Chapter 12

1 0 0
                                    

Closeness

Kevin's Point of View

Tagal na rin pala naming close ni Jonily. Lagi kaming nag aasaran.

Si Karyle naman, lagi nang busy at madami siyang ginagawa sa bahay nila

Nasa isang restaurant kami ngayon ni Jonily. Nag aya siya at nag cacrave daw ang bata. Hay nako, gutumin talaga.

Habang kumakain kami, bigla namang may nag text sakin

Busy ka? Kung hindi, punta tayo sa tambayan. Miss na rin kita :/

Ay, si Karyle pala ito.

Namimiss ko na rin bestfriend ko syempre.

Tinignan ko ang orasan ko. 11:30am palang. Baka mga 2pm, pwede na kami mag kita netong babaeng 'to.


Nag gala gala naman muna kami ni Jonily dito sa mall at kung ano ano binili niya. Hay. Babae nga naman oh.

Tinignan ko ang watch ko at napansin ko na 1:30 na pala.

"Tara na umuwi. Hatid na rin kita" sabi ko naman sakanya habang nag lalakad kami.

Kaya pumunta na kami sa parking lot para kunin yung motor ko.

Umangkas na siya at ngayon ay papunta na kami sa bahay niya.


"Kevin!! Itabi mo muna! Dali! Teka lang!" Narinig kong boses sa likod ko na si Jonily kaya hininto ko muna sa tabi.

Kaya naman pala, streetfoods. Hay nako, takaw talaga ng babaeng 'to. Pero atleast hindi siya maarte.

Hindi kasi ako kumakain ng mga kahit anong streetfoods eh, at may allergy ako dito.

Hindi rin kumakain si Keith ng ganito at masyado yun maarte. Kesyo madumi kahit alam kong hindi naman talaga. Kung pwede lang kasi talaga tumikim

Naalala ko kasi dati nung last na kain ko ng streetfoods na halos ikamatay ko dahil ang dami non. Kaya simula non, pinagbawalan na talaga ako don.

Naalala ko rin naman si Karyle na mahilig dito. Hindi kasi ako lagi lumalabas eh at sabi ko nga, hindi ako friendly. Simula nung naging kaibigan ko 'to. Naging outdoors na rin ako dahil ang dami niyang pinapakita at pinapatry sakin. Mga balot, ganon. Agar agar, at kalamares.

Ay shet! Karyle! Oo pala!!! Tinignan ko yung orasan. 2pm na pala. Dali dali kong inaya paalis si Jonily.

Nag madali na akong mag drive. "Dahan dahan naman Mr. Alice!!" Sabi sakin ni Jonily na halatang galit na galit.

Nandito na kami sa bahay ni Jonily at bumaba na siya.

Pag ka-katok niya, lumabas ang mommy niya. "Hello my darlin." Biglang inakap ng mommy niya si Jonily. Napatingin naman ito sakin at ngumiti. "Tara anak dito sa loob, mag meryenda ka muna bago ka umalis" tumanggi naman ako pero bigla akong hinila ni Jonily. No choice

Naalala ko si Karyle na laging late, pag sinabi niyang 2pm, 2:30 na yon.

Eh 2:15 palang naman. Kaya pwede naman na siguro


Magkasing-laki lang pala bahay namin ni Jonily. Pero parang mas madaming abubot dito sakanila

Nakipagkwentuhan muna ako sa mommy niya. Nang maubos ko na ang pinrepare saking sandwich at juice, minabuti ko na ring mag paalam.

Nang nasa labas na ako at nakaangkas na sa motor ko, nakita kong 2:40 na pala. Shet! Baka kanina pa yon nag-hihintay sakin!

Binilisan ko ang takbo ng motor ko. Ayokong madisapoint sakin si Karyle. Namimiss ko na rin ang bestfriend ko.

Nasa kalagitnaan na ako nang biglang maging traffic. 2:52 na. Argh! Nakakainis ka Kevin! Argh!!!!


Nang hindi naman na traffic, binilisan ko na talaga ng sobra dahil 2:58 na talaga








Nandito na ako ngayon pababa sa tambayan namin na puno, hindi kaya iakyat ng motor ko kaya nag lakad na ako. 3:05 na. Nako po, Lord



Bumungad naman sakin ang napakagandang babae na bestfriend ko na nakaupo sa picnic blanket at nasa gilid niya ang isang basket.

Dali dali naman akong tumakbo. Hindi niya ata ako napapansin at hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Uy! Ngayon lang ako nalate haha. Namiss kita Karyle. Anong oras ka nag punta?" Tugon ko sakanya sa harap niya.

Nakatingin pa rin siya ng malayo at mukhang walang balak tumingin.


Umupo naman ako sa tabi niya na nahihiya.

"Sorry" yun lang ang nasabi ko.

Narinig ko naman ang biglang pag singhot niya na ikinatingin ko sa mukha niya

Dali dali ko namang pinunasan yung luha niya.

Tinulak niya ako. Mahina lang naman. Kaya bumalik na ako sa pag kaupo

"Akala mo? Malelate ako?" Sabi niya at binalot pa rin kami ng katahimikan. "1:45, nandito na ako para mag handa kasi alam kong saktong 2pm nandito ka na. Pag nag bigay kasi ako ng oras, exact time ka dumadating. 2:30, napansin ko na wala pa ring sumisipot. Gusto ko nang umalis at baka nakatulog ka pero inintindi ko kase ngayon ka lang naman malelate. Pero makita ko..... nag post si Jonily. Kasama mo pala siya." Bigla siyang tumingin sakin at ngumiti ng pilit habang nag luluha

"Alam mo Kevin, hindi talaga ako busy eh. Nag seselos ako" sabi niya pa ulit

"Wag mo siyang pagseselosan dahil hindi kita ipagpapalit sakan—"
Naputol na yung sasabihin ko dahil bigla siyang nag salita. "Yun na nga eh... hindi ako ipag papalit... dahil alam kong eto lang tayo. Mag-kaibigan. Mag bestfriend. Isang bestfriend ng isa sa pinakagwapong lalaki ng St. Thomas.... wala akong nararamdaman sayo Kevin nung nag kakilala tayo. Nag enjoy ako sa tuwing kasama kita dahil para na rin kitang kapatid.... pero simula nung nag ka Jonily ka sa buhay mo na handang ibigay ang mga gusto mo. Nag bago ako. Nag selos na ako. Hindi sa baka agawin kaya niya at matulad ako kay Paul. Dahil baka makuha niya ang puso mo at mag wagi siya...."


Mas lalo siyang napaiyak. "Oo, John Kevil Alice. Nahuhulog na ako sayo. Hindi ako nahuhulog nung una dahil parehas lang talaga tayong sweet sa isa't isa. Pero nung mas napansin ko na mas gusto mo nang sumasama sakanya, namiss ko yung pagiging concervative mo sakin."

"Hindi ko mas gusto kasama siy—"
"Shut up!! Please.... shut up"

Napayuko naman ako sa mga sinabi niya. Halatang nahihiya na ako. Kaya naman pinunasan niya agad luha niya.

"Kalimutan mo na muna sinabi ko ngayon. Gusto ko na muna injoyin na kasama kita ngayon" sabi niya sakin ng nakangiti

The Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon