Jonily's POV
Kinakabahan ako sa pag katok niya ngayon. Nakalimutan ko nang mag ayos sa kakaayos dito sa kwarto. Suddenly, I remember his kiss nung gabing yon. Okay lang sakin yon sa totoo lang.
Tumayo naman na ako agad at pinakalma ang sarili ko.
Bumungad siya sa pag bukas ko ng pinto at halata sa tingin niya na nagulat siya. Nakatingin lang siya sakin pataas hanggang pababa.
Bigla naman niyang kinuha sa likod niya bag pack niya at halatang may hinahanap. Kinuha niya ang gray na jacket niya at pinatong sakin yon. "Kahit na tayo lang yung nandito sa kubo ngayon. Gusto pa rin kita irespeto" tugon niya.
Naalala ko na nakasando lang pala ako!! Nakakahiya!!! "Sorry, K-kevin..." napangiti naman siya sakin at tumango.
Bigla naman siyang napasilip sa loob at nanlaki yung mga mata niya.
Nag lagay ako ng mga gray balloons kung saan saan. Gray ang favorite niya. And nirerepresent ng gray si Kevin. Classy lang siya. Practical color. Practical din siya. Pinagcombine ng black and white. Kung mapapansin mo, mukha lang siyang black. Pero kaya niya rin pala yon papaputiin minsan. Kaya nag cocombine talaga ang color sakanya. Siguro nga, black lang ang nakikita ng iba sakanya. Pero ako, meron ding puti dahil napapakita niya sakin ang bright side niya.
"What did you do?" Tanong sakin ni Kevin habang nakangiti.
"Pasok" tugon ko sakanya habang nakangiti.
Agad namang siyang pumasok at tinignan ang buong sulok.
Pag pasok mo, makikita mo sa left side ang puzzle na nakalagay sa frame. Picture niya na stolen. But he's still hot at that picture. He really like solving puzzles kaya eto nalang naisip ko. Sa tabi ng puzzle na yon, nakalagay din yung mga ginupit kong Cartolina na gray.
Naalala ko ang pinakamahalaga kong regalo sakanya. Agad kong kinuha yon sa bag ko.
Habang hinahanap ko yon, nasa likod ko lang siya at tinitignan niya lang ako na nag hahanap.
Nang mahanap ko naman na, bigla akong na pabuntong hininga at humarap sakanya.
"What's that box?" He asked
Inaabot ko naman sakanya. "Open it, para malaman mo"
Nakangiti niyang tinignan yung box at kinuha sa kamay ko.
Umupo naman na siya kaya sumunod na rin ako. Plain box lang siya. Pero sa loob ka masusurpresa. Like him. He looks so plain. Pero pag nalaman mo yung inside niya, mashoshook k nalang kase you wouldn't expect na yun pala yon.
Tinanggal naman na niya yung takip. Makikita mo lang sa una yung picture naming dalawa. Nakaupo ako nun at nakatayo siya. Nakalagay yung siko niya sa balikat ko. He was squeezing my cheeks at that photo.
Nagulat siya pag katanggal ng photo. Bigla naman siyang tumingin sakin at ngumiti. Inakap niya naman ako ng sobrang higpit na halos 'di na ako makahinga. "Teka teka, anuba dahan dahan naman oh" pang aasar ko nalang. "Sorry sorry. Naexcite lang talaga ako" sabay inalis niya yung akap niyang mahigpit.
Laman nun yung gusto niyang bilin na tshirt. We saw that online. Pero sold out na. Nag try naman kami sa mall mag hanap kaso wala talaga. Tinanong ko naman yung tita ko na tiga baguio kung meron nung shirt na yon. Gray yung color niya. May lalaking bata na demonyo na inaabot yung ring ng angel yung design niya. I admit that that was cute. Sinabi naman ni tita na meron daw siyang friend na online seller. Nung una, sabi lang sakin ni tita sa chat na wala siyang mahanap sa feed nung friend niya yung ganung klaseng shirt. Minessage ulit ako ni tita, sabi niya na meron daw pala. Minessage niya pala. Tinry mag hanap nung friend niya sa stocks at nakita niyang meron. Kaso masakit nga lang sa bulsa kasi maganda daw yung tela non tsaka bihira lang merong ganun. Pero ako, push pa rin. Nag order pa rin ako. Kahit ang mahal din nung shipping fee. Umorder na rin naman ako ng iba pang shirts na nakikita kong magaganda para sulit na rin yung bayad. Hindi naman ako nag sising bumili kasi ang ganda rin naman ng quality. May nakita rin ako na croptop at plain na color gray din. Cartoon na pusa at aso yun. Sakto, we both call ourselves "aso't pusa" kasi laging bangayan ng bangayan. I bought na rin para sakin at sakanya
Bale, mga 5 shirts ata yon na puro gray. Meron din siyang nakitang maliit na lalagyanan na kulay white.
Nagulat naman siya nung nabuksan niya yon. "Jowni. Sobra naman na ata 'to" he said habang nang lalaki yung mata. "Pinagipunan ko yan. Sayang naman kung ayaw mo"That's a gold bracelet. Nag pagawa talaga ako ng bracelet na may nakalagay na puzzle.
"Sorry kung ito lang nakaya ng pang design ko ha" kumunot naman bigla noo niya sa sinabi ko. "Are you kidding me?! Eh ang ganda lahat ng ginawa mo!" He said. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. I made him happy. Ang saya lang sa pakiramdam. "Then let's eat. I'm starving na" pag aaya ko sakanya
Nag tatawanan lang kami habang nag uuno cards at nakupo sa sahig. "Oh ayan!! Talo ka nanaman! Ngayon, gusto ko naman na mag make up ka. Pero don't worry! Ako na bahala!" Ngiting sabi ko sakanya. Halata sa mukha niya na ayaw na niya. "Ako yung nag cecelebrate dito pero ako yung nakakawawa. Kanina, wig at dress. Ngayon, make up naman! Plano mo siguro 'to. Buti nalang at hindi pa sira dress mo sa mga muscles ko" pang rereklamo pa niya. Bigla naman akong tumayo at pinuntahan yung malaking bag na nasa gilid ng upuan. Hindi ko alam na hindi ko pa pala nauuwi 'tong mga gamit ko noon kaya eto nalang mga dinare ko sakanya. "Relax ka lang Kevin. Mag worry ka kung nirerape kita diba?" Pang aasar ko nalang sakanya. Bigla ko namang naramdaman na binababa niya onti shorts ko kaya napatingin ako sakanya. "Umupo ka nalang kase sahig habang hinahanap yung hahanapin mo. Hindi yung nakatuwad ka pa" halata sa mukha niya na naiinis pa siya. Nahanap ko naman na at bigla na akong umupo sa harap niya. "Sorry naman po. Boss!!" Pang lalaki ko pa ng mata sakanya.
Kinuha ko naman muna yung wipes at pinunasan yung mukha niya. Habang pinupunasan ko mukha niya, bigla naman siyang nag tanong sakin. "Bakit pala hindi na kayo nag sasama ng mga friends mo?"
"I was busy. Nag work ako a months ago" I said. "Eh ikaw? Bakit hindi mo na kasama si Karyle?..... tsaka.... parang kaya kayong lovers" dugtong ko pa.
Tumingin naman siya sa mga mata ko kaya napatingin na rin ako. "Hindi lahat ng mag bebestfriends, nagiging lovers. Tsaka iba yung gusto ko.... yung nasa harapan ko" nanglaki mata ko sa mga sinabi niya. Umilag naman na ako ng tingin kasi baka mahalata niyang kinikilig ako.
Initsa ko naman sakanya yung wipes after ko ipunas. "Hindi na kita memake-up-an. Kawawa ka naman. Tsaka mag bihis ka na rin"
Tumayo naman na ako para ilagay sa bag yung mga make up. "Sus! Bumigay ka lang sa sinabi ko eh" he said. Buti nalang hindi niya ako nakikitang nag bblush at nakatalikod ako.
Nang malagay ko na sa bag ko, napatingin ulit ako sakanya. "Utut mo!" W/ a galit face para hindi niya mahalata
Binigay niya naman na sakin yung wig at dress pag katanggal niya.
Nilabas ko naman yung iba pang gamit gamit dito sa bag at nilagay sa upuan para malagay ko ng maayos
Biglang lumapit si Kevin sa upuan at may kinuha. "Kevin, wag mo nang guluhin. Mahirap mag tiklop"
Niladlad niya naman yung isa kong daster dati nung bata ako. "Bagay 'to sayo" he said. "Dati pa yan, baka hindi na mag kasya sakin"
Hinarap niya naman sakin yung dress na parang sinusukat niya. From head to toe tumingin si ulul. "Kasya pa 'to sayo! Try mo! Dali!" Nakangiti niya pang sabi
"Osige na nga!" Kinuha ko na sakanya yung daster na mukha nalang dress sakin. "Basta ikaw mag ayos neto ha!" Pang lalaki ko pa ng mata sakanya. "Oo na! Oo na! Hindi ako titingin wag kang mag alala" sambit niya pa.
********
Kevin's POV
"Harap ka na" rinig ko na sinabi ni Jonily sa likod ko.
Nanglaki mga mata ko pag harap ko. Bagay na bagay sakanya.
Ano? Bagay ba?" Bigla pa siyang nag twirl. "Opo. Bagay na bagay" pag ngiti ko pa sakanya.
"Teka! Anong oras na ba?!" Patarantang tanong niya. "5:43. Bakit?"
Hinila niya ako palabas ng kubo bigla. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko
"Sa labas lang. Hihintay ang pink skies" she said
*********
oh abang abang

BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.