahuman. Hanggang sa makita, babaeng umiiyak. Nilapitan ko at nakita ang kagandahan niya. Tinanong ko kung bakit siya umiiyak. Walang kibo ang magandang babae. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang bimpong paborito ko. Pag katapos kong punasan ang luha, tumingin siya sakin at ako'y nginitian.
Pinaupo niya ako sa tabi niya. Nakwento niya na pinagalitan daw siya ng daddy niya. Dahil daw kung ano ano ang pinag gagawa niya sa trabaho niya. Tinanong ko kung bakit siya nag tatrabaho sa murang edad. "Trabaho na walang sweldo ang ginagawa ko. Para ito sa lahat. Utos 'to sakin nila daddy. Kapalpakan ang nagawa ko" sabi sakin ng magandang babae. Napatahimik nalang ako.
Tinanong niya rin kung anong pangalan ko. "Kevin. Painter ako. Student palang din. Ilang taon ka na pala?" Sabi ko sakanya. "Bata pa ako. Siguro kasing taon lang kita. Student palang din kasi ako eh." Sagot niya sa tanong ko.
Nakakapag taka lang. Hindi ko kasi siya nakikita sa ibang school. Hindi na ko nag dalawang isip para tanungin sakanya kung saan siya nag aaral. "Ano bang name ng school mo? Hindi ka ba tiga dito?" Tanong ko ulit sakanya. Natawa siya sakin. Grabe siya 'no? Tinawanan lang tanong ko.
Napangiti nalang ako sakanya. Sabi niya sakin, "Tiga dito ako. Ikaw ang hindi tiga dito. Paano ka ba nakapunta dito?" Nag taka rin ako. Naalala ko din na hindi ko pala alam kung asan ako. Hindi ko rin alam kung paano ako nakapunta don. Hindi ako nakasagot sa tanong niya kasi nakakahiya hehe. "Ah hindi mo ba alam kung paano? Well.... family ko lang kasi nakakapunta dito sa Krina. Ikaw palang ang ibang tao na nakapunta dito sa lugar namin. So swerte ka" nagulat din ako sa nasabi niya. Tsaka krina? Ngayon ko palang narinig yun ah. So ewan ko kung ano na nangyayari. Kinidnap ba ako? Haha joke. Curious na ako. Tatanungin ko na sakanya. "Miss ____? Ano pala name? Uhm. Paano ba ako nakapunta dito?" Tanong ko sakanya. Napatingin siya sakin. Tapos ngumiti. "Queza kasi yung last name ng papa ni mommy" sabi ni miss ewan! Hayst jusq. "So ano nga name mo?" Hindi niya ako sinasagot.
At naramdaman ko, gumagalaw yung lupa. Hanggang sa lumakas. Sinabi ko na kay miss na umalis na siya at puntahan na pamilya niya. Tumayo na siya. Tumakbo na.Habang tumatakbo siya. May narinig ako, "E****** name ko" so idk. E lang talaga narinig ko. So ayun nga. Hindi ko alam kung paano ako makakaligtas sa lindol. Bigla akong natamaan ng kung ano ano! Sumisigaw na ako ng help. But walang nakakarinig sakin. Masyadong malayo yung iisang bahay na nandito sa lugar na 'to. Hindi ko na kaya yung bigat na nasa likod ko. Nag hihina na ako. Pumipikit na mga mat........ may naririnig pa ako! Sinisigaw ang pangalan ko! Kaso hindi ko na talaga madilat mga mata ko. Bigla na akong binuhusan ng tubig sa mukha. And boi! Okay. Panaginip lang yun hahahaha. Epal naman kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.