LUHA
Kevin's Point of View
Pagkatapos ng lahat ng sinabi sakin ni Sarah, dumeretso na ako dito sa kwarto ko
Nababagabag pa rin ako sa mga sinabi niya kaya hindi ako makatulog.
'Di nag tagal at nakatulog na rin ako
Pag kagising ko, gumayak na ako. Pero nadaanan ko si Althea na umiiyak.
Tinigil ko naman yung motor ko at nilapitan siya.
Bago pa ako makalapit, napatingin siya sa akin at tumakbo sakin para akapin ko
"Sorry Kevin! Sorry talaga" sabi niya habang nakaakap sakin.
Para saan yung sorry niya?
Inakap ko rin naman siya pabalik, dahilan para mas lalo niyang higpitan yung akap niya sakin.
Kinalas naman na niya yung akap niya sakin at pinunasan yung luha niya.
Bigla nalang din siya tumakbo papalayo...
At narealize ko na panaginip ko lang pala yon.
Nandito pa rin ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga.
Dali dali naman akong gumayak dahil late na pala ako.
Nauna na rin si Keith at baka daw pagod ako kaya hindi na niya ako ginising.
Nandito na ako ngayon sa parking lot pababa ng sasakyan ko.
Naalala ko naman si Sarah na natutulog pa rin sa bahay. Binilin nalang daw nila dada si Sarah kila aling Aliya
Dali dali naman ako tumakbo sa room namin pero wala pa si ma'am kaya umupo na ako.
Tumingin tingin ako sa gilid gilid kung nandito si Althea pero absent siya.
"Kevin. Sino hinahanap mo?" Rinig kong nasa kanan ko na si Jonily nga pala.
"W-wala wala. Si Karyle lang hinahanap ko kung nakapasok na siya" sabi ko naman sakanya na parang kinakabahan
Napansin ko rin naman na wala rin si Drake pero hinayaan ko nalang
Nandito kami ngayon ni Karyle sa dorm namin ni Keith.
"Nakilala na daw ba kung sino yung nawawalang isa pang Pascua?" tanong sakin ni Karyle na nakahiga sa isang kama
"Hindi pa nga daw eh. Pero tutulungan ko na rin sila dahil masakit din naman sakin mawalan ng kapatid" sagot ko naman sa tanong niya
Napatingin naman siya sakin at parang nag tataka.
"Gusto ko nga rin mafeel ng may kapatid eh. Kaso wala, nag iisang anak lang ako nila daddy. Si daddy rin kasi, laging wala sa bahay... isipin mo Kevin na ilang years na ako nag eexist dito sa mundo pero hindi na sila nag balak na gumawa ng baby" reklamo pang sabi ni Karyle na ikinangiti ko
"Sorry kung hindi kita matutulungan sa binabalak mo ah. Namatay daw kasi yung barkada ni daddy kaya kelangan naming pumunta ng Ilocos" tugon niya na ikinagulat ko
"Osiya. Tara na at mag gagabi na" sabi ko sakanya at tumayo na rin siya
Hinatid ko na siya sakanila at umuwi na ako sa bahay.

BINABASA MO ANG
The Purpose
Подростковая литератураSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.