Kabanata 11

26 12 0
                                    


Kabanata 11









"Hoy! Ano na naman 'tong ginagawa natin?!"

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni EJ. Hinatak ko na lang siya palabas dun pero nung malapit na kami sa entrance, bigla namang pumasok si Dale!

Palingon-lingon siya na para bang may hinahanap. Kaya bago pa man niya ako makita o bago pa man rin siya makita ni EJ ay hinatak ko ulit si EJ pabalik sa dinadaanan namin kanina.

People were giving us strange looks nung makita nila na halos gumapang na kami sa sahig but I didn't mind as long as hindi kami makita ni Dale!

"Are we hiding from someone?" Tanong ni EJ and it is still evident in her voice that she has no idea of what's happening but then, she still obliged to do what I told her to do.

Tahimik lang kami habang halos kulang na lang magtago kami sa ilalim ng mesa. Sumisilip pa rin naman ako kay Dale para masigurong hindi talaga niya kami makikita. Palinga-linga pa rin kasi siya hanggang sa may lumapit na sa kanya na waiter to accompany him. Kaya laking pasasalamat ko nalang na napunta na roon sa waiter ang atensyon niya.

"Excuse me, ma'am."

Both EJ and I turned to look at the waiter who suddenly approached us. Umayos agad kami ng tayo.

"May problema po ba?" Tanong nito.

Ngumiti agad ako para mapagtakpan ang kalokuhang ginagawa ko--namin ni EJ. But basically the fault will still fall in me kaya para paring mapagtakpan ko lang ang sarili.

"Wala. May hinahanap lang. Lalabas na rin." Sabi ko at nagpaalam na sa waiter sabay hatak ulit kay EJ pabalik dun sa entrance ng resto at lumabas na.

Saka lang yata ako nakahinga ng maayos nung talagang nakalabas na kami at nasa basement na ulit. Mabuti nalang talaga at hindi kami nakita ni Dale!

"What was that all about?!"

Just when I thought okay na ang lahat dahil nakatakas kami sa paningin ni Dale! I almost forgot I owe my friend an explanation.

I heaved a deep sigh before deciding to explain what happened. Pero hindi pa nga ako nakakapag-explain ay sinapak na ako ng silver clutch ni EJ na dala-dala niya kanina pa.

"Akala ko ba babawi ka?! Para mo pa akong ikinahihiya, ah! Am I really your best friend?!" Paulit-ulit niya akong tinampal-tampal ng clutch niya kaya wala akong magawa kundi ang takpan ang mukha ko with cross arms.

Ang bilis niyang magsalita!

"Proud na proud ako na best friend kita tapos parang ganun nalang na kinahihiya mo ako?! Bakit?! Dahil masyado bang celeb ang dating sa restaurant na napili ko?! Masyado ba akong maganda para maging kaibigan mo?! Sabi mo 'di ba libr--" sinapak ko na. "Aray!"

"Ang OA mo ha?" Ani ko at ako naman ngayon ang tumampal-tampal sa kanya.

"Ayoko ko lang sa restaurant na napili mo ganyan ka na agad mag-isip?! Pambihira! Sasapakin talaga kita eh!" Ani ko naman at bahagya siyang natawa.

Inirapan ko.

Nag-peace sign ang loko.

"Ganun ba? Sige! Sa'n mo ba gusto kumain bestie?"

Parang gusto kong masuka sa paraan ng pagtawag ni EJ sa'kin ng bestie. Jejemon!

I rolled my eyes at her.

Naghanap kami ng bagong pwedeng kainan ni EJ at dahil gabi na at may pasok pa kami bukas ay sa Ayala Triangle Gardens nalang kami pumunta dahil malapit lang sa bahay nila EJ. After eating dinner ay nanood naman kami ng movies sa kwarto niya sa bahay nila at dun na lang din ako natulog.

What the Heart wants [ON GOING]Where stories live. Discover now