Kabanata 18

16 23 0
                                    

Kabanata 18








"GUYS! SINO PA ANG GUSTONG SUMAMA?" Ani ko habang busy sa pagbibilang sa mga kaklase naming nagtaas ng mga kamay sa room na gustong sumama sa dinner date namin ngayon ng kumag.

Niyaya ako ni Jed na magdate daw kami kahit dinner nalang basta makapagdate lang kami. Ilang beses na kasi niya akong niyaya pero tinatanggihan ko dahil ayoko lalo na sa mga nakaraang araw ay hindi ko na makilala ang sarili ko sa lahat ng mga pinanggagawa ko kasama ang kumag.

Pinagbigyan ko siya ngayon dahil may naisip akong plano. Go with the flow with his game, right? Ito na'yon! Inimbita ko ang kahit sino sa mga kaklase namin kahit na hindi ko kilala ang iba. Basta lang makakuha ako ng maraming bilang ng sasama.

Tingnan nalang na'tin kung may second date ba na mangyayari kung parang class reunion ang madatnan ng kumag sa restaurant na pinagkasunduan namin ngayon. Gusto ko tuloy magmalademonyo ng tawa.

This is revenge! I can't wait to see his reaction! HAHAHA!

"Mi, sama ako!" Anang isang kaklasi ko na si Mike.

"Sure! Sino pa?" Sagot ko naman at luminga linga para maghanap pa ng mga kaklasing sasama.

"Miya... pwede s-sumama?"

Napatingin ako sa babaeng nahihiyang lumapit sa mesa ko. Si Desiree, isa sa mga babaeng kinaiinisan ko dahil mayabang, maldita at lagi akong iniirapan sa tuwing nakikita niyang magkasama kami ng kumag.

May gusto yata 'to sa kumag kaya ganun. Hindi pwede- gusto ko sanang sabihin 'yon dahil hindi ko rin naman siya gustong sumama sa'min. But since I still need a large number, tinanguan ko nalang.

Bumait din naman kasi,e. Nahihiyang magvolunteer na sasama! Plastic! Pero sige, pagbibigyan ko siya. Ngayon lang naman.

Marami ang gustong sumama. Nasa dalawampu ang bilang ko lahat, okay na yata 'to. Niyaya ko na ang mga kaklasi ko na sasama na aalis na kami papunta sa restaurant na usapan namin ng kumag.

Dahil masyado kaming marami, sinabi ko nalang sa kanila ang address para convoy. Hindi na matanggal ang ngiti ko pagkasakay ko palang sa motor.

I wonder what will be the idiot's reaction after witnessing this? Ngayon palang gusto ko ng mag-victory party!

Supposed to be, susunduin ako ng kumag ngayon pero sinabi ko na 'wag na dahil kaya ko naman na pumunta dun mag-isa. Pinilit niya parin ako pero tumiklop din pagkatapos kong bantaan na walang date na magaganap kung hindi siya papayag sa gusto ko.

Maingay ang mesa namin sa restaurant dahil narin sa dami namin. Nakikipag-usap ako sa mga kaklasi kong lalaki habang panay naman ang retouch ng mga babae sa make-up nila. Gusto kong umirap pero pinigilan ko.

Of course! These women with us are Jed's kind of girls. Tch. Kahit ang mga nerd sa room namin na hindi marunong mag-ayos ay nakitang kong naglalagay ng lipstick for the first time! Tumawa nalang ako sa isip ko bago kinuha ang cellphone sa bag para maitext na ang kumag.

Ako:

Nandito na ako :D

Tapos kagat labi kong ibinulsa ulit ang phone. Excited na ako!

Maaga kaming dumating sa restaurant kesa usapan naming oras ni Jed. Ala sais palang nandun na kami kahit na ala syete naman ang usapan.

Gusto ko lang mauna nang sa ganun ay una ko ring makita ang laglag panga niyang reaksyon.

Hayy... ang saya-saya ko talaga!

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now