Chapter 15

0 0 0
                                    

EX

Kevin's Point of View

Halos 1 week na pala dito ang mga Pascua. At kaklase ko pa ang kambal ng ex ko. Haaay

Naalala ko tuloy noon nung ok pa kami ni Daniela. Kahit pa na nasa kabilang section siya, at malayo room nila sa room ko, pinunta punta niya pa rin ako.

Pero ok na yun. Masaya na ako kay Jonily at feeling ko naman na masaya na rin naman si Daniela

Nandito naman ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga lang.

9am na at naramdaman ko na rin ang gutom kaya bumaba na ako.

Nakita ko naman dun ang apat na mag kakaibigan. Keith, Althea, Sarah at.... Drake

Nag vivideo games lang silang apat. Tapos napatingin si Drake sakin at tumayo sa sofa. Binigay naman na muna niya kay Sarah yung controller.

Lumapit siya papunta sa akin. "Kevin. Usap tay" hindi ko siya pinatapos dahil bigla akong nagsalita. " kung pag uusapan lang natin ang dati, wag nalang" seryosong titig ko sakanya at umalis sa harapan niya.

"Kevin. Pag nakapag-usap na tayo, hindi na kita kakausapin ulit. Last na 'to Kevin. Please naman oh" sabi niya sakin habang nakatalikod ako. Tumingin naman samin yung tatlong babae na nakaupo  sa sofa.

Pumunta naman ako sa kusina para kumuha nalang ng cereal at sa kwarto na kumain.







Nakaakyat na ako at nandito na ako sa kwarto ko. Iniisip ko pa rin kung bakit gusto makipagusap ni Drake sa akin.

Dahil ba kay Daniela?

Si Drake kasi ang dahilan kung bakit kami nag break ni Daniela

8 months kami ni Daniela non. Madalang kami mag kalabuan. Tapos bigla nalang siyang nag text at gusto makipagkita sa akin. Kaya pumunta naman ako sa favorite resto naming dalawa.

Dumating siya na umiiyak. Ang tamlay tamlay niya kumain. "Love, may problema ba tayo? Bakit parang hindi ka okay?" Tanong ko sakanya at tumingin naman siya sakin. Napaluha naman ulit siya. "Sorry Kevin, pero kelangan ko nang tapusin 'to" sabi niya na ikinagulat ko. "Pero bakit love? May tumutol ba? May nangyari ba? Sabihin mo sakin at aayusin ko!" Nag papanic kong sinabi. "Sorry love. Pero sa tuwing pumupunta ako sainyo, alam mo naman na nandun si Drake na kaibigan ng kapatid mo. Naging close kaming dalawa. At hindi ko namamalayan na nahulog na ako sakanya" sabi niya na ikinaguho ng mundo ko nung araw na yon. Napakasakit marinig sakanya yon pero tinanggap ko.


Nakita ko naman silang dalawa magkasama dito sa village namin na nag lalakad. Bigla silang nag akapan at umiiyak si Daniela. Hindi ko napigilang lumapit kay Drake at nasapak siya. Nagulat naman si Daniela at nag panic. "Mahal pa sana ako ng mahal ko kung hindi ka dumating sa buhay niya" sabi ko kay Drake na napahiga sa sahig sa sapak ko. Bigla nalang akong umalis at hinayaan silang dalawa doon. Nagulat nalang ako na malaman ko na aalis sila Daniela at pupuntang Korea. Paano naman na anong relasyon nila ni Drake?

Isa rin si Drake sa mga kaibigan ko lang noon.

Hanggang ngayon, hindi ko alam kung anong meron sakanila. Pero feeling ko, wala na rin.

Hinayaan ko naman na siya na maging tropa pa rin ni Keith pero binalaan ko siya na wag na wag na ulit mang aagaw.

Naalala ko si Karyle. Nung nalasing siya. Baka mamaya, maagaw nanaman ni Drake si Karyle na bestfriend ko. Ayokong mangyari pa ulit yon.


At dahil sasabog na ulo ko kakaisip. Gusto ko na makausap si Drake.


Bumaba naman ako ng kwarto at nandun pa rin silang apat. Tulala nalang si Drake na nakatingin sa tv. Narinig siguro nila ang pag baba ko kaya napatingin silang apat sa hagdan.

Sinenyasan ko naman si Drake na umakyat at pumunta sa kwarto ko.




Nandito kami ngayon sa kwarto ko at umupo siya sa desk ko.

"Tol. Maniwala ka't sa hindi, hindi naging kami ni Daniela" sambit niya na ikinalaki ng mata ko. Paano?!

"Makinig kang mabuti dahil alam kong gusto mo 'tong malaman" dugtong niya pa

Kaya nakinig lang ako sa sasabihin niya

"Alam kong may galit ka pa rin sakin hanggang ngayon dahil alam mong mahal niya ako.

Pero hindi ko siya inagaw.

Nahulog din ako sakanya at hindi ko alam na nahulog din siya. Bigla nalang din siyang nag message sa akin na pumunta daw ako dito sa village niyo. Akala ko naman, nag aya lang siya dahil hinahanap lang din ako ni Keith.

Nagulat naman ako na nasa playground siya. Tinanong ko sakanya kung bakit nandun siya at kung bakit hindi pumasok dito sa bahay niyo


Nag lakad lakad naman kami ni Daniela at kinwento sakin yung nangyari sainyo. Sinabi ko naman sakanya na hindi ako pwedeng makipagrelasyon sakanya dahil alam kong mahal na mahal mo siya at once na nalaman mong may relasyon kami, magagalit ka

Nagulat nalang ako na lumapit ka tapos sinapak ako

Pag pumupunta ako dito sa bahay niyo, gusto kitang kausapin para don pero pinipigilan ako ni Keith.

Kinwento ko naman yon kay Keith pero sinabi ko sakanya na ako mismo ang magsasabi sayo non. 

Sana naman mag kaayos na rin tayong tatlo" - Drake

Kaya pala nag akapan sila at umiiyak si Daniela dahil hindi pumayag si Drake.


Kung alam ko lang sana dati pa, matagal na sana kaming ayos ni Drake.

"Bababa na ako at baka nag tataka na sila Keith" tugon ni Drake at tumayo na para lumabas sa kwarto ko

Pero bago niya pa mabuksan, bigla na itong nabuksan ni Keith na hingal na hingal.

"Nahimatay si Sarah!" Sambit ni Keith na naiiyak iyak

The Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon