Chapter 11

0 0 0
                                    

Effort

"I need your help!! Please..... and sorry"
"Sorry for what?"
"For what I said?"
"I'm not mad"
"Thank God.... now, can u please help me?"



Kevin's Point of View

TGIF. Haaay. Daming nangyari na hindi pa rin namin naiintindihan. Yung panaginip na hindi maintindihan. Dumagdag pa yung pag tawag ni Jonily sa sarili niya na Eya.

Ayokong maniwala na siya si Eya, bilin niya yun samin ni Karyle. Siguro baka nag kataon nga lang na nakikita ko siya sa panaginip ko. Wala talagang meaning yon. Masyado lang akong ano.

Pero ang hindi ko maintindihan is nanaginip kami ng sabay ni Karyle? Like how? Why?! Hindi ko na talaga naiintindihan!




Pag pasok namin ni Karyle sa classroom, bumungad samin yung limang upuan.

S O R R Y

Yun ang nakalagay na letra sa bawat upuan.

May nakalagay din naman sa board na sorry din. Weird

Wala pa ring masyadong tao. Yung mga tao, nasa isang sulok lang din nakikipagdaldalan.

Hinayaan ko lang naman ito at umupo na ako.

Ngumiti naman sakin papalapit si Karyle na may hawak ng mga paborito kong pagkain. Burger, fries, ice cream, at meal na may nakalagay din sa taas ng tupperware na "sorry. Nasa isang malaking paper bag lang ito lahat.

Anong pumasok sa isip ng babaeng 'to at nag sosorry?

"Tanga, hindi sakin galing yan. Sinsiswerte ka naman pag ako nag bigay niyan" sabi naman niya ng nakakunot yung noo.

"Eh sino?" Tanong ko naman at tinuro niya si Jonily na nasa malapit sa pinto.

Lumapit naman si Jonily samin at nag bigay ng letter. Ang laki talaga ng mata ko ngayon.

"Naaawa na ako, sorry" tugon ni Karyle at biglang umalis sa harapan ko.

Hindi ko namalayan na hindi ko pa pala tinatanggap yung letter ni Jonily, baka nangangawit na siya kaya kinuha ko na

"I'll do everything para lang mapatawad mo ako" sabi niya at mukhang nakakaawa yung mukha niya.

Mukhang naluluha na siya. Tangina nakakakonsensya naman pinag gagawa netong Jonily na 'to, masyadong maeffort.

Nakayuko na talaga siya na parang nahihiya at naiiyak. Tumayo ako sa harapan niya. Pinupunasan na niya pisngi niya na may luha na. Napansin ko na dala ko pala yung paborito kong panyo. Wala eh, no choice tayong ipagamit sakanya

Pinunasan ko naman yung pisngi niyang may luha na talaga. Nararamdaman ko na rin yung pag singhot niya. Nakakaawa naman, dahil lang sa hindi ko pag pansin sakanya, laking epekto na

"Tahan na.... binibini" tugon ko na ikinatingin niya sakin at ngumiti.

Umakap naman ako gamit ang isa kong braso. Yung kamay ko naman ay nasa ulo niya na parang pinapatahan ko pa rin siya. Umakap din naman siya sakin pabalik.

"Ayieee"
Kayo ah"
"Parang nilalanggam dito sa classroom ah"
"Iba na talaga ang pumapagibig" tugon ng mga kaklase namin na ikinangiti naman naming dalawa

Bigla namang dumating ang dalawang magkaibigan na si Drake at Althea. Napatitig naman sila samin. Bigla akong nginitian ni Althea.

Binitaw ko na yung pag akap ko sakanya at baka maissue pa kami at umupo naman na siya sa upuan niya which is sa tabi ko lang.

'Di nag tagal binura na namin yung nasa board at tinanggal yung sorry sa upuan hahaha kung ano ano iniisip ng babaeng 'to eh.

Umayos na rin ang mga kaklase ko nang malaman nilang malapit na si Ma'am.







Haaay. Nakakapagod ang araw na 'to na may saya. Paakyat na ako ngayong sa kwarto ko

Sa sobrang pagod ko, humiga nalang ako bigla sa kama ko kasama ang bag ko. Napatingin ako sa kisama at napaisip sa mga nangyari.

Naalala ko yung ginawa sakin ni Jonily kaninang umaga. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

Naalala ko yung sulat na binigay niya sakin. Kaya dali dali ko naman 'tong kinuha sa bag ko.

Dear Ginoo,

Dahil tinawag mo akong binibini, ginoo naman itatawag ko sayo hahaha. Ginoong Kevin, maraming salamat sa mga ibinigay mo sakin nung nakaraang araw. Nakakaoverwhelmed. Naappreciate ko yun, pangako. Sorry kung nakulitan ako sayo dahil dun sa Eya Eya na yon. Ewan ko ba kung sino si Eya at ang laking epekto sayo. Bakit ayaw mo na akong pansinin Ginoo? Wala na akong maisip na paraan kaya eto nalang ang ginawa ko. Nag patulong pa ako sa nag iisang bestfriend mo na si Karyle. Sinabi niya sakin ang mga paborito mo at agad ko namang binili. Ako ang nag luto niyang meal mo na yan ah? Adobo and boiled egge w/ fried rice. Nagustuhan mo ba ang luto ko? Sana naman, oo. Yun lang Ginoong Kevin. Sana magustuhan mo ang ginawa ko.

Nag mamahal,
Binibining Jonily.

Lakas maka Carmela't Juanito ah hahaha.

Bigla namang bumukas yung pinto ko at hindi ko na tinignan kung sino 'to dahil alam kong si Keith yon.

"Mukhang pumapag-ibig na kuya ko"aniya na ikinatingin ko.

"Anong pumapag-ibig? Hindi ah"
Tugon ko naman na ikinaupo ko sa kama.

Natawa siya onti at lumapit sa gilid ng kwarto ko. "Kuya, wag mo na ipagkaila. Nakita kong nakangiti ka habang tinitignan ang sulat niya. Alam kong galing yan kay Jonily." At bigla namang kinuha ang isa sa mga paintings ko at namalayan ko na yun ang pinaint ko na si Eya na kamukha ni Jonily. "Kita mo 'to? Kelan ka pa nag pinta ng babae? At sa lahat ng nag effort sayo, eto lang naappreciate mo" sabi naman niya ulit

Naappreciate ko naman lahat ng mga nag bibigay sakin. Pero iba lang talaga si Jonily.

Nandito ako ngayon sa labas nila Karyle para sunduin siya at lagi kaming sabay pumapasok neto.

Pag labas niya ay may hawak hawak siyang isang lunchbox

Binigay naman niya sa akin 'to na ikinatingin ko sa lunchbox.

"Baka sabihin mo, ako yung kaibigan pero ako yung hindi nag bibigay ng mga gusto mo" sabi niya na ikinatawa ko

"Halika nga dito" hinila ko siya papalapit sakin at ginulo ang buhok niya. "Alam mo, Karyle Amona. Sapat na sa akin yung pag mamahal na binibigay sakin ng bestfriend ko."
Napangiti naman siya sakin.

The Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon