School
Kevin's Point of View
Pasukan na. At syempre, bago dito si Karyle kaya kasabay namin siya pumasok. Grabe naman ang tingin niya sa buong paligid dahil naninibago na sa mga nakikita niya.
Eto lang naman si ako, na hindi ngumingiti pag sa school. Tulala lang pag nag lalakad.
Pero bigla akong nagulat dahil may nakita ako sa hindi kalayuan ang isang babae.
Tangina! It can't be!!! Siya? School?! Ko?! Panaginip?! Totoo?!
KEVIN! WAKE UP!!! WAKE UP!!!!
Sinampal sampal ko ang sarili ko na ikinataka naman ni Karyle. "Okay ka lang paps?" Tanong niya sa akin na nag tataka
Tinuro ko sakanya ang babae na ikinalaki rin ng mata niya.
"EYA!!!!!!" Sigaw namin pareho. Napatingin naman ang iba samin na ikinahiya namin.
Bigla naman niya akong binigyan ng tara-sundan-look.
Kaya sinundan naman namin siya na papunta palang locker niya.
Nang binuksan niya ang locker niya, napatigil kami sa pag lalakad ni Kar ng hindi kalayuan.
Tumingin naman ako kay Karyle. "Go" sabi lang niya sakin na ikinalakad ko papalapit sakanya.
Bigla naman akong nagulat na bigla niyang niclose yung locker niya na parang galit na tumitig sakin. Hindi ako nginingitian
Bakit ganon? Never kong nakita si Eya na sumimangot. Eto pala mukha pag nakaganito.
Ang sungit ng tingin niya sakin. Hindi ganito si Eya sakin. Ibang iba grabe
"What do you need?" Sabi nito na ikinalaki ng mata ko dahil eto ang boses na naririnig ko sa panaginip ko.
"Uhm.. Eya?" Sabi ko na ikinataka ng mukha niya
"Who's Eya?" Tanong naman niya sakin
Naalala ko na wala ako sa panaginip. Pero parang nasa panaginip akong nang makita ko talaga ang napakaanghel niyang mukha.
"Sorry sorry." Tugon ko at narinig ko ang pag pigil ng tawa ni Karyle sa likod ko. "Can I know your name?" tanong ko
Nakatingin pa rin siya sa akin. "Jonily.... Jonily Karady" tugon naman niya na ikinangiti ko
Sa wakas!!!! Nag katotoo ang panaginip!!! But in a opposite way. Kasungitan ang ibinungad sakin ng totoong Eya.
Ngumiti eto ng mapait sakin. "Bye"
Umalis na siya sa harapan ko at tumingin sa likod ko na kung saan nandun si Karyle. Kilig na kilig siya na tuwang tuwa. Alam niyo kase, hindi ko rin makita ang pagkababae ni Karyle dahil mala Keith siya na titibo tibo.
Binigyan ko siya ng tigilan-mo-ako-look na ikinatawa niya ulit.
"Gago. Tara na nga bwisit ka." Sabi ko at nag lakad na kami para hanapin ang pangalan namin kung saan room namin
Alice, John Kevin C.
Amona, Karyle L.Nag-apir naman kami nang malaman na mag kaklase kami.
Pero napangalawang tingin naman si Karyle at ikinalaki ng mata niya.
"Look who's lucky" tugon nito at tinignan ang tinitignan niya
Pang number 24
Karady, Jonily C.
What the fuck Kevin!!!
Abot tenga ngiti ko hanggang ngayon
Nalaman ko naman na kaklase pala namin si Drake P. Zoe at Althea C. Paulino
At magkaklase naman si Sarah Onna at ang kapatid ko na si Keithyline Weia C. Alice
Yes, magkagrade kami. Isang taon lang ang agwat namin eh.

BINABASA MO ANG
The Purpose
JugendliteraturSi Kevin ay naniniwala na totoo ang panaginip. She met a girl sa panaginip niya. Hoping na makita niya sa totoong mundo hindi lang sa dream land.