Jonily
Kevin's Point of View
Nanglaki mata ko nang bigla siyang pumasok sa classroom namin.
Nginitian ko siya na sinuklian naman niya ng irap.
Ang sakit pala
Bakit ganon? Hindi naman ako marunong ngumiti pero nung dumating si Eya... ay este Jonily sa buhay ko na TOTOO. Alam ko na ngumiti
Alam ko naman ngumiti pag kasama si Karyle. Pero yung ngiting yon ay parang kasama lang ng tawa ko. Ngayon, iba
Almost 1 week na rin pala at ganun pa rin ako sa dati na walang pinapansin kundi si Karyle.
Pinagkaiba lang, hindi na si Paul.Lumipat na ng ibang school si Paul. Nag states muna at sa pag kakaalam ko, babalik din siya. 1 year lang siya don.
3rd week na. At nagulat ako nang malaman ko na katabi ko si Jonily sa 3 subjects. Pucha!! Baka manigas naman ako dun tangina
Syempre ang saya saya ko. First subject yon, before lunch break at before uwian ang mga subjects na yon.
At doon ko na siya sinimulan kulitin kung hindi ba talaga siya si Eya
Ding!! Ding!!
Tumayo na siya at inayos gamit niya. Tumayo naman ako at kunwari inaayos din yung gamit ko.
Sa ngayon ay medyo nakatalikod siya sakin.
"Eya?" Sambit ko
At naalala ko na hindi nga pala siya si Eya. Fuck Kev!! Hindi siya ang nasa panaginip mo kaya tigil na!
Napatigil siya sa inaayos niya at biglang napayuko. "Tangina lang Kev. Ilang beses ko na sinabi na hindi ako yang Eya mo. Ano 'to? Barcelona lang? Patay na si Celine tapos may kamukha siyang nakita mo at minahal mo? Well.. hindi mangyayari yun Kevin..... pls Kevin. Tigilan na natin 'tong kagaguhan nito. Kung sino man yang Eya na yan. Told her to fuck off!" Pasigaw niyang sinabi ang dulong sinabi niya at biglang umalis.
"Sabihin mo nalang kase na nakikita mo siya sa panaginip mo para hindi inaakala na mala Celine 'to. Pssh." Rinig ko namang sambit ng bespren ko
May point naman siya. Napossessed naman ako masyado kay Eya na kahit hindi siya totoo. Kaya kahit yung kamukha niya sa totoong buhay, nagugulo ko yung buhay.
Simula non. Bumalik ako sa dati. Tulala nalang lagi. Naging busy si Kar sa mga ginagawa sa sobrang dami ng requirements kaya hindi na siya nag pupunta sa amin. Nag kacall nalang kami at nag kkwentuhan pa rin.
Okay na sakin yung ganito. Tahimik yung buhay. Walang kinukulit at walang nakukulitan.
Pag pasok namin ni Karyle sa classroom, halatang nakasimangot din siya. Oo, nakasimangot kaming dalawa. Friendship goals masyado.
Nakita ko naman si Jonily na nakatingin sakin at nakakunot noo. Binalik ko ang tingin ko sa upuan ko at pinuntahan yon.
Nakatingin pa rin siya sakin na parang inis na inis. Pero hindi ko nalang eto pinansin
Jonily's Point of View
Etong Kevin na 'to. Kevin ba? Hindi na ako tinigilan tanungin kung ako ba si Eya. Siraulo lang? Nakailang tanong na siya. Paulit ulit. Sirang plaka
Dadating nalang ako ng room na may nakalagay na sa table ko na burger tapos smily face.
Kung hindi naman, mag ccr ako tapos pag balik ko may nakalagay na sa bag ko na chocolates at meryenda.
Tangina pati love letter!!
Dear Binibini,
Bakit ayaw mo pa rin ako tignan o pansinin?
:( pls binibini. Kahit minsan lang, pansinin mo naman ako. Sorry kung ganito ako. Hindi naman talaga ako ganito pero masyado mo akong nabihagNagmamahal,
KevinPumunta ako sa school na 'to para mag aral hindi para lumandi argh!!
Tangina ang sakit pala. Oo maldita ako, pero hindi ako naninigaw ng tao. Pero sumobra na kasi. Pero nakakakonsenysa! Argh! Bwisit talaga.
Hindi ka na nakakatuwa Jonily!
Mag mula nang sabihan ko siya non. Umiwas naman na siya sa akin. Well... hindi naman umiwas. Feeling ko lang naman.
Pero hindi niya ako pinapansin eh! What do I expect?! Pero kelangan nga bang pansinin ka Jonily?! Hay nako! Nung nangungulit, nabbwisit. Ngayon hindi na nangungulit, nabbwisit pa rin!! Saan ba ako lulugar sa utak kong 'to! Bwisit naman
Pumasok siya na may kasamang babae. Oo pala, si Karyle yon. May pagkaboyish. Kaya feeling ko, hindi naman ito jowa ni Kev pero bakit lagi silang sabay? Nakakunot lang noo ko kay Kevin habang nag lalakad siya papaupo sa upuan niya which is sa tabi ko lang
Inilapag niya ang bag niya at umupo. Tinititigan ko lang siya at nanatili siyang nakatingin sa blackboard kahit na walang nakalagay dito
"Hindi mo talaga ako papansinin Mr. Alice?!! Fuck!" Hindi ko alam kung bakit yun nalang ang bumuka sa bibig ko.
Ngumiti naman eto ng mapait habang nakatingin pa rin sa board
"Umiwas man ako o mangulit, nabbwisit ka pa rin 'no?" Sambit niya
"O—oo" bigla ko namang sabi at tumingin na rin sa board. Nahiya ako bigla
Oo nga, saan siya lulugar? Masyado ko siyang iniipit
Hanggang sa dumating na ang teacher at nag start na ang klase

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.