KARYLE
Kevin's Point of View
Nakipagkwentuhan naman ako dito kay Karyle kasi parang nag kakasundo kami.Bigla naman niyang sinabi na aalis na siya at inayos niya ang sarili niya. "Hindi pa ako nakakadaan sa pupuntahan ko" aniya. Kaya nag taka naman ako kung saan kaya tinanong ko. Nauutal utal naman siya tsaka biglang tumakbo paalis. Weird niya. Pero sarap niya ka kwentuhan
Bumalik na ako sa baba; sa bahay para mag pahinga. 1 hour din pala ako nakipagkwentuhan sa babaeng yon. Sulit naman
"Tagal mo sa taas. Tsaka parang may kausap ka." Narinig ko sa likod ko ang boses na yon. Naalala kong si keith yon. "Taong dumadaan sa terrace. Nakipagkwentuhan lang ako" sabi ko naman siya. Napa huh-look naman siya sakin. At ikinitawa ko ito. "At kelan ka nakipagusap sa iba?" Tanong sakin ng kapatid ko. Oo nga haha, hindi ako nakikipag usap sa iba. Pero bakit kanina? Ba't na kaya kong kausap si Karyle? Weird feeling lol.
Tumingin naman ako sakanya at parang hinihintay niya sagot ko. "Ewan" yun lang nasagot ko sakanya at inirapan niya ako. At binunggo ang balikat ko at pumunta na siya ng kwarto niya
Ugh! Kevin! Hahaha baka mag selos si Paul pag nalaman niyang may bago kang kaibigan!
Alam naman kasi namin sa isa't isa na wala kaming kaibigan kundi kaming dalawa lang. Hindi ko alam mafifeel niya pag nalaman na may bago akong kaibigan
Haay. Normal nalang naman na siguro yon. Besides, I'm 17 naman na ah. Siguro kelangan ko din kumausap ng tao hindi lang ang pamilya at si Paul.
Pag katapos naming kumain na pamilya, dumeretso ako sa cr para mag toothbrush at matutulog na.
Nahiga na ako at nag cp saglit. Hindi ko namalayan na inantok na pala ako at nakatulog.
Nagising na ako. 8am na. Wala akong nakitang Eya sa panaginip ko. Talagang hindi na nga siguro siya makikipagkita sakin. Umaasa pa rin ako na makikita ko siya
Pag baba ko, nabungad sakin ang mga mukga ng kaibigan ni Keith na kumakain sa hapagkainan. Sila Drake, Sarah, at Althea.
Mag ttropa yang apat na yan. Sanay na rin akong nakikita silang tatlo dito sa bahay. Ok lang sakin na feel at home sila. Pero basta wag lang papasok ng kwarto ko at kakausapin ako haha. Sa tagal nila dito na pumupunta punta. Hindi ko pa sila nakausap.
Napalingon naman silang lahat sakin. "Oh kuya. You're awake" sabi sakin ng kapatid ko. "Come join breakfast with us" dugtong niya pa.
Lumapit naman ako at umupo sa pwesto ko. Pinaghahandaan na kami ng mga katulong dito. Maaga sa work sila mommy at dada kaya hindi namin naaabutan minsan.
Natapos naman na kaming kumain at sila Althea na ang nag ayos ng pinagkainan namin. Tumayo na ako at umalis sa dining area.
Nagpatungo naman muna ako sa music room namin. Mahilig kasi ako sa mga instruments. Mag tutugtog muna ako habang wala akong ginagawa. Nagawa ko naman na lahat ng requirements kahapon dahil wala kaming pasok kahapon.
Monday na. Nasa school na kami ngayon. Kung tatanungin kung kamusta weekend ko. Normal weekend lang naman. Nothing important about it. Pumasok na ako sa klase ko. Tamad na tamad na ako sa buhay aaah! Buti nalang at malapit na bakasyon
Karyle's Point of View
Naboboring na ako sa klase na ito. Wala man lang ako natututunan. Nakatingin na ako sa orasan. Hinihintay ko na mag 4:10 dahil yun ang uwian namin.
4:08 na! Dalawang minuto nalang at makakalayas na ako dito peste.
6,5,4,3,2......1!!!!!!!!!!
Ting!!
Bigla na akong napatayo. "Goodbye sir!!" Sambit ko at umalis na sa room. Takbo naman ako at alam ko sa sarili ko na sa terrace ako dadalhin ng mga paa ko.
Pag akyat ko, as I expected. Nandito ang pinunta ko dito.
Napangiti ako. "Hi Kevin!" Napatingin naman siya sa akin at parang nagulat. "Good! You're here" at lumapit naman ako sakanya
And then we talk, talk, talk, talk
Nakalipas na rin ang two weeks. Araw araw na akong pumupunta sa terrace nila at lagi nakikipagkwentuhan sakanya. Halos lahat ata ng buhay niya, alam ko. Ganun din ang buhay ko, alam na rin niya.
Nagiging kampante na ako sakanya. And, yes. Kaibigan ko na ito. Eto lang hahaha.
Hindi ko namalayan na bakasyon na pala. Nalaman din ni mama na kaclose ko si John Kevin Alice. Kaya minabuti niya akong inilipat sa school nila Kevin para daw ok ok naman ako haha.
Papunta ako ngayon sa terrace nila Kevin para sabihin ang magandang balita. Ayoko namang sabihin ito sa text o sa call. Gusto ko surprise.
Pero syempre nag paalam naman ako na pupunta ako sakanila ngayon.
Bigla ko siyang naabutan sa terrace. Nag ngitian kami. "Pasok" sabi niya na ikinagulat ko. Nang laki talaga mata ko.
"Uy! Wag dugyot isip ah haha! Tagal na natin close eh. Pakilala naman kay Ketlin" sabi niya ulit na sinuklian ko naman ng anudaw-look.
Kilala ko si Ketlin. Well... Keithyline kasi hahaha. Ketlin lang daw kasi gusto niya itawag sa kapatid niya. I know him so well lol.
Bigla naman akong sumunod sakanya. Pababa na kami ngayon papasok sa bahay nila. Gosh! Kinakabahan ako gurl! Ngayon lang ako nakapasok sa bahay ng nag iisang kaibigan ko
Bigla kaming pumasok sa kwarto niya. May tiwala ako dito. Walang gagawing masama sakit 'tong mokol na 'to haha.
Nakahiga lang ako habang nag cecellphone at siya naman ay nakaupo dun sa computer table niya. Daldalan ng konti. At sinabi ko na rin sakanya na lilipat ako ng school na ikinasaya naman niya.
Biglang bumukas yung pinto na ikinagulat ko. Napaupo yung katawan kong kanina lang na nakadapa. Wow! It can't be!

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.