EYA
So ayun. Every night, napapaginipan ko siya. Ewan ko ba. Parang sinasabi sakin na siya yung mahal ko. Like, waaaah! Please don't wake me uppp. Alam niyo yung pag nakikita ko siya sa panaginip ko, naririnig ko yung Dream Girl na kanta. Waaaah! Sobrang dalang ko mafall. At nafall pa ako sa hindi ko naman pwedeng makita. Wala pa akong nililigawan, secret lang ako pag mag kacrush. Si Paul lang nakakaalam nun at si Keith. Mapapagkatiwalaan ko naman sila.
HINDI AKO BAKLA.
Minsan, may nag bibigay sakin ng kung ano ano na sa mga babae daw nang galing. Nakakahiya naman kung hindi mo tanggapin. Nakakahiya din naman kasi pag tinanggap mo diba? sayang lang pera nila para lang sakin.So ayun nga, may time na napaginipan ko siya. Nakita ko ulit siya, pero tinakbuhan niya ako. Hinabol ko siya. "Eya!!!" Sinigaw ko sakanya. Actually, hindi Eya name niya. Tinanong ko kasi sakanya dati kung pwede Eya nalang itawag ko sakanya. Pwede naman daw. Pag napapaginipan ko siya, wala siyang kibo pag tinatanong ko kung ano name. So yun, nung sinigaw ko, napatigil siya tumakbo. Pero hindi siya humaharap sakin. Pumunta ako sa harap niya, at tinanong. "Eya, anong bang problema?" Wala siyang kibo. Hanggang sa umiyak siya at umakap siya. "Kevin, baka kasi bukas hindi na ako makapunta sa panaginip mo." Sabi sakin ni Eya. Grabe, why naman daw diba? Tinanong ko kung bakit. "Pinagalitan na rin kasi ako ni mommy. Yung trabaho ko kasi, iba nanaman nagawa ko." Sabi niya sakin. "Anong kinalaman ko dun?" In-ask ko sakanya. "Wala nang oras para ipaliwanag ko pa. Kelangan ko na umalis" pahabol niyang sinabi. Wala parin akong sinasabi. Inakap niya ako. At tumakbo na siya. At nakagising na ako.
Tulala parin ako sa napaginipan ko. Wala rin akong magawa. Baka pag hindi ko na siya napaginipan, makalimutan ko na mukha niya. Kaya pinaint ko siya. Namiss ko agad siya hayss.

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.