Chapter 19

1 0 0
                                    



Kevin's POV

Pag ka hatid ko sakanya, bumungad sakin yung mommy niya na si tita Joana pala.

Sabi niya na mag meryenda daw muna pero sinabi ko na nag meryenda na kami ni Jonily.

Bigla ko namang naalala yung tungkol sa anak ng mga Pascua.

"Uhm. Tita, pwede po ba kitang makausap?"

"Sure honey, ano yon?"

"Kung pwede po, yung tayo lang po sanang dalawa"

Nag katinginan naman si tita Joana at Jonily. Sinenyasan naman ni tita si Jonily na pumasok na siya. "Sige na Kevin. Bye" tugon ni Jonily sabay pasok sa bahay nila.

"Ano yon Kevin? Hindi ba kayo okay ng anak ko?"

"Tita... anak niyo po ba talaga siya?" Bigla namang nanglaki mga mata niya sa tanong ko. "B-bakit mo natanong?" Tanong niya sakin na gulat na gulat. "May alam po kasi ako na hinahanap anak nila. And I just think na baka siya yon" sagot ko naman sa tanong niya. "Pumunta ka dito ng 8am, wala na si Jonily non. Makakapagusap tayo ng maayos. Wag ngayon at gabi na rin" sabay tingin sa buong paligid kung may nakarinig sa sinabi niya

Posible kayang eto na? Posible kayang malaman ko na





Nagising naman ako ng maaga kaya gumayak ako agad. Hindi ako mapakali, I want to know if she's Cristine or not.

Pag baba ko, naabutan ko naman si mommy sa dining area. Napatingin naman siya sakin na nasa hagdan at nginitian

"Oh, darling. Want breakfast? By the way, good morning!" Tugon niya habang pababa ako.

"Mom, sorry but I have to go. Sorry ha, kung kelan nandito ka aalis ako."

"It's okay darling, I understand" sabi sakin ni mom

Inakap ko naman siya at kiniss sa cheeks.

"I love you mom" tugon ko naman sakanya

"I love you too, my son......Now go, baka importante yan. And remember..." sinabayan ko naman ang pag sasalita niya na, "don't be late" nag ngitian naman kami dahil sabay naming sinabi yun. "I know mom, at ginagawa ko naman" sabay ngiti



Nandito na ako ngayon sa bahay nila Jonily. Bumaba na ako sa motor ko at napa buntong hininga. Lumapit naman ako para mapindot yung doorbell.

"Wait lang po!" Sigaw ng babae

Takbo naman palabas ang babae na sa tingin ko ay kasambahay nila.
Bigla naman niyang binuksan ang gate at tinignan ko mula ulo hanggang paa

"Oh hijo, kaibigan ka ni Jonily? Wala siya di" napatigil naman ito sa pag sasalita dahil may biglang nag salita sa loob. "That's my visitor, tita Claire" napatingin naman ako sakanya at napagtanto na si tita Joana pala yon.

Gumilid naman yung kasambahay na si tita Claire pala at pinapasok ako.

Pumasok naman na ako at sinenyasan ako ni tita Joana na maupo muna. "Tita Claire, paprepare naman etong poging kasama ko ng food" sabi ni tita Joana na ikinatawa ko. "Sige po madam, wait lang po" tugon naman ni tita Claire.

Agad namang binigay ni tita Claire yung toast at egg tsaka tubig kaya nag pasalamat naman ako.

Habang tinitikman ko yung binigay sakin ni tita Claire, bigla naman akong hinawakan sa kamay ni tita Joana. "Promise me na satin lang 'to" wika nito na halatang kinakabahan. Kaya tumango naman ako.

"Tama ka, hindi ko siya anak" sambit niya na ikinalaki ng mata ko. So tama nga?! Jonily is part of the Pascua's!

"Dahil apo ko siya" ano?! Apo siya?! Bakit ang bata niya tignan?!

"Now, if you're wondering kung bakit bata ako tignan. Maaga siyang pinanganak ng nanay niya na anak ko." Dugtong niya pa

"Asan na po yung tunay na magulang niya? Sabi rin po niya na may kapatid siya. Bakit din po sabi niya na ikaw daw po ang nanay niya?" Tuloy tuloy kong tanong sakanya.

"Namatay na nanay niya Kevin" huh? Namatay na yung Leah?!

"Leah po ba pangalan ng anak niyo?" Tanong ko kay tita Joana. Napakunot naman siya ng noo at halatang nagtataka. "Jona pangalan niya hindi Leah" tugon naman ni tita Joana

Ibig sabihin, hindi si Jonily ang nawawalang Pascua

"Makinig ka mabuti Kevin.
16 palang si Jona nung pinanganak niya si Jonily. Sobra akong nagalit sakanya nung nalaman ko yon lalo na't iniwan siya nung boyfriend niya na yon. Pero sabi kong wag niya yon ipapalaglag. Tinanggap ko ang anak niya, pinangalan ko naman yung Jonily. After 2 years, may nakilala nanaman siya na nag patibok ng puso niya. Kaya nakagawa nanaman siya ng bagong anak. But Kevin, ang totoo kasi niyan...." tumingin tingin muna siya sa paligid kung may makakarinig sakanya. "Jona is not dead. Nakipagtanan siya sa asawa niya. Alam niyang hindi ako ang totoong magulang niya pero hindi niya alam na buhay pa ang mom niya talaga. I don't want her to know that. Cause I know that my grandaughter, Jonily will be mad at her real mother na anak ko. I don't want that to happen. Kung mang yayari man yon. Wag muna ngayon. Pero I don't know kung sino yung sinasabi mong hinahanap na anak"

"Eh nasaan na po sila ngayon? Nasaan na po yung asawa at isa niyo pang apo?" Tanong ko naman kay tita Joana. "Well... nag bibigay naman siya ng letter sakin kaya ok lang at kahit ganon si Jona, ayokong mag tanim ng galit sakanya cause she's my only daughter and I love her so much.... After 6 years, nag pakita ulit siya sakin. Tinyempuhan niyang wala si Jonily non. Sobra ko siyang namiss. Dala dala pa nga niya non ang isa ko pang apo na si Ericka eh. Tinuri ko na rin si Jonily na totoong anak, yung hindi niya mararamdaman na ako lola niya haha! Pero..... ang asawa ngayon ng anak ko na si Jona.... ay hindi tao" what? Paano?!

"You won't believe this, but it's up to you kung maniniwala ka....
Actually, tao naman si Felix but hindi siya tiga dito! Kumbaga enkanto! No no no! Alien? I don't know what is he but he really looks plike a fucking normal boy." Sambit pa ni tita Joana

Sobra talaga akong naguguluhan. Pero mas pinili ko nalang maniwala kay tita Joana. I think her story is true. Kaya nag kwentuhan nalang muna kami ng matagal ni tita Joana. Nakwento niya din sakin na 20 lang din siya nung pinanganak niya si tita Jona kaya tinanggap na rin niya ang anak niya pero mali lang kasi "16" yrs old naman si tita Jona nung pinangank si Jonily

The Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon