ACCEPT OR ACCEPT
Kevin's POV
Nandito kami ngayon ni Jonily sa university at nag lalakad lakad. Buti nalang nandito siya sa tabi ko kahit na nababagabag isip ko.
Laking pasasalamat ko na napaginipan ko na siya dati pa.
Nandito na kami ngayon sa library kung saan siya nag pahatid.
Sabi niya na ayaw na muna niyang mag motor kami para makapagusap kami ng matagal kaya iniwan ko muna yun sa malapit sa puno dun sa pangalawang kanto.
Habang nag lalakad ako, natanaw ko ang mommy at daddy nila Daniela na sila tita Jeniffer at tito Daniel
Narinig ko ang pag uusap nila kaya nag tago muna ako sa gilid.
"Walang tumugma sa dugo ko sa lahat ng Cristine dito. Kaya posibleng hindi Cristine ang pinangalan ni Leah sa anak namin" lungkot na sinabi ni tito Daniel
Ibig sabihin, Leah ang pangalan ng nabuntis niya dati
"Paano natin yun mahahanap Daniel? Sabik na sabik akong makita si Cristine kahit na hindi ko pa siya kadugo" sabi naman ni tita Jeniffer
Napatulala naman ang mag asawa at parang nag iisip ng idea
"Daniel. Paano kung hindi naman talaga dito nag-aaral dito ang anak niyo ni Leah?" Halata sa boses ni tita Jeniffer na kabang kaba
"Maniwala ka mahal. Nandito ang anak ko. May tiwala ako sa nagsabi sakin nun" nakangiting sabi ni tito Daniel at inakap si tita Jeniffer
Napatingin naman si tita Jeniffer sa mukha ni tito Daniel. "Mahal, sino ba nagsabi sayo na nandito ang anak niyo?" Nag tatakang tanong ni tita.
"Hindi na mahalaga yon. Basta ang mahalaga, pag nahanap natin si Cristine" sambit naman ni tito.
Hindi na ako nakapag pigil at lumabas ako sa pinag tataguan ko
"Oh. Anak. Nandiyan ka pala. Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni tita Jeniffer.
"Narinig ko po ang pinag uusapan niyo tita. Nais ko sana pong tumulong." Sabi ko sakanila ng nakangiti
Lumapit naman sakin si tita at hinawakan kamay ko. "Salamat anak. Pero paano mo kami matutulungan? Hundred Thousands of girls ang nag aaral dito?" Tanong sakin ni tita
"Tatanungin ko po sa prinicipal kung pwede ko bang heramin ang mga books of birth ng mga esdyunte. Alam niyo po ba kung anong birthday ipinanganak si Cristine?"
Napatingin naman si tita sa likod niya kung saan nandun si tito.
"Hindi ko alam kung anong buwan namin ginawa ang pinakapinagsisisihan ko. Pero ang natatandaan ko nalang, 2000 nangyari yon." Sabi naman ni tito
Hindi sure ni tito kung anong buwan kaya hindi ko alam kung pinanganak na ba siya ng 2000 or 2001
Kung 2000, 18 na siya ngayong 2018. 17 naman kung 2001
Mahirap man hanapin pero kakayanin ko. Baka hindi ko alam, nasa paligid ko siya.
Lalo na't baka kasing edad ko lang siya.
BINABASA MO ANG
The Purpose
Novela JuvenilSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.