Bedroom
Nag tawanan nalang kaming dalawa. Nawala na rin yung luha niya. Ayoko munang isipin yung sinabi niya at ayoko nang makita siyang iniiyakan ako.
"Pero seryoso... kung hindi nag ka Jonily..... wala talaga akong feelings sayo" sabi niya sakin tapos tumatawa
"Karyle.... sorry per...."
"Nukaba! Ok lang, wala ka namang kasalanan kung bakit ako nafall. Tsaka.... isipin mo nalang na wala akong sinabi. Baka hindi lang ako sanay na wala ka kaya ko nasabi yon" nahihiyang sambit niya"Hoy Kevin! Laway mo tumuturit"
Huh? Hindi naman na ako nag sasalita" sabi ko ng sarcastic"Shet! Umaambon!!!! Tulungan mo ako ayusin 'tong mga gamit natin"
Sabi niya sakin at inayos na namin yung mga gamit namin.'Di nag tagal, umulan na kaya sumakay na kami sa motor ko.
Pinasuot ko muna sakanya yung nag iisang helmet pati yung jacket na suot suot ko.
Hindi ko siya nahatid sakanila at masyadong malayo bahay nila kaya pinagstay ko muna siya dito sa bahay. Tinawagan naman na ni Keith yung mommy ni Karyle para mag paalam
Pinaheram naman ni Keith si Karyle ng damit at nag shower na.
Habang hinihintay ko siya, 'di ko namalayan na nakatulog na ako
Karyle's Point of View
Nandito na kami ngayon sa bahay nila Kevin. Hindi nila ako mahatid sa bahay eh.
Pinaheram na ako ni Keith ng damit kaya nag shower muna ako.
Pag katapos ko mag shower, naabutan ko si Keith na nasa labas ng banyo
"Halika" sabi niya sakin kaya sinundan ko siya pababa.
Potek! 'Di ako makapaniwala sa nakita ko. Naabutan ko naman dun si Drake na kaklase ko.
Oo nga pala, tropa niya 'to. Pero bakit silang dalawa lang?
Nakita ko naman sa lamesa na may madaming bote ng alak,pulutan at yelo. Umiinom pala 'tong mga 'to. Hindi nakwento sakin ni Kevin.
"Bakit pala tayo andito sa sala niyo? Tsaka ayaw mo bang ayain si kuya mo?" Tanong ko sakanya
Natry ko na rin uminom minsan pero hindi ako nag papakalasing.
"Nakita kong tulog na siya kaya ikaw nalang inaya ko. Sakto nandito ka naman" sabi naman sakin ni Keith
"Teka teka teka.. umiinom.. kuya mo?" Tanong kong nag tataka talaga ng sobra
"Oo! Well.... baka nga hindi mo pa talaga masyado kilala si kuya"
Weird. Never niyang nabanggit yung abt sa alak alak. Pero baka nga nakalimutan lang niya sabihin at never pa rin naman namin 'tong naging topic
Tumayo naman si Drake sa harap ko, "Drake" ngumiti naman siya at gusto makipagkamayan. "And you must be... Karyle? One of my classmates?" Habol niya pa.
'Di ko namalayan na nakatitig nalang pala ako sakanya. "Ms. Amona?" Sabi pa ulit ni Drake
"Sorry sorry! Yes po. Karyle Amona" nakipagkamayan naman ako at ngumiti
"Osiya siya, umupo na kayong dalawa" sabi naman ni Keith samin kaya bigla naman akong bumitaw sa handshake namin
Umupo si Keith sa pang-isang tao lang na sofa. Si Drake naman yung umupo sa mahabang sofa. So no choice kundi tumabi kay Drake. Argh
BINABASA MO ANG
The Purpose
Teen FictionSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.