The Pacua's
Keith's Point Of View
Papasok na kami ngayon ni Sarah sa room namin dahil siya lang naman ang barkada kong kaklase ko.
'Di nag tagal, dumating na si Ma'am Ruffa na feeling ko may iaannounce. Umayos naman na kami ng upo ni Sarah. Sa first subject, magkatabi kami ni Sarah at nasa kanan ko lang siya.
"Class. As you all know na tayo ang pinakaonting section." Sabi ni ma'am Ruffa.
Kinakabahan ako! Anong gagawin sa section? Baka kung anong mangyari! Omaygahd!
"And may babalik naman na estudyante dito sa St. Thomas na tiyak ikakasaya niyo!" Tapos biglang ngumiti si ma'am. Feeling ko gusto rin niya yung estudyante na yon.
Iniisip ko naman kung sino ba ang pwedeng bumalik dito sa school. Wag naman sana si Paul! Argh! Kung babalik man yon dito sa school. Pakiusap naman na wag ko siyang maging kaklase
Nanlaki naman mata ko ng pumasok ang isang babae
It can't be....... ang nakita kong papasok ng room namin ay si.... Daniela Pascua
Daniela Pascua. Ang ex ng kuya ko
Nag sigawan naman ang mga kaklase ko nung pumasok si Daniela at pansin sakanila na sayang saya sa pagbalik ni Daniela. Yung iba pa naming kaklase, inakap ng sobrang higpit si Daniela
"Eh ma'am. Kung andito si Daniela. Asan si Kurt?"
Kurt..... isa rin sa pinakagwapong estudyante dito sa St. Thomas.
Oo na, hindi ko mapagkakaila na gwapo talaga si kuya at tiyak na naglalaban talaga pogi nila ni Kurt tsaka nila Paul.
Tsk! Ewan ko ba bakit nila napopogian si Paul! At ewan ko rin kung bakit ako may inis kay Paul. Feeling ko, enemy ko siya dahil lang may gusto siya sakin..... noon
Swerte na ba ako non dahil isa sa pinakagwapo daw ay nagkakagusto sakin at isa pa, kuya ko pa ang isa rin sa pinakagwapo? Hmm
Naalala ko nung crush ko pa si Kurt noon eh. Pero crush lang naman at alam kong hindi yon hihigit pa.
Natauhan naman ako ng biglang nag salita si Ma'am Ruffa. "Alam naman natin na bawal maging mag kaklase ang magkapatid"
Ay oo nga pala. Si Kurt Pascua at si Daniela Pascua ay kambal. Magkamukhang magkamukha talaga sila. Parang girl version ni Kurt si Daniela.
Napaisip naman ako kung saan kayang room si Kurt mapupunta? Bakit sila bumalik dito sa Pilipas? At bakit dito pa rin sila nag-aral sa St. Thomas?
Hindi na talaga ako mapakali ngayon. Gusto ko na puntahan si kuya pero 15 mins pa before mag uwian.
Nag tiis ako mag hintay at hindi na nakinig sa sir namin.
Tinititigan ko lang naman si Daniela na katabi naman ngayon ni Sarah. Si Sarah naman ay nasa tapat ko lang.
Halata namang nakikinig siya at nag susulat siya ng mga notes. Haaay. Tinatamad talaga ako makinig eh, bahala sila diyan. Iintindihin ko nalang 'tong dinidiscuss mamayang gabi.
Ay tapos na pala yung klase kaya takbo takbo na akong pumunta sa room nila kuya para mag tanong ng kung ano ano.
Sumilip naman ako sa bintana nila pero hindi pa sila tapos kaya tinignan tignan ko muna ang mga estudyante. Nakita ko naman na si kuya na nasa pinakagilid.

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.