Special Dream
REMEMBER GUYS, THIS IS A FLASHBACK
Karyle's Point of View
Nandito kami ngayon ni Kevin sa tambayan ko hanggang sa may lumapit samin na babae.
Teka, tama ba 'tong nakikita ko? Si Jonily?! Paano niya nalaman na nandito kami ni Kevin?!
Pero teka? Kelan pa ngumiti si Jonily samin?!
"Hi Kevin, hi Karyle." Nakangiting sambit niya
Walang tumitingin samin pareho ni Kevin
Umupo rin siya dito sa damuhan at tinabihan kami. "Nasa isip niyo na ako si Jonily?" Tanong niya samin at pinagtatakahan naman namin 'to ni Kevin.
Natawa si Jonily onti. "Oo, ako 'to. Si Eya 'to. Pangako" nang laki naman ang mata ni Kevin at halatang nagulat.
"Paano?!" Tanong ni Kevin na kinakabahan
"Nananaginip ba kami?" Tanong ko naman
Tumango naman si Jonily. Ah este Eya. Pero bakit naman kami nananaginip ngayon?! Gusto ko na magising! Argh! Paano magising? Dapat si Kevin ang nananaginip ng ganito hindi ako!
"Nasa Krina kayo" sabi naman ni Eya. Tumingin ako sa paligid nang marealize ko na oo nga, hindi ito yung tamabayan ko. At hindi Eya pangalan ko, alam mo yan. Kevin." Sabi naman niya ulit
"Paano kami napunta dito?! Tsaka sabi mo hindi ka na mag papakita?! Tsaka ano ba talaga totoong pangalan mo?! Bakit nananaginip ako? Nababangungot na ba ako? Bakit kasama dito si Karyle? At bakit kamukha mo si Jonily?" Tuloy na tuloy na tanong ni Kevin kay Eya na kabang kaba.
"Huminahon ka mahal ko."tugon ni Eya. Tangina. Mahal ampota. So weird. "Parehas kayong nananaginip ngayon. Pangalawang sagot. Gusto ko lang magpakita sayo ulit dahil namimiss na kita. Pangatlo. Okay nang Eya lang ang itawag mo. Pang-apat. Hindi "ako" dahil dapat "kami" kasi nga parehas kayo nananaginip ngayon ng kaibigan mo. Pang-lima, hindi 'to bangungot Kevin. Pang-anim. Gusto kong kasama si Karyle para may alam din siya tungkol saakin. At ang huli...." napatigil sa pag sasalita si Eya at napayuko. "Basta wag niyong sasabihin sakanya na panaginip lang ako. At wag niyo siyang ituturing ako" sabi niya ulit.
Bakit naman? Ano bang meron sakanya? Sino ba siya? Ang gulo
Nang maramdaman naman namin ni Kevin na lumilindol na pala at agad tumakbo papalayo si Eya. Shet! Saan kami mag tatago?!
Ring! Ring! Ring!
Argh! Gising na ako! Naalala ko na nandito pala ako kila Kevin. Dito pala ako natulog. Nasa guess room kami ngayon dahil dalawa kama dito. Ayaw naman niyang mag katabi kami para respeto na rin saking babae. Gentleman
Pero naalala ko?! Yung panaginip!!! Napatingin ako sa kaliwa ko na si Kevin. Nag hihilik pa at ginising gising ko naman.
"John Kevin C. Alice!!!! Tangina mo gumising ka!!! May sasabihin ako sayo!!!" Ayaw naman niya magising. May bote tubig dito malapit sa lamp. Kinuha namin 'to para sakaling mauhaw kami, hindi na kami bababa para kumuha ng tubig.
Wala na akong nagawa kundi ibuhos ang konti
sakanya.Nagulat naman siya. Napahalakhak naman ako sa tuwa. Wet na wet si gago! Hahaha
Halata naman sa mukha niyang parang galit. Pero pinunasan nalang niya ang mukha niya at tumingin ulit sakin.
Tumatawa pa rin ako.
Bigla kong naalala.... YUNG PANAGINIP!!
Nang laki mata ko
Nagulat ako nang biglang lumaki rin naman ang mata niya
"EYA!! PANAGINIP!! NGAYON" sabay naming sinabi ni Kevin. Nag tataka at parehas kami ng sinasabi. Kambal ko ba 'to? Masyado naman akong nalalapit dito.
Tumayo naman siya sa higaan niya at nag lakad lakad sa buong silid. Umupo naman muna rin ako sa kama para makapag isip isip
"Anong nangyari sa panaginip mo?" Tanong ko sakanya
"Sinabi niya sakin na panaginip lang daw talaga yon. At nandon ka! Nasa Krani ba yon? Tama ba? Basta yon! Nandun daw tayo!"
"Krina yon. Tanga." Sabi ko naman lol.
Nag usap muna kami at pinagtatakahan kung bakit parehas kaming nanaginip at nasa isang panaginip lang. sobrang weird na talaga ng nangyayari simula nung naging kaibigan ko 'to.
Pasalamat siya mahal ko 'to. Haay. BILANG KAIBIGAN! argh!Bilang kaibigan 'no Karyle? Gago ka.
Eya's (the girl in the dream) Point of View
Miss na miss na kita Kevin. Gusto ko na ulit pumasok sa panaginip mo pero natatakot ako na baka mahulog ka ng sobra at hindi mo namalayan na sa panaginip lang ako. Paano naman pag nakilala mo ako sa totoong buhay? Mamahalin mo pa ba ako? Diba hindi na?
Last na 'to. Papasok ulit ako sa panaginip ni Kevin. Hindi lang niya. Pati kay Karyle

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.