Chapter 16

0 0 0
                                    

SIKRETO

Kevin's Point of View


Nandito kami ngayon sa guess room kung saan namin idinala si Sarah.

Wala pa rin siyang malay.

Nalaman ko naman kay Keith na may lagnat na talaga siya pero pinilit niya pa ring pumunta dito sa bahay.

Sinabi lang niya na kukuha lang siya ng tubig nila. Napansin naman daw nila Keith na iba na yung galaw ni Sarah kaya tinanong kung ayos lang ba siya pero umoo naman si Sarah.

Narinig nalang nila Keith at Althea ang pagbagsak ng katawan ni Sarah kaya nilapitan nilang dalawa. Binantayan naman ni Althea si Sarah at tinawag naman kami Keith para tulungan silang buhatin si Sarah.

Habang nakatayo ako, pinag mamasdan ko naman si Sarah na nag papahinga

Kahit naman hindi ko sila pinapansin, napamahal na rin sila sakin dahil kaibigan nila kapatid ko.

Laking pasasalamat ko sakanila dahil wala akong nakitang masama kay Keith. Hindi nila inimpluwensyahan ng masama ang kapatid ko.

Umuwi naman na muna si Althea at 8pm na rin naman.

Nandito naman kami ngayon ni Drake at ni Keith sa guess room at hinihintay magising si Sarah.







10pm na at nakahiga nalang kami ni Drake sa doubledeck. Nasa baba naman ako at nasa taas ko si Drake.

Habang nasa isang kama si Sarah at katabi niya si Keith na nakaupo.

Bumaba naman si Drake at sinabing iihi lang siya.

Sinabi naman ni Keith na kukunin lang din niya yung charger niya sa kwarto niya.

"Kuya, ikaw muna ang umupo dito, baka bigla siyang magising" sabi ni Keith at bigla ng lumabas ng kwarto.

Umupo naman ako sa tabi ni Sarah at hindi nagkamali si Keith..... nagising na rin si Sarah.

Pagkamulat niya ng mata niya, napatingin siya sa kanan niya at nakita ako.

Parang nag tataka naman yung mukha niya at nag tanong. "K-kevin? Bakit ikaw lang nandito? Asan sila Keith?"

Nginitian ko naman siya. "Wag ka mag alala, umihi lang si Drake at may kinuha si Keith" tugon ko

"Si Althea?" Tanong niya sabay tingin sa buong paligid

"Kelangan na niyang umalis at gabi na rin" -ako

"Hindi ko akalaing makakausap mo ako Kevin" tugon ni Sarah sabay ngiti sakin kaya sinuklian ko din naman ng ngiti.

Pilit niyang inuupo sarili niya kaya tinulungan ko siya at itinaas yung unan para ilagay yun sa pader at sandalan ni Sarah.

"Kkevin.... pwede bang... d-dito muna ako sainyo?" Tanong niya sa akin at nauutal utal pa

Tumango naman ako sakanya na ikinangiti niya. Pero bigla nalang akong nagulat nung maluha siya. Bakit? Ano bang meron? Pinalayas ba siya sa kanila?

"Kevin. May tiwala ako sayo na hindi mo 'to sasabihin sa mga kaibigan ko" sabi niya sakin na seryoso yung tingin

"A-ano bang nangyari? Bakit ayaw mong umuwi sainyo?" Tanong ko naman sakanya

Napabuntong hininga naman siya at nag simula na mag kwento

"Sa totoo lang, hindi lang lagnat ang meron sakin" panimula niya

The Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon