Kulit
Jonily's Point of View
Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to ha. Ilang araw na talaga niya akong hindi pinapansin
Pucha ngayon tuloy ako ang nangungulit sakanya.
Nakita ko siya na may kinukuha sa locker niya na ikinalapit ko naman
"Kelan mo ko papansinin?" Tanong ko sakanya habang nakatalikod siya
Humarap naman siya sa akin at tumitig. "Hindi mo rin ba napapansin na ang tanging kaibigan ko lang ay si Karyle" tugon naman niya.
Napatingin naman samin si Karyle na nasa gilid namin
Tumingin naman kami pareho kay Karyle.
At binalik naman sakin ni Kevin ang mata niya sa akin. "Now if you excuse us, Ms. Karady" umalis na siya sa harapan ko at pinuntahan si KaryleWala na talaga akong maisip na paraan kung paano ako papansinin neto! Argh! No choice ka Jonily!
"I'm Eya!"sigaw ko habang nag lalakad naman sila paalis.
Napahinto silang dalawa at tumingin sakin
Lumapit sakin si Karyle at inilapit mukha niya
"Don't you dare call yourself Eya" sambit sakin ni Karyle na ikinahiya ko.
Umalis na siya sa harapan ko at pinuntahan si Kevin.
Sino ba si Eya?! Tangina nacucurious na ako! At bakit bawal ko nang tawagin ang sarili kong si Eya? Dati lang pinipilit ako ng bestfriend niya na ako si Eya, tapos ngayon hindi na?! Fvck!
Karyle's Point of View
Tagal ko na rin pala nag aaral dito sa St. Tomas University. Tagal na rin tinigilan ni Kevin si Jonily na kamukhang kamukha ni Eya. Totoo naman kase, diba nga nakita ko yung painting na yon nung dumaan ako sa terrace nila.
Habang inaayos ko gamit ko sa locker ko, narinig ko yung boses ni Jonily na parang kinakausap si Kev.
Bakit daw hindi siya pinapansin? Tsk! Eh gago ba siya? Sinaktan niya nag iisang kaibigan ko
Narinig ko naman pangalan ko kay Kevin na ikinatingin ko sakanila. Tumingin naman sila sakin.
"Now if you excuse us, Ms. Karady" tugon ni Kevin at lumapit sakin. Sakto tapos naman na ako kaya naglakad na kami papalayo
Pero hindi pa kami nakakalayo nang marinig namin ang sinabi ni Jonily na ikinahinto namin
"I'm Eya"
I'm Eya
I'm EyaNag paulit ulit yun sa utak namin ni Kevin. Naiinis ako sa sinabi niya dahil hindi niya pwedeng tawagin ang sarili niyang si Eya!
Lumapit naman ako sa kanyang mukha. "Don't you dare call yourself Eya" tugon ko sakanya. Halata sa mukha niyang nahihiya na siya
Umalis na rin kami ni Kevin pagkatapos.
*flashback*

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.