Kabanata 2

43 25 0
                                    


Kabanata 2







"So, ano plano mo?"

Pumangalumbaba ako sa inuupuan ko at kumuha ng maliit na bato at itinapon sa walang tao na soccer field.

Lunch break ngayon kaya nakapagtambay kami ni EJ dito sa field, maganda kasing tambayan dito kapag lunch lalo na at may punong mangga na pumuprotekta sa'yo mula sa init at presko rin ang hangin.

"Wala." Tipid kong sagot tsaka umupo sa tabi niya at humilig sa puno habang siya naman ay naka-indian sit na may hawak-hawak na makapal na libro.

Tiningnan ko ang librong binasa niya. Tungkol ito sa Big Bang Theory! Aba ... Ang kapal ng libro... Kung ako ang nagbabasa niyan siguro aabutin pa ako ng ilang taon niyan bago ko matapos magbasa. At baka at the time na tapos na akong magbasa ay nakalimutan ko na rin ang mga huli kong binasa!

Kaya hindi ko alam kung paano kami nagingagkaibigan ni EJ.

Hindi kami nagkakasundo sa pagkahilig niyang magbasa. Sa fashion ideas niya at higit sa lahat sa taong gusto niya.

Masyado siyang matalino para sa'kin. While I am a sucker for Math!

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa bahay kung saan galit na galit si mama sa'kin dahil daw sa ka-unladylike act ko doon kay Joey at yung parusa ko na ngayon ay wala na. Yehey!

I cannot blame my mama though... She's right, I shouldn't be fighting all the males at school. Pero may iba lang talagang mga tao na mahirap pakisamahan. That's why I ended up being on a guidance.

Nilingon niya ako pagkatapos kong sumagot. Her face was surprised with something I think I know.

Bakit parang nagulat pa 'to?

Halata kase sa mukha niya noong tumingin siya sa'kin ang gulat.

Kinunot ko lang ang noo ko sa kanya saka ako bumaling ulit sa field sabay tapon sa mga pinulot ko kaninang maliliit na bato.

"Wow! Himala yata at nag-cease fire ka ah." Aniya na kakarecover pa lang yata sa pagkakabigla kanina na ngayon ay mukhang nasiyahan sa sarili niyang iniisip.

"Cease fire?" Kunot noo ko siyang binalingan ulit, ano ba itong pinagsasabi ng babae na ito? "Bakit naman ako magsicease fire?" Nagtatakang tanong ko.

Ako? Magsicease fire? Mangyayari lamang yata iyon kapag pumuti na ang uwak!

Alfonso ako, at may pride akong inaalagaan. Kung matayog ang pride nung apo ni mayor Eric na mukhang damuho. Aba! Mas lalo na ako!

I have been thinking... I really couldn't picture myself getting along with Jed. Diba? Kase parang isang himala yata iyon kung mangyayari man, its just impossible!

Makita ko nga lang ang mukha nun, sira na ang araw ko kaya tingin ko, malabo...

"W-what?" Naguguluhang tanong ni EJ kaya ngumiti ako at mas lalong lumapit sa kanya tapos ginulo ko ang buhok niya.

"Ceasefire nor surrendering is not in my vocabulary, EJ. Pero magpapalamig muna ako sa bahay kase mahirap ng maparusahan ulit ni papa." Natatawang sabi ko.

Ngumiwi siya sa narinig na sagot ko, pagkatapos ay nagpatuloy ulit sa pagbabasa.

Masyado naman yata itong nahuhumaling sa libro niya? May exam ba 'to?

"Ewan, ko sa'yo. Bahala na nga kayo sa World War III ninyong dalawa na mukhang wala na yatang katapusan." Sinasabi niya iyon habang nagbabasa parin sabay pakli rin sa libro para sa susunod na pahina.

Kung tingin niya ay wala ng katapusan ang bangayan naming dalawa ng damuho ay tingin ko wala na rin. Haha.

Kase nga, if we put it this way, Jed was the first one to lit the fire between us and here I am just initiating his declaration of war.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now