Kevin's POV
After kong makipag-usap kay tita Joana, I decided na why not kung pumunta muna ako sa park.
Pinark ko muna sa gilid yung motor ko at nag lakad patungo sa damuhan. Umupo naman muna ako sa tabi ng puno at sumandal dun.
Napapikit naman muna ako at nag relax. I remember the old me... before and after ko pa maging girlfriend si Daniela, ayoko na talagang nakikipagkaibigan. But these past fee days, kung sino sino na pala nakakausap ko. At hindi man lang ako naiilang. Haay.
Bigla naman akong may narinig na tinatawag yung pangalan ko sa likod ko. Kaya napadilat ako at tinignan yun. Nakita ko si Althea. Why is she here?
Nakatingin lang siya sakin ng seryoso at sinenyasan niya ako na sumunod sakanya. Tumayo naman ako agad at sinundan na siya.
Tumakbo na siya kaya tumakbo na rin ako at baka mawala siya sa paningin ko. Tumingin ako sa likod ko habang tumatakbo, hindi ko namalayan na malayo na pala kami sa park at hindi ko na alam kung saan na 'to.
Bigla naman akong napahinto sa pag takbo at malapit na pala ako kay Althea.
Tumingin ako sa buong paligid at napansin ko na ngayon ko lang 'to nakita at ang layo na namin sa park. Damuhan lang din dito at may mga bulaklak sa gilid gilid. "N-nasaan tayo? Tanong ko sakanya.
Actually I don't know kung bakit ko siya sinundan but my feet's saying na kelangan ko siyang sundan.
"Once na nalaman mo kung sino ang anak ng Pascua, masasagot mo na rin kung sino si Eya" seryosong tugon ni Althea. What? Si Cristine ba ang nag hahandle ng panaginip ko?
"Now if you're saying that fantasy doesn't exist anymore.... well you're wrong... hindi ang anak ng Pascua ang nag hahandle ng paniginip mo. Pero pag nalaman mo kung sino yung anak nila, mabibigyan kita ng clue kung sino si Eya" pahabol pa niya
What the fucking is she saying? Sobrang gulo. Kung sabihin nalang kasi niya agad kung sino ang anak ng Pascua para matapos na. At bakit kelangan ko pa munag malaman kung sino ang anak nila bago ko malaman kung sino nag hahandle ng panaginip ko.
"Kevin. Kung pwede lang sabihin ko agad kung sino nag hahandle ng panaginip mo. But I can't. Kung pwede lang din na sabihin ko na kung sino ang totong Cristine. But I can't. Hindi ako makakapag bigay sa ngayon ng clue kung sino talaga ang nag hahandle ng mga panaginip. Pero mabibigyan kita ng clue kung sino si Cristine."
"Wait. What?! Nahahandle ang mga panaginip? Are you kidding me?!" Pang aasar kong tanong sakanya.
"Then just don't believe in fantasy" aktong aalis na siya pero pinigilan ko siya. "Fine... fine. Give me a clue" sabi ko naman.
"First..." tinaas niya ang hinliliit niya. "Nasa St. Thomas siya... second.." tinaas din niya ang isa niya pang daliri. "Hindi Cristine ang name niya. And third... you know her." Siguro madali ang last clue niya kasi wala talaga akong balak malaman ang kung sino sino eh. Tanging mga classmates ko lang at family.
"Mag papakita ulit ako sayo after mong malaman kung sino yon" aniya
Nag lakad na siya papalayo pero bigla siyang huminto at tumingin ulit sakin. "No one will know about this. Or else... someone will die... again" at dumeretso na siya sa pag lalakad niya.
What if she is Cristine? Pinapahirapan lang talaga niya ako na malaman kung ano ang totoong pagkatao niya?
"Althea!" Sigaw ko sa pangalan niya at tumingin siya sakin. "Aren't you Cristine?" Tanong ko habang papalapit sakanya. Nag lakad din naman siya papalapit sakin. "Masyadong mahina utak mo Kevin. I thought matalino ka? Bakit kita papahirapan kung ako yun diba? Palibhasa kasi, ayan na sa paligid mo, hindi mo man lang maramdaman" sarcastic niyang sinabi. Tumalikod na siya at kumaripas na ng takbo paalis
Palibhasa kasi, ayan na sa paligid mo, hindi mo man lang maramdaman
Ano ba ang pinopoint ni Althea? I think personalan na yung pagkasabi niya eh. Or ginagawa ko lang talaga yun na big deal?
Napansin ko na mag gagabi na rin. Mga mag seseven pm na kaya pumunta na ako sa kung saan ko pinark ang motor ko at umuwi na.
Pag kauwi ko, bumungad sakin si Keith na nanood sa sala at nakaupo sa sofa habang kumakain ng popcorn
Why did you slapped me?
For not telling that you love me
What? I told you that I love you a million times
But all of that are fake you bullshit! If I just love Paolo at the first place, then I woudn't feel this pain because of a bullshit who doesn't love me. Paolo love me until now even thought that I have a boyfriend. He's there for me all the time.
I sat with her. Kinuha ko nalang ang puzzles na nasa lamesa para buoin.
"Really love dramas huh?" Tugon ko na ikinatingin niya. "That's why I didn't bother you to watch a movie with me because I know that you hate dramas... by the way, bakit ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Keith.
She really knows me. Mas mahilig ako sa action movies. Siya naman ang mahilig sa dramas at horror. Yes, I know. Argh! Matatakutin ako.
"Private things bruh!" Pang aasar na tugon ko sakanya kaya initsa niya sakin yung pillow sa sofa. Initsa ko naman sakanya yun pabalik hanggang sa nag laro na kami.
Habang nag hahampasan kami ni Keith, bigla namang bumukas yung ilaw at napatingin kami kay aling Alya na nakangiti. Siya pala yung nag bukas ng ilaw.
"Ow. Sorry to bother the both of you, mga anak." Tugon ni aling Alya sabay akyat papunta sa taas.
Nag tawanan naman kami ni Keith at umupo ng maayos. If my mom is my queen. Well, Keith is my princess. Jenily is just my fantasy.
"Malapit na birthday mo. Ano nang plano?" Tanong sakin ni Keith. Oo pala. December 15 na ngayon, sa 18 na ang birthday ko.
"I'll invite Drake ha? Iinvite mo ba si Karyle?" Tanong sakin ni Keith. "Ewan.. 'di pa kami ok nung babaeng yun eh" tugon ko sabay tawa.
"Wait.... bakit hindi mo iinvite si Althea?" Tanong ko sakanya. "Nasa Australia nga sila ngayon diba? Besides, simula nung naging kaibigan ko siya, lagi siyang nasa birthday mo. Ngayon lang naman siya mawawala" sagot niya.
Sabagay... pero diba nakausap ko siya kanina?! Hindi kaya nag sisinungaling siya? Ayokong sabihin kay Keith at baka kasama sa plano na wag sabihin na nandito siya.
Pinakagusto ko nang present ay malaman kung sino ang nawawalang Pascua.
"Hey fvcking brother!" Pagtawag sakin ni Keith habang nandito kami ngayon sa couch nakaupo at nanonood. "What do you want for your birthday?" I said none pero kinulit niya pa rin ako. "Oh kung gusto mo, GRAY PARTY nalang coz that's your favorite color."
"I told you. Wala akong gusto. Kung tutuusin nga, friends mo ang pumupunta at hindi friends ko kasi wala akong mga kaibigan, remember? Tsaka wala na rin naman na si Paul"
Keith sighed. "Okay fine. Pero si Karyle? Si Jowni jowni mo? Hindi mo ba sila kaibigan? O kaibigan mo nga ba si jonily?" Pang aasar sakin ni Keith sabay siko sa braso ko. Hinayaan ko nalang siyang mang asar at nanood nalang ulit

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.