Kabanata 19

14 3 0
                                    


Kabanata 19








The next day, unknowingly, I found myself getting ready for the date Jed is talking about. Nagbihis ako ng plain white v-neck shirt at maong skinny pants na tinernuhan ko rin ng white rubber shoes.

Ilang beses pa akong pabalik-balik sa salamin upang kumpirmahin kung okay lang ba ang ayos ko. Tumalikod ako sa salamin at tiningnan ang ayos sa likod. Okay naman pero 'di ako satisfied. There is this feeling na hindi ko alam pero gusto kong paghandaan.

Muli akong pumasok sa walk-in closet and tried to find something pleasing in my eyes. Doon muna ako sa mga nakatupi kong mga t-shirt at shorts. But sadly, wala akong napili. Doon naman ako lumapit sa mga nakahanger kong pants at nahagip ng tingin ko ang mga dress na nakasabit din dun.

Kumunot ang noo ko...

Since when do I have a dress? Agad na pumasok sa isipan ko si mama na obssess sa fashion. Si mama talaga! Hula ko siya ang naglagay ng mga ito dito!

Tiningnan ko ang mga iyon isa-isa. Mayrong red, yellow, black, white and blue. Lahat ng iyon ay halos kita na ang kaluluwa kung isusuot ko 'yon!

Kumalabog ang puso ko ng iharap ko sa salamin ang dilaw na dress na may bulaklaking desenyo at turtle neck pero kita ang likod. Isinabit ko ulit ang dress na kinuha at isinunod ang pula.

Neck hugging long sleeve 'yung damit pero bukas ang magkabilang balikat. At medyo maikli ang palda na above the knee pero mas mabuti na'to kesa dun sa naunang dilaw.

With curiosity, isinuot ko ito para makita kung okay lang ba itong isuot ko. And when I'm done, I could'nt keep my hands to myself.

It's my first time to wear a dress and I did'nt know I could feel this girly!

Lumabas ako sa walk-in closet at lumipat dun sa mas malaki kong salamin sa kwarto. Umikot-ikot ako and swayed my skirt.

I wonder how would Jed react if he sees me wearing this?

Agad akong umiling para alisin ang kakaibang naisip.

Hindi inaalis ang tingin sa salamin, umikot ulit ako para makita ang pag-ikot ulit ng skirt ng damit. Pero nabitin sa ere ang ikot ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at gumuho ang mukha ni Manang Loring.

"Anak-" saglit na natigilan si Manang pero agad namang nakabawi. "Ay! Ang ganda naman!" Aniyang nakangiti at agad ng pumasok na para bang may nakita siyang magandang bagong palabas sa TV.

"Manang nakalimutan niyo atang kumatok!" Ani ko habang mabilis na pumasok sa closet at sinara ito.

Uminit agad ang pisngi ko. Nakakahiya!

"Ay sus! Nahiya pa siya! Nakita ko na anak!" Rinig kong tawa ni Manang sa labas. "Bagay sayo 'yun anak. Gumanda ka lalo! 'Wag mong palitan."

"Si Manang naman, eh! Sinubukan ko lang naman." Tunog defensive kong sabi habang mabilisang nagpapalit ng damit.

Pakiramdam ko, I have been held guilty. Baka kung anu-ano na ang iniisip ng matandang 'yun! Baka isipin nun na nagpapaganda ako nang dahil lang sa lalaki.

"Bakit? Ano bang kailangan niyo manang at pumunta ka dito sa kwarto ko?" Tanong ko nalang sa kagustuhang maiwala sa isip ni Manang ang nakita kanina.

"Ay! Oo nga pala! Andito na 'yung sundo mo!" Si Manang Loring."Kaya pala nagpaganda ang alaga ko!"

Amusement was laced on Manang's voice kaya mas lalo lang akong nahiya sa sarili. Isinuot ko uli 'yung v-neck shirt at rip jeans ko bago lumabas.

"Manang naman, eh." My brows knitted and my lips pouted in frustration.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now