PAINTING
So pinaint ko na siya. Nilagay ko muna yun sa terrace namin para matuyo tuyo. Yung terrace kasi namin, kahit sino, pwede pumunta dun. Kaya may daanan din yung pupunta sa terrace. Iba pa yung daanan ng pababa sa bahay namin. Nilolock naman namin yung bahay pag pumupunta ng terrace, syempre.
Iniwan ko muna yung painting ko dun at bumalik na sa bahay. Dumeretso ako dun sa kabilang kwarto. Hindi sa room nila mama or keith. 4 kasi yung room. Kay keith, kila mama, akin, at dun sa pang bisita lang. Si keith ang madalas dun. Kasi siya yung madalas na may sleepover. Pag pupunta dito si paul, dun kami sa room ko kasi maluwang luwang naman. Maliit lang yung kay keith kaya kelangan niya talagang lumipat pag may bisita siya. Pumupunta lang ako dito sa room na 'to pag walang magawa. Tsaka mas malaki yung tv dito kesa sa room ko.
Habang nanonood ako, may naririnig ako na parang may nasa terrace. Hinahayaan lang naman namin pag may nasa taas. Kaso naalala ko, yung painting! Baka manakaw pa kaya nag madali akong pumunta sa taas.
Nakita ko, isang babae lang. Tinitignan painting ko. Lumapit ako dun."excuse me miss" sabi ko
"sorry po. Sainyo po ba 'to?" Sabi ng babae
"ah opo, kaya po napatakbo ako dito sa terrace namin kasi baka biglang makuha ng iba. Sayang naman""ah. Ok lang po yan, ako lang naman ang titingin eh. Tinignan ko lang naman kung gaano kaganda yung babae. Kayo pala may ari neto. Sorry kung umakyat ako ah. Kelangan ko kasi kuhanan ng shots yung sky para sa project namin kaya napaakyat ako." Aniya
"sanay naman na po kaming may umaakyat dito. Kahit sino naman, pwede pumunta dito eh. Wag lang dumeretso sa bahay namin haha"
"haha! Btw, sino ba siya sir?" Sabay tingin sa pinaint
Tinitigan ko ang pinaint ko na sobrang ganda "dream girl ko."
"huh?" Nag tatakang tinanong niya sakin
Bigla akong nagising sa katotohanan. "uhm. Nakikita ko siya sa panaginip ko. Kaso mukhang di na siya mag papakita ulit eh. Kaya kahit sana sa paint lang, nakikita kita ko siya." Sabay nginitian ko siya
"kagaling mo naman pala mag paint ah." Bilib na sinabi niya sakin. "Nag hahanap kasi ako ng mga artist na katulad mo" dugtong niya pa
"hindi po ako magaling!" Sambit ko naman
Bigla nalang kaming nag tawananSomeone's Point of View
Tutal kakatapos lang ng klase namin. Kaya gala gala muna. As usual, dadaanan ako dun sa terrace na paborito kong puntahan padaan sa fave place ko. Papunta yon sa puno na tinatambayan koMay nakita akong isang painting. Babae ang nandito at napakaganda naman talaga, hindi mapagkakaila.
Habang tinititigan ko ito, biglang may lumabas sa likod na lalaki na hingal na hingal.
Nag dahilan nalang ako na kumukuha ako ng shots sa sky sakto dala ko dslr ko non. Kaya sabi niya sanay naman daw siya, nagulat lang siya at baka bigla mawala ang painting niya. Ganda naman kasi talaga.
"Ah" bigla niyang inabot kamay niya sa harap ko at tinignan ko naman eto. "Kevin" nginitian ko naman siya. "Karyle" nakipagkamay din naman ako at nginitian ko siya.
Nag kwentuhan naman kami saglit. Pero napansin ko na 5:30 na pala. 5pm palang nandun na ako sa tambayan ko, pero siguro nga nagustuhan ko siya dahil parehas kaming hindi malapit sa mga tao. Nag kakasundo kami. Pinagkaiba lang namin, may isa siyang kaibigan. Ako, wala. As in wala.
"Oh. Kevin, aalis na ako ha. Gumagabi na pala. Hanggang 7pm lang ako. Hindi pa ako nakakadaan sa pupuntahan ko" sabi ko sakanya at inayos ang sarili
Nag taka siya nang marinig sakin na may pupuntahan pa ako. "Saan naman ang pupuntahan mo?" Tanong niya
Shet! Naalala ko na nag sinungaling lang pala ako. "Sa tita ko. Hehe sige. Bye bye" biglang sabi ko ng kabang kaba at tumakbo.
BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.