KEVIN'S POV
"Sino ba namang hindi maiinis diba? Okay I admit that mutual understanding yon...... argh!!" Tugon ni Karyle na nakakunot yung noo at napahiga.
Kumuha naman siya ng pillow na malapit sakanya sabay inilagay sa mukha niya at hinarangan. My bestfriend is crying. I don't want to see her like this.
Bigla naman siyang dumapa at inunan nalang yung pillow.
Naka harap naman siya sa kaliwa, habang ako na nasa paanan niya sa kanan.
"Kevin." Narinig ko na sabi ni Karyle sakin. "You know naman kung gaano ko siya minahal diba? Nakwento ko yon sayo" dugtong niya pa pero hindi pa rin siya nakatingin sakin.
Yes, I remember...
First month palang nag pag kakaibigan namin nun. Nandun lang kami sa roof top at nakaupo sa lapag.
"Sure ka talaga? Wala ka pang nagiging boyfriend? Tanong ko kay Karyle.
"Ikaw muna. May girlfriend ka na ba? Or should I say, nag kagirlfriend ka na ba?" Tanong naman niya sa akin. Napaharap naman ako sakanya at tinignan siya ng deretso. "Yes. Nag ka girlfriend na" I said. Bigla namang nanlaki mata niya. "What?!" Padabog na sinabi ni Karyle. "I thought you're just a mysterious guy from middle east and walang babaeng kaya mong mahalin?!" Dugtong niya pa. "I may be mysterious. Pero pag nakilala na ng mysterious guy na yun yung pinakamamahal niya.... nag iiba ang lahat. Alam ng lahat na pag nag mahal ka, may nag babago sa ugali mo. And you don't care because you love that person. You will do anything for him or for her" tugon ko.
Napaayos naman ako ng indian seat at tumingin ulit sakanya. "Ilan mang babae ang nag kagusto at nag mahal sakin. Sa isa lang talaga tumibok puso ko" tugon ko pa ulit.
Napaalis naman ng tingin si Karyle at napatango.
Tumingin nalang muna ulit siya sa quarter moon kaya napatingin nalang din ako.
Napayuko naman siya at biglang nag salita. "Pero alam mong mas mag babago ka pag nawala sila... diba?" Tugon niya
"13 years old. And I guess it's puppy love. Pero kakaibang puppy love......
Not my totally best friend. We're just childhood friends. Nung nag teenager kami, dun na nafall sa isa't isa. Wala kaming alam sa relasyon kaya we stayed that way. A sweet teenager relationship pero hindi mag jowa. Minsan nga sinasabi na baka kapatid ko siya at kamukha ko daw siya...... Bigla naman siyang hindi nag paramdam. Hindi na siya lumalabas ng bahay nila. Pag nakikita niya ako, umiiwas siya ng tingin tapos kunwaring wala ako. How sucks, right?" Tugon ni Karyle."So... where is he now? Are you both okay?" Tanong ko sakanya.
"I don't have news about them. Pero all I know is okay kami, dahil lang siguro baka naconfused lang kami noon kaya ganun niya nalang din tinapos ang pag kaka mutual understanding" sagot niya. Bigla namang siyang napasandal sa pader at pumikit
"Alam mo napaginipan ko pa yung isang babae. Sabi niya sakin noon na layuan ko na yung lalaking yun at hindi kami pwede. Pero inaway ko yung babae. After nung panaginip ko na yon. Dun na lumayo sakin yung lalaking yun." She said
******
"Bakit hindi mo nakwento sakin noon na may gf pala siya?" Tanong ko sakanya. Pero sabi niya na nakalimutan lang daw niya.
Napatingin naman siya sakin at biglang umupo sa tabi ko.
"That's why naniniwala ako minsan sa mga panaginip. And now.... I know kung bakit bawal kami sa isa't isa ni Kurt" tugon ni Karyle.

BINABASA MO ANG
The Purpose
Novela JuvenilSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.